Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nag-iingat ang Traders ng Langis Dahil Malabo pa rin ang Lagay ng Geopolitics
23 Abril 2024 | FXGT.com

Nag-iingat ang Traders ng Langis Dahil Malabo pa rin ang Lagay ng Geopolitics

  • Geopolitical na Tensyon: Kasalukuyang matatag ang mga oil market, kung saan nasa bandang $83 kada bariles ang presyo. Naghihintay ang mga trader ng panibagong pangyayari na maaaring makapagpalala sa geopolitical na tensyon. Bagamat pansamantalang naibsan ang mga naturang pag-aalala, patuloy na kumplikado ang geopolitics sa buong mundo, kaya nakakadagdag ito ng hindi kasiguraduhan sa mga oil market.
  • Internasyonal na Tugon: Pinalawak ng US ang mga sanction nito sa sektor ng langis sa Iran, kung saan pinagtuunan ng pansin ang mga kumpanyang may kinalaman sa pagproseso o pagpapadala ng krudo. Bukod dito, pumayag rin ang EU na dagdagan ang mga sanction laban sa Iran, na pwede pang makaimpluwensya sa pandaigdigang oil market.
  • Lagay ng Geopolitics: Bagamat lubos na nabawasan ang geopolitical risk premium, nananatili pa ring marupok ang sitwasyon. Pwedeng mabilis na bumaliktad ang kasalukuyang trend sa presyo ng langis at lubhang tumaas ang presyo kapag nagkaroon pa ng karagdagang tensyon sa Gitnang Silangan.
  • Datos sa Imbentaryo: Ayon sa pangunang datos, may posibilidad na tumaas ang imbentaryo ng krudo sa US at bumaba ang na-refine na produkto. Kasabay ng patuloy na inflation sa US at hawkish na komento ng Federal Reserve, inaasahan na mapapababa nitong lebel ng imbentaryo ang anumang dagdag-presyo, maliban na lang kung magkakaroon pa ng malalang geopolitical na tensyon.
  • Mga Tagapaghiwatig ng Ekonomiya: Masusing sinusubaybayan ng mga investor ang mga ilalabas na datos sa ekonomiya ng US, kabilang na ang lebel ng GDP at datos sa Personal Consumption Expenditures. Sa tulong nito, matatantya ang potensyal na direksyon sa pamamalakad ng US, na pwedeng makaapekto sa takbo ng oil market.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.