10 July 2024 | FXGT.com
Nananatiling Matatag ang Market sa Gitna ng Maingat na Pananaw ni Powell, Tututukan ang CPI sa Huwebes
- Testimonya ni Powell sa Senado: Binigyang-diin ng Fed Chair na si Jerome Powell ang maingat nitong kilos pagdating sa pagbabago ng interest rates, kung saan iginiit niya ang risk sa pagkilos nang masyadong maaga o masyadong huli. Binanggit niya na umuusad na patungo sa 2% target na inflation ang ekonomiya ng US, pero nananatili pa ring malakas ang labor market kahit na humihina ito.
- Datos sa Ekonomiya at Dalawang Mandato ng Fed: Ayon sa nakaraang datos sa ekonomiya, lumalabas na may magkahalong senyales tungkol sa ekonomiya ng US. 2.6% nitong Hunyo ang taunang PCE inflation rate, na mas mababa mula sa 2.7% noong Mayo. Binigyang-diin ni Powell ang kahalagahan ng pagbabalanse ng risk sa masyadong maagang pagbabawas ng rates, na pwedeng magpanumbalik sa inflation; at ang paghihintay ng matagal, na pwedeng magpahina sa labor market.
- Tugon ng Market: Hindi nagresulta sa matinding reaksyon sa market ang testimonya ni Powell. Tumaas patungong 4.30% ang 10-taong US Treasury yield, at nagtapos ang DXY nang hindi halos nagbabago. Tumaas ang presyo ng gold sa itaas ng $2,360, na umakyat ng mahigit 0.25%. Umabot naman ang S&P 500 at Nasdaq sa bagong record nito, na may malakas na performance sa stocks ng mga bangko at tech.
- Espekulasyon sa Rate Cut: Ayon sa CME FedWatch Tool, tinataya na ng investors ang 73% tyansa na magpapatupad ng rate cut ang Fed sa Setyembre. Binigyang-diin ni Powell ang pangangailangan na magkaroon ng “magandang datos” bago isaalang-alang ang rate cuts.
- Datos sa Ekonomiya ng US: Tinututukan na ang nalalapit na ulat sa US Consumer Price Index (CPI) nitong Hunyo, na inaasahang ilalabas sa Huwebes. Inaasahang tataas ang core inflation ng 0.2% buwan-buwan at 3.4% taon-taon, habang ang headline inflation ay inaasahang babagal patungong 3.1% mula sa 3.3% noong Mayo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .