Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Bumagsak ang Presyo ng Langis sa Ilalim ng Mahalagang Support Pagkatapos ng Limang Linggong Pagtaas, Tinututukan na ang $80 na Target
9 July 2024 | FXGT.com

Bumagsak ang Presyo ng Langis sa Ilalim ng Mahalagang Support Pagkatapos ng Limang Linggong Pagtaas, Tinututukan na ang $80 na Target

  • Pagtaas Mula Ika-4 ng Hunyo: Nakaranas ang oil futures ng matinding pagtaas mula noong low nitong Hunyo 4 sa $72.55. Sa loob ng huling limang linggo, nagkaroon ng matibay na bullish na pwersa, na minarkahan ng tuloy-tuloy na mas mataas na highs at mas mataas na lows sa 4 na oras na chart, at nagtapos sa panibagong high na naabot noong Biyernes sa $84.50.
  • Breakout sa Ilalim ng $82.50: Nagkaroon ng matinding pagbabago sa price action nitong Lunes, kung saan nalagpasan ng krudo ang mahalagang 4 na oras na support level sa $82.50, na sumesenyas ng potensyal na pagkakabuo ng arawang top. Nangyari ito sa gitna ng patuloy na pag-uusap para tapusin ang alitan sa Gaza, kung saan tumutugon ang market sa potensyal na pagpapababa ng geopolitical na risk.
  • Bearish na Reversal: Bumagsak ang presyo sa kritikal na 4 na oras na support level sa $82.50, isang lebel na pinanghawakan nitong nakaraang linggo, pagkatapos mabigong malagpasan nang dalawang beses ang $84.50 noong nakaraang linggo, na nagreresulta sa pagkakabuo ng double top. Kinukumpirma ng pagbagsak sa ilalim ng $82.50 ang bearish na pattern, na nagbubukas ng landas para sa isang katamtamang top sa arawang timeframe.
  • Mahahalagang Lebel: Bagamat humantong sa mas mababang presyo ang pagbagsak nitong Lunes, napapaloob ang market sa low kahapon na $82 at panandaliang correction na high sa $82.90. Ang pagbagsak sa ilalim ng $82 ang kukumpirma sa patuloy na downward trend, na ta-target sa support area sa arawang 45 moving average channel sa may itaas ng sikolohikal na lebel na $80, at may pinalawig na target sa mas mababang hangganan ng arawang channel sa $78.
  • Panandaliang Momentum: Itinuturing na bearish ang panandaliang momentum habang nasa ibaba ng $83 pivot level. Tanging ang paglagpas sa $83 ang babaliktad sa bearish na eksena, kaya magiging sideways na range ang sentimyento sa loob ng lebel nitong nakaraang linggo at posibleng magtulak pabalik sa nakaraang highs sa $84.50.
  • Nalalapit na Datos sa Ekonomiya: Bagamat nananatiling kontrolado ang geopolitical na tensyon, lumalabas na malamang na magkaroon ng pinalawig na correction. Kabilang sa mga mahahalagang datos sa US ay ang CPI inflation data sa Huwebes, na susundan ng Producer Price Index sa Biyernes.

4 na Oras na Chart ng US Oil

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.