26 Abril 2024 | FXGT.com
Nakabawi ang Presyo ng Langis dahil sa Pananaw ng US Treasury at Tensyon sa Gitnang Silangan
- Pagbawi ng Presyo ng Krudo: Nakaakmang magsara ang presyo ng langis sa positibong balita, na sumesenyas ng reversal mula sa dalawang magkasunod na linggo ng pagbaba. Resulta ito ng magandang komento ng US Treasury Secretary na si Janet Yellen at patuloy na geopolitical na tensyon sa Gitnang Silangan.
- Komento ng Treasury Secretary na si Janet Yellen: Nagbigay ng magandang perspektibo nitong Huwebes ang US Treasury Secretary na si Yellen, kung saan ipinahiwatig niya na maaaring tumaas ang GDP ng US sa unang quarter habang lumilikom pa ng karagdagang datos. Isinaad din niya na maaaring maging patag ang inflation sa dating lebel, kung lalagpasan nito ang mga naiibang aspeto na pansamantalang pumipigil sa paglago.
- Epekto ng mga Tagapaghiwatig ng Ekonomiya: Bago inilahad ang positibong pananaw ni Yellen, nagdulot ng pangamba ang mahinang datos sa ekonomiya nitong unang quarter, kaya inaasahan na ngayon ng mga investor na baka ipagpaliban pa ng Federal Reserve ang mangyayaring interest rate cut. Dati na itong nakapaglagay ng pababang pwersa sa presyo ng langis dahil sa pangamba ng pagbagal ng ekonomiya.
- Pananaw sa mga Interest Rate: Dahil posibleng humarap ang US sa mas mahabang panahon na may mataas na interest rate, maaaring magresulta sa mababang demand sa enerhiya ang pagbagal ng aktibidad sa ekonomiya. Kasalukuyang hindi inaasahan ng market na magkakaroon ng rate cut hanggang sa bandang Setyembre.
- Pinakabagong Imbentaryo at Datos sa Pag-export: Ayon sa bagong datos mula sa US Energy Information Administration (EIA), may matinding pagbaba sa imbentaryo ng krudo, na higit sa inaasahan mga analyst. Gayunpaman, resulta ito ng pagtaas ng export kaysa sa pagtaas ng lokal na demand. Dahil dito, bumaba ang imbentaryo ng US crude sa pinakamababang lebel simula noong Enero. Pwede itong magresulta sa pagkilos ng US Energy Department na dagdagan ulit ang reserves, na maaaring makaapekto sa presyo ng langis.
- Nakakaapekto sa Supply ng Langis ang Tensyon sa Gitnang Silangan: Sa geopolitical na aspeto, nananatiling mataas ang tensyon habang pinapalakas ng Israel ang operasyon nito sa Rafah, Gaza, sa kabila ng internasyonal na pag-aalala at babala mula sa mga ka-alyado. Masusing sinusubaybayan ng oil market ang ganitong pangyayari dahil pwede nitong maapektuhan ang ruta sa pag-supply ng langis at pangkalahatang katatagan ng rehiyon.
- Pananaw ng Market: Ang pagbagal sa ekonomiya ng US, tulad ng ipinapahiwatig ng datos sa GDP, ay pwedeng mag-udyok ng mga paparating na hamon sa iba’t-ibang sektor dahil maaaring bumaba ang demand sa langis habang kumokonti ang aktibidad sa ekonomiya. Sa kabila nito, pwedeng gumanda ang sentimyento ng market dahil sa magandang komento ng Treasury Secretary na si Yellen, lalo na kung kukumpirmahin ng mga ilalabas na datos ang kanyang mga pananaw.
- Pagtutok sa Datos sa Inflation: Nakatutok na ang lahat sa ilalabas na datos sa inflation ng US mula sa serye ng mga Personal Consumption Expenditures (PCE). Kritikal ang impormasyong ito dahil naiimpluwensyahan nito ang pamamalakad ng Federal Reserve, na siyang nakakaapekto sa aktibidad sa ekonomiya at demand sa enerhiya.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .