Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nanatiling Matatag ang Presyo ng Langis sa Gitna ng Pagpapalawig ng OPEC+ sa Pagbabawas ng Produksyon Hanggang Susunod na Taon
3 June 2024 | FXGT.com

Nanatiling Matatag ang Presyo ng Langis sa Gitna ng Pagpapalawig ng OPEC+ sa Pagbabawas ng Produksyon Hanggang Susunod na Taon

Matatag ang Presyo ng Langis Pagkatapos Palawigin ng OPEC+ ang Pagbabawas ng Produksyon: Nanatiling matatag ang presyo ng langis pagkatapos magdesisyon ang OPEC+ na palawigin hanggang susunod na taon ang pagbabawas ng produksyon, habang idinedetalye ang dahan-dahang plano sa pagtigil ng ilang pagbabawas. Nilalayon nitong gawing matatag ang market sa kabila ng paglago ng demand, mataas na interest rate, at tumataas na produksyon ng US.

Kasalukuyan at Pinahabang Pagbabawas: Babawasan ng OPEC+ ang output ng 5.86M bariles kada araw, na humigit-kumulang 5.7% ng pandaigdigang demand. Kabilang dito ang 3.66M bariles kada araw na papaliwigin hanggang sa katapusan ng 2025, at 2.2M bariles kada araw ng walong miyembro hanggang Setyembre 2024. Ang pagbabawas ng 2.2M bariles kada araw ay dahan-dahang tatanggalin mula Oktubre 2024 hanggang Setyembre 2025.

Kota sa Produksyon sa 2025: Halos hindi nagbago ang kota para sa 2025, maliban na lang sa United Arab Emirates (UAE), na nakatanggap ng dagdag na alokasyon na 300,000 bariles kada araw. Dahan-dahang dadagdagan ng UAE ang output nito sa loob ng unang siyam na buwan ng taon.

Pag-aalala sa Ekonomiya: Nagigipit ang presyo ng langis dahil sa pag-aalala na pananatilihin ng US Federal Reserve ang mataas na interest rates, na posibleng magpabagal sa paglago ng ekonomiya at magpabawas sa demand sa langis. Bagamat nabawasan ang tindi ng presyo noong Abril, hindi pa sumesenyas ang Fed na magpapatupad ito ng rate cut, kaya nagpapahiwatig na may mas mahabang panahon bago maabot ang layunin sa inflation. Nakadagdag din sa pwersa ng presyo ang pag-aalala tungkol sa mabagal na demand sa China at tumataas imbentaryo ng langis ng mga malalaking ekonomiya.

Geopolitical na Pangyayari: Ang pagtaas ng presyo ng langis ay binawi rin ng pag-asang magkakaroon ng tigil-putukan sa Gaza, pagkatapos ilabas ng US noong nakaraang linggo ang tatlong-yugtong plano nito. Noong Linggo, tinanggap ng administrasyon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang panukala ng presidente ng US na si Joe Biden para magkaroon ng tigil-putukan sa Gaza. Masusing sinusubaybayan ng mga investor ang mga geopolitical na tensyon, dahil pwedeng sumipa ang presyo ng krudo kapag naging mas malala ang lagay nito.

Nalalapit na Datos: Inaabangan na ng market ang linggo na punong-puno ng mga ilalabas na datos sa ekonomiya. Ang pangunahing kaganapan ay ang ulat sa mga trabaho sa US na ilalabas sa Biyernes, dahil bubusisiin ito ng traders para sa lagay ng ekonomiya sa US.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.