3 July 2024 | FXGT.com
Bumaba ang USD sa Gitna ng Komento ni Powell, Inaabangan ng Market ang Minutes ng Fed at ISM PMI
- Takbo ng US Dollar: Nakaranas ng bahagyang pagbaba ang US Dollar Index noong European session nitong Miyerkules, kung saan bumagsak ito sa ilalim ng 105.60. Naimpluwensyahan ang US dollar ng mas mataas kaysa sa inaasahang ulat ng JOLTS noong Martes at komento ni Jerome Powell tungkol sa pananaw niya sa inflation.
- Pag-asang Magpatupad ng Rate Cuts ang US: Dahil sa mga komento ng Fed Chair na si Jerome Powell, umigting ang pag-asang magkaroon ng papalapit na rate cuts. Binanggit ni Jerome Powell na may “malaking pag-usad” sa inflation at nagpahiwatig ito na posibleng simulan ng bangko sentral sa US ang easing cycle nito sa katapusan ng taon. Itinuturing na dovish ang mga pahayag niya kaya nagtulak ito sa intraday na pagbaba ng US dollar.
- Pahayag ni Jerome Powell: Nagpahiwatig si Jerome Powell ng kumpiyansa tungkol sa magiging takbo ng inflation, kung saan ipinahayag niya na lumalapit na ang pagtaas ng sahod sa mapapanatiling lebel, na sumesenyas ng humihinang labor market. Sinabi niya na maaaring bumalik ang inflation sa 2% sa katapusan ng susunod na taon, sa kabila ng mas mahinang disinflation rate kaysa sa inaasahan.
- Pagbabalanse ng Risk at Pagdepende sa Datos: Binigyang-diin ni Powell ang kahalagahan ng pagbabalanse ng risk ng inflation at trabaho, habang binabanggit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng higit pang datos bago isaalang-alang ang rate cuts, kaya kritikal ang nalalapit na datos tungkol sa inflation. Bagamat nasa 2.6% ang 12-buwang inflation rate, nananatiling maingat ang Fed para maiwasan ang hilaw na aksyon na pwedeng magpabalewala sa pagkontrol ng inflation.
- Pagtutok sa Datos sa Inflation: Dahil sa mga pahayag ni Powell, umigting ang pag-asang magpatupad ng posibleng rate cut sa Setyembre. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga nalalapit na datos sa inflation, at pwedeng makapagbigay ng higit na pananaw sa istratehiya ng Fed ang minutes ng FOMC na ilalabas ngayong araw.
- Ulat ng JOLTS: Ang komento ni Powell ay taliwas sa datos na galing sa JOLTS, na nagpapakita na tumaas ng 8.140M ang job openings sa US nitong Mayo, na mas mataas kaysa sa inaasahang 7.910M. Dahil dito, tinataya ng US rate futures ang 65% tyansa ng rate cut sa Setyembre.
- Pananaw ng Eurozone: Ayon sa presidente ng ECB na si Lagarde, “napaka-advanced” ng eurozone sa landas nito sa disinflation pero “may mga tanong pa rin” kaugnay ng paglago ng ekonomiya. Ipinahayag niya na kailangan pa ng oras ng ECB para tuluyang masabi na matibay na papunta ang inflation sa 2%, na nagpapahiwatig na hindi pa agad mangyayari ang rate cuts ng ECB.
- Nalalapit na Mahahalagang Datos: Kabilang sa mga nalalapit na pangyayari ay ang ISM Services PMI na ilalabas mamaya. Ang minutes mula sa pulong ng Fed nitong Hunyo, na ilalabas din ngayong araw, ay makakapagbigay ng pananaw tungkol sa istratehiya ng bangko sentral sa interest rates. Maagang magsasara ang US market ngayong araw at mananatili itong sarado bukas dahil sa Araw ng Kalayaan sa US, na isang bank holiday. Tututukan ngayong linggo ang ulat sa NFPs na ilalabas sa Biyernes.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .