Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Gumagandang Market at Bullish na Momentum: Tinitingnan ng S&P 500 ang Panibagong Highs sa Gitna ng Espekulasyon ng Rate Cut ng Fed
13 September 2024 | FXGT.com
Gumagandang Market at Bullish na Momentum: Tinitingnan ng S&P 500 ang Panibagong Highs sa Gitna ng Espekulasyon ng Rate Cut ng Fed
Nakakaranas ng pataas na trend ang S&P 500, kung saan papalapit na ito sa resistance level na 5674.06, at may bullish na signals mula sa mga technical indicator. Ang mahahalagang target na presyo ay 5826.19 at 6098.86, habang naitala naman ang support levels sa 5572.90, 5478.96, 5385.01, at 5313.56.
Ayon sa PPI nitong Agosto, kaunti lang ang pagtaas ng inflation, kaya tumaas ang pag-asa na magpatupad ang Fed ng rate cut na 25 basis points. Tumaas ang stock market, kung saan umakyat ng 3.8% ang S&P 500, na pinangunahan ng small-caps at mga gumagawa ng chips, habang nakapagtala rin ng record highs ang presyo ng langis at gold.
Pagsusuri sa Chart
Mula Agosto 5, nakakaranas ang S&P 500 ng pataas na trend, kung saan umabot ito sa mas mataas na highs at mas mataas na lows na may dip sa 5385.01. Nilalayon na ngayon ng index na lagpasan ang resistance level na 5674.06 na nabuo noong Hulyo 16. Nagpapahiwatig ng bullish na trend ang 20 at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs), pati ang Momentum oscillator at Relative Strength Index (RSI). Sa partikular, mas mataas ang maikling EMA kumpara sa mas mahabang EMA, at makikita ang presyo sa itaas ng parehong EMAs. Bukod dito, mas mataas ang Momentum oscillator at RSI sa baseline na 100 at 50, ayon sa pagkakabanggit. Gamit ang Fibonacci retracement sa swing high na 5657.68 at swing low na 5385.01, makakalkula natin ang dalawang potensyal na target na presyo: 5826.19 at 6098.86.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling mapapanatili ng bulls ang kontrol sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 5674.06: Ang pangunang resistance ay natukoy sa 5674.06, na tugma sa peak na naabot noong Hulyo 16. 5751.63: Naitala ang ikalawang target na presyo sa 5751.63, na tumutugma sa lingguhang resistance (R2) na nakalkula gamit ang standard Pivot Point method. 5826.19: Ang ikatlong target ay naitala sa 5826.19, na kumakatawan sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 5657.68 papunta sa swing low na 5385.01. 6098.86: May isa pang target na presyo na natantya sa 6098.86, na tugma sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing high na 5657.68 papunta sa swing low na 5385.01.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling makukuha ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 5572.90: Ang unang support ay natukoy sa 5572.90, na tugma sa panloob na trendline na dumadaan sa arawang highs at lows, at tumutugma rin sa lingguhang support (S1) na natantya gamit ang standard Pivot Point method. 5478.96: Ang ikalawang support line ay namataan sa 5478.96, na sumasalamin sa lingguhang Pivot Point (PP) na nakalkula gamit ang standard method. 5385.01: Ang ikatlong support line ay naitala sa 5385.01, na kumakatawan sa arawang low na nakita noong Setyembre 6 at tumutugma sa 50% retracement sa pagitan ng low na 5091.15 at ng high na 5674.06. 5313.56: May isa pang pababang target na naobserbahan sa 5313.56, na sumasalamin sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng low na 5091.15 at ng high na 5674.06.
Fundamentals
Nitong Agosto, bahagyang tumaas ang Producer Price Index (PPI) pagkatapos itong baguhin pababa noong nakaraang buwan, habang nananatiling mahina ang mga tagapaghiwatig ng inflation na nakatali sa napiling panukat ng Federal Reserve. Bukod dito, tumaas din nang kaunti ang jobless claims. Nagpapahiwatig ang mga analyst na dahil sa PPI, tumataas ang posibilidad ng mas malaking 50-basis-point rate cut mula sa Fed, bagamat mas inaasahan pa rin ang 25-basis-point na bawas.
Sunod-sunod ang pagtaas ng stock market, kung saan nakaranas ang S&P 500 ng lingguhang pagtaas na 3.8%, habang umakyat ng 5.84% ang Nasdaq 100, at ang Dow Jones ng 2.21%. Ang small-caps, na sinusukat ng Russell 2000, ay sumipa ng 2.61%. Nanguna sa pagtaas ang mga gumagawa ng chips tulad ng Nvidia, habang bumaba naman ang Micron Technology pagkatapos nitong ma-downgrade. Humina rin ang shares ng Wells Fargo. Tumaas ang presyo ng langis, at naabot ng gold ang panibagong record high.
Sinasalamin ng PPI ang mga trend sa Consumer Price Index (CPI), kaya umiigting ang pag-asa na magpapatupad ng siklo ng rate cuts ang Fed, kung saan inaasahan ng market ang pangunang 25-basis-point cut. Sa tingin ng mga analyst, ang small-cap stocks, na kamakailang nakaranas ng pagbaba, ang makikinabang mula sa pagluluwag ng pamamalakad.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, may pahiwatig ng pagiging bullish ang S&P 500 dahil sa nararanasan nitong pataas na trend, na sinuportahan ng malalakas na technical indicator at mahahalagang resistance levels, at may pangunahing target na 5826.19 at 6098.86. Kailangang subaybayang mabuti ng mga trader ang mga naturang lebel, pati ang mga natukoy na support areas.
Tumaas ang pag-asa na magpatupad ang Fed ng rate cut ng 25 basis points dahil sa katamtamang inflation at tumataas na jobless claims, na nakatulong sa malawakang pagtaas ng stock market. Mula sa pangunguna ng mga small-cap at tech stocks, kasabay ng tumataas na presyo ng langis at record high na presyo ng gold, nagpapahiwatig na tuloy-tuloy ang positibong sentimyento ng market, lalo na sa mga sektor na inaasahang makikinabang mula sa pagluluwag ng pamamalakad.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.