Ang Parabolic SAR (Stop And Reverse) Indicator ay isang mahalagang tool na ginagamit para matukoy ang direksyon ng presyo ng isang asset at malaman ang potensyal na punto kung saan maaaring magbago ang direksyon. Binuo ito ni J. Welles Wilder Jr. at mapapakinabangan ang indicator na ‘to sa mga nagti-trend na market, kaya nakakapagbigay ito ng malinaw na imahe para sa traders. Makikita ang indicator bilang serye ng mga tuldok na nakalagay sa itaas o ibaba ng bars sa chart. Kapag nasa ibaba ng bar ang tuldok, nagpapahiwatig ito na patuloy na pataas ang magiging galaw ng presyo. Kapag naman nasa itaas ang mga tuldok, nagpapahiwatig ito ng potensyal na downward trend.
Dahil sinusundan nitong indicator ang mga trend, nakakagawa ang mga trader ng desisyon kung hahawakan ba nila o aalis sila sa position batay sa direksyon ng trend. Madali itong gamitin at pwedeng maging makapangyarihang dagdag sa iyong toolkit.
Ang Pinagmulan nito at Pag-imbento ni J. Welles Wilder Jr.
Ipinakilala ang Parabolic SAR ni J. Welles Wilder Jr. sa libro niya noong 1978 na pinamagatang “New Concepts in Technical Trading Systems.” Kilala si Wilder sa mundo ng technical analysis dahil marami siyang nagawang impluwensyal na indicators na ginagamit pa rin hanggang ngayon. Bukod sa Parabolic SAR, siya rin ang gumawa ng Relative Strength Index (RSI), ang Average True Range (ATR), at ang Directional Movement Index (DMI).
Makabago ang pananaw ni Wilder pagdating sa technical analysis, kung saan nag-aalok siya sa traders ng sistematiko at objective na tools para pag-aralan ang mga trend sa market at galaw ng presyo. Naging pundasyon ang mga ginawa niya para sa maraming modernong istratehiya na nananatili pa ring angkop hanggang sa panahon ngayon.
Kalkulasyon ng Parabolic SAR
Nagtataglay ng ilang mahahalagang aspeto ang pagkalkula ng Parabolic SAR: ang Extreme Point (EP), ang Acceleration Factor (AF), at ang halaga ng SAR. Ganito ang pagdedetalye kung paano tumatakbo ang mga naturang elemento:
Extreme Point (EP): Ito ang pinakamataas na high o ang pinakamababang low na naobserbahan sa kasalukuyang trend.
Acceleration Factor (AF): Nagsisimula ito sa 0.02 at tinataasan ng 0.02 sa bawat bagong EP, hanggang sa pinakamataas na 0.20.
Halaga ng SAR: Ang aktwal na halaga ng SAR ay kinakalkula gamit ang formula na:
SAR = Nakaraang SAR + AF × (EP − Nakaraang SAR)
Tingnan natin ang isang simpleng halimbawa
Ipagpalagay natin na nasa uptrend ang kasalukuyang trend.
Ang nakaraang SAR ay 100.
Ang EP (pinakamataas na high) ay 110.
Ang AF ay 0.02.
Gamit ang formula:
SAR = 100 + 0.02 × (110 − 100)
SAR = 100 + 0.2
SAR = 100.2
Kung patuloy na tataas ang presyo at maaabot nito ang bagong high na 112, magiging 112 ang EP, at ang AF ay tataas patungong 0.04. Gagamitin ‘tong bagong impormasyon sa pagkalkula ng susunod na period.
Paano Gamitin ang Parabolic SAR Indicator
Mga Buy Signal: Kapag lumipat ang mga tuldok mula sa itaas ng bar patungo sa ibaba nito, nagpapahiwatig na lumilipat pataas ang trend. Isa itong signal na bumili.
Mga Sell Signal: Kapag limipat ang mga tuldok mula sa ilalim ng bar patungo sa itaas nito, maaaring bumabaliktad pababa ang trend. Isa itong signal na dapat isaalang-alang ang pagbebenta.
Epektibo ang Parabolic SAR sa mga nagti-trend na market dahil makukuha ng traders ang kita nila sa pamamagitan ng pagsunod sa trend hanggang sa magpakita ng exit point ang indicator.
Para maging mas tama ang Parabolic SAR, kadalasan itong ginagamit kasama ng iba pang indicators tulad ng moving averages o ng momentum indicators. Halimbawa, ang buy signal na galing sa Parabolic SAR ay pwedeng kumpirmahin ng bullish na crossover sa isang moving average, na nagbibigay ng mas mataas na kumpiyansa sa naturang trade.
Halimbawa ng Kalkulasyon na may Kasamang Datos
Subukan naman natin ang mas detalyadong halimbawa na may tiyak na datos:
Kasalukuyang Trend: Uptrend
Kasalukuyang Trend: Uptrend
Nakaraang SAR: 100
EP (Extreme Point): 110
AF (Acceleration Factor): 0.02
Gamit ang formula na nakalagay sa itaas, kakalkulahin natin ang susunod na halaga ng SAR:
SAR = 100 + 0.02 × (110 − 100)
Bagong SAR = 100.2 + 0.472
Bagong SAR = 100.672
Ipinapakita nito kung paano lumalapit ang halaga ng SAR papunta sa kasalukuyang presyo, kaya nakakatulong ito sa paglalagay ng stop-loss para maprotektahan ang kita.
Settings ng Parabolic SAR Indicator
Ang pangkaraniwang settings ng Parabolic SAR ay ang umpisang AF na 0.02 at pinakamataas na AF na 0.20. Pwedeng baguhin ang settings na ‘to batay sa iba’t-ibang estilo ng pag-trade at kondisyon ng market.
Halimbawa, sa isang market na matindi ang pagtaas-baba, pwedeng piliin ng trader ang mas mataas na umpisang AF para mas tumugon ang indicator sa anumang galaw sa presyo. Sa kabilang banda, kapag matatag naman ang isang market, pwedeng gumamit ng mas mababang AF para maiwasan ang pagkakaroon ng maling signals.
Ang pagbabago ng settings ng Parabolic SAR ay nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagsubok para siguraduhing tugma ito sa istratehiya mo. Mapapabuti ang PSAR sa tiyak mong pangangailangan kapag nag-eksperimento ka sa iba’t-ibang halaga ng AF at inobserbahan mo ang epekto nito sa takbo ng indicator.
PSAR Indicator sa Iba’t-ibang Kondisyon ng Market
Mainam ang Parabolic SAR sa mga nagti-trend na market kung saan makakatulong ito para matukoy at samantalahin ang matitinding paggalaw ng presyo. Sa ganitong kondisyon, sinusubaybayan ng PSAR ang direksyon ng trend at nagbibigay ito ng malinaw na signals sa potensyal na entry at exit points.
Kaya lang, sa mga ranging o sideways na market, maaaring magbigay ng maling signals ang Parabolic SAR, na pwedeng humantong sa potensyal na pagkalugi. Para maiwasan ito, kadalasang ginagamit ito kasabay ng iba pang indicators para makumpirma ang trends at mabawasan ang risk ng pagkakamali. Halimbawa, kapag ginamit ang PSAR kasabay ng moving averages o ng momentum indicator tulad ng MACD, masasala ang ingay at mapapabuti ang pagiging tumpak nito.
Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mas malawak na kalagayan ng market at paggamit ng iba’t-ibang kombinasyon ng tools, magiging mas epektibo ang PSAR at mapapabuti ng traders ang pangkalahatan nilang istratehiya sa pag-trade.
Mga Istratehiya sa Paggamit ng SAR
Pagsunod sa Trend: Bagay ang PSAR para sa mga istratehiya na sumusunod sa mga trend. Sa isang uptrend, pwedeng mag-long ang traders hanggang nagpahiwatig ng reversal ang PSAR. Kapag naman may downtrend, pwede silang mag-short hanggang may lumabas na uptrend signal.
Paglalagay ng mga Stop-Loss: Nakakatulong ang PSAR para maglagay ng mga trailing stop-loss. Habang umuusad ang trend, pwedeng baguhin ng traders ang kanilang stop-loss orders para tumugma ito sa halaga ng SAR, kaya masisigurado na ligtas na ang kanilang kita habang pinapahintulutang magpatuloy ang trend.
Paggamit Kasabay ng Ibang Indicators: Para maging mabisa ang pagiging tumpak ng signal, pwedeng gamitin ang PSAR kasabay ng iba pang indicators. Halimbawa, kapag pinares ang PSAR at ang RSI, makukumpirma ang overbought o oversold na kondisyon, na nakakapagdagdag ng isa pang lebel ng pagkumpirma sa trading signal.
Paggamit ng Iba’t-ibang Timeframe: Ang pagsusuri ng PSAR sa iba’t-ibang timeframe ay makakapagbigay ng mas malinaw na pag-unawa sa pangkalahatang trend. Kapag ginamit ang PSAR sa arawan at lingguhang charts, makakapagbigay ito ng mas komprehensibong pananaw sa direksyon ng market.
Pag-angkop sa Kondisyon ng Market: Kapag binago ang settings ng AF batay sa pagtaas-baba ng market, mababago din ang pagiging sensitibo ng PSAR sa pagbabago sa presyo. Sa mga market na tumataas-baba, pwedeng gamitin ang mas mataas na AF, habang sa mga matatag na market, makakatulong ang mas mababang AF sa pag-iwas sa maling signals.
Limitasyon ng PSAR
Mahalagang tool ang Parabolic SAR, pero meron itong mga limitasyon. Isa sa mga pangunahin nitong kahinaan ay ang pagbibigay ng maling signals sa panahon ng market consolidation o sideways na paggalaw. Sa mga ganitong kondisyon, maaaring madalas na magbago-bago ang direksyon ng indicator, na hahantong sa potensyal na baliktad na epekto at pagkalugi. Para bumaba ang risk nito, karaniwan itong ginagamit kasabay ng iba pang indicators para makumpirma ang mga signal.
Isa pang limitasyon ng PSAR ay idinisenyo ito para sa mga nagti-trend na market. Maaaring hindi maganda ang takbo nito sa putol-putol o ranging na market. Kailangang mag-ingat ang mga trader kapag gumagamit ng PSAR sa ganitong kalagayan at isaalang-alang na baguhin ang settings ng indicator o gumamit ng dagdag na tools.
Bukod dito, hindi rin nagbibigay ng impormasyon ang PSAR tungkol sa lakas ng isang trend. Bagamat ipinapahiwatig nito ang direksyon ng trend at potensyal na reversal points, hindi nito sinusukat ang momentum. Makakapagbigay ng mas komprehensibong pagsusuri sa kondisyon ng market ang paggamit ng PSAR kasabay ng mga momentum indicator tulad ng RSI o MACD.
Praktikal na Tips para sa Traders
Mag-backtest: Bago gamitin ang Parabolic SAR sa tunay na pag-trade, i-backtest muna ito sa nakaraang datos para maunawaan kung paano ito tumatakbo sa magkakaibang kondisyon ng market. Nakakatulong ito para gumanda ang istratehiya mo at magkaroon ka ng mas mataas na kumpiyansa.
I-customize: Baguhin ang settings ng AF batay sa kondisyon ng asset at market. Walang iisang setting na para sa lahat, kaya susi ang pag-customize para sa mas mainam na performance.
Paghaluin ang mga Indicator: Gamitin ang PSAR kasabay ng iba pang technical indicators para kumpirmahin ang mga signal. Halimbawa, mas maaasahan ang PSAR kapag tumutugma ito sa bullish signal na galing sa iba pang indicator.
Kondisyon ng Market: Pakiramdaman ang kalagayan ng market. Mas maganda ang takbo ng PSAR sa mga nagti-trend na market, kaya tukuyin kung nagti-trend o ranging ang market bago umasa sa indicator.
Pamamahala sa Risk: Gamitin ang PSAR para maglagay ng mga trailing stop-loss at epektibong mapababa ang risk. Baguhin ang stop-loss orders batay sa halaga ng SAR para protektahan ang kapital habang hinahayaang tumakbo ang kita.
Tuloy-tuloy na Pagsusuri: Tuloy-tuloy na suriin at baguhin ang istratehiya mo batay sa takbo ng PSAR. Nagbabago-bago ang kondisyon ng market, at kailangang umangkop ang mga istratehiya sa mga naturang pagbabago.
Pangkalahatan
Ang Parabolic SAR Indicator ay isang simple ngunit makapangyarihang tool sa pagtukoy sa trends at potensyal na reversal points. Ginawa ni J. Welles Wilder Jr., nananatili itong sikat na opsyon para sa traders. Makakatulong sa traders ang pagkalkula at paggamit nito para mapakinabangan nila sa kanya-kanyang istratehiya. Bagamat mahalagang malaman ang mga limitasyon nito, magiging mas mainam ang PSAR kapag ginamit ito kasabay ng iba pang indicators. Sa pamamagitan ng pagbabago sa settings, paggamit kasabay ng iba pang tools, at patuloy na pagpapabuti ng diskarte mo, masasamantala mo ang Parabolic SAR sa pagtahak sa market at paggawa ng mainam na desisyon sa pag-trade.
Sa pamamagitan ng paggamit ng Parabolic SAR sa buong istratehiya sa pag-trade at pakikibalita sa mga trend sa market, magagamit ng traders ‘tong makapangyarihang indicator para makagawa ng madiskarte at mapagkakakitaang desisyon. Dahil sa pagiging simple at epektibo ng Parabolic SAR, mapapakinabangan ito ng traders na gustong tumukoy ng trends, babaan ang risk, at pataasin ang tyansa ng tagumpay.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.