11 July 2024 | FXGT.com
Pinanatili ng RBNZ sa 5.50% ang Rates Nito, Hindi Inaasahan ang Paglipat sa Dovish na Tono
- Hindi Binago ng RBNZ ang Rates pero Sumenyas na Magiging Dovish Ito: Pinanatili ng Reserve Bank of New Zealand (RBNZ) ang Official Cash Rate (OCR) nito sa 5.50% sa ikawalong sunod na pulong, alinsunod sa inaasahan ng market. Gayunpaman, nakakagulat ang dovish na tono ng bangko sentral, na nagpapahiwatig na maaaring mas maagang ipatupad ang rate cut kaysa sa inaasahan.
- Dovish na Tagapaghiwatig sa Summary Record: Binigyang-diin ng Summary Record na dahil sa mahigpit na pamamalakad sa pananalapi, lubhang bumaba ang consumer price inflation. Inaasahan ng RBNZ na maaabot ang target na headline inflation nito na 1.0% hanggang 3.0% sa ikalawang bahagi ng taon, na sumesenyas ng pagbabago mula sa mas hawkish na pananaw noong Mayo.
- Espekulasyon sa mga Rate Cut: Sa kabila ng dovish na tono, maraming analyst ang naniniwala na maliit ang tyansa na magkaroon ng rate cut sa Agosto. Bago ang susunod na pulong, kailangan pa munang isaalang-alang ng bangko sentral ang mas maraming datos, kabilang ang CPI inflation kada quarter at ulat sa mga trabaho. Sa kasalukuyan, tinataya ng market na magkakaroon ng 50% tyansa ng rate cut sa Agosto.
- Pwersa mula sa CPI ng China: Nahirapan ang NZD pagkatapos ng mahinang Consumer Price Index (CPI) mula sa China, na isa sa malalaking partner nito sa pakikipagkalakalan. Nitong Hunyo, tumaas ng 0.2% YoY ang CPI sa China, na bumaba mula sa 0.3% na pagtaas noong Mayo, at mas mahina ito sa inaasahan ng market. Dahil sa mas mababang datos sa inflation, nagigipit lalo ang NZD.
- Testimonya ni Powell: Nakaranas ng bahagyang pagtaas ang US dollar pagkatapos ng testimonya ng Federal Reserve (Fed) Chairman ni Jerome Powell sa Kongreso. Bagamat kinikilala niya ang gumagandang datos sa inflation, binigyang-diin ni Powell na maaaring hindi pa akma na magbawas ng rates hangga’t wala pang malakas na kasiguraduhan na papalapit na ang inflation sa 2% na target.
- Takbo ng NZDUSD: Sa pangkalahatan, dahil sa kombinasyon ng hindi nagbagong pamamalakad ng RBNZ, mahinang inflation sa China, at maingat na paninindigan ni Powell, humaharap sa malaking hamon ang New Zealand dollar habang sumusuporta naman ang mga nasabing pangyayari sa US dollar.
- Nalalapit na Datos sa CPI ng US at Pagtutok ng Market: Inaabangan na ngayon ng traders ang US Consumer Price Index (CPI) na ilalabas ngayong araw. Inaasahang hindi magbabago ang core CPI sa 3.4% YoY, habang ang headline CPI naman ay tinatayang bababa sa 3.1% mula 3.3% noong Mayo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .