Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Tumaas ang Australian Dollar dahil sa Retail Sales, Umigting ang Pag-asa na Magkaroon ng Rate Hike Dahil sa Minutes ng RBA
3 July 2024 | FXGT.com

Tumaas ang Australian Dollar dahil sa Retail Sales, Umigting ang Pag-asa na Magkaroon ng Rate Hike Dahil sa Minutes ng RBA

  • Takbo ng Australian Dollar: Noong Miyerkules ng umaga, tumaas ang Australian dollar laban sa US dollar, na resulta hindi inaasahang malakas na datos tungkol sa lokal na retail na paggastos. Tumaas patungong $0.6675 ang Australian dollar, na nasa loob ng range nito sa nakaraang anim na linggo mula $0.6580 hanggang $0.6700.
  • Retail Sales sa Australia: Tumaas ng 0.6% ang retail sales sa Australia nitong Mayo, kung saan nalagpasan nito ang inaasahan ng market na 0.2%. Ang paglagong ito ay dahil sa mga diskwento at maagang pag-sale, kahit na humaharap ang mga konsyumer sa mataas na inflation at mortgage rates.
  • Minutes ng Pulong ng RBA nitong Hunyo: Nitong Martes, inilabas ng Reserve Bank of Australia (RBA) ang minutes ng pulong nito noong Hunyo 18, kung saan nabunyag na pinag-aaralan ng board ang malaking posibilidad na panatilihin ang rates. Kaya lang, pinag-usapan din nila ang pagpapataas nito at hindi nila binalewala ang anumang pamamalakad sa hinaharap. Naniniwala ang board na posibleng maabot ang target na inflation habang pinapanatili ang katatagan sa ekonomiya at labor market.
  • Potensyal na Rate Hike: Sa kabila ng pagpapanatili ng rates, kinilala ng RBA ang sorpresang inflation noong Mayo na tumaas mula 3.6% patungong 4.0% YoY. Dahil sa pagtaas ng inflation, mas malaki ang posibilidad na magpatupad ng isa pang rate hike, kung saan tinataya ng market ang 50% na tyansa na mangyayari ito sa Nobyembre.
  • Mga Inaasahan ng Market: Kasalukuyang inaasahan ng market ang mahigit-kumulang 30% tyansa ng rate hike sa susunod na pulong ng RBA sa Agosto, habang tinatanggi ang posibilidad ng rate cut ngayong taon. Kasalukuyang hindi inaasahan ng investors na bababaan ng RBA ang interest rates nito hanggang Abril 2025.
  • Katatagan ng Ekonomiya: Dahil patuloy pa ring mataas ang inflation, nagpakita ng katatagan ang parehong ekonomiya laban sa mas mataas na rates. Dahil inaasahang hindi magbabago ang pamamalakad sa parehong bansa hangga’t hindi nagpapakita ng tuloy-tuloy na pagbaba ang inflation, malamang na manatili ang AUD/USD sa kasalukuyang range nito.
  • Mahahalagang Datos na Ilalabas: Kritikal ang ilalabas na ulat sa Hulyo 31 tungkol sa CPI sa Australia nitong ikalawang quarter para matukoy ang magiging desisyon sa rates sa hinaharap. Kapag mas mataas kaysa sa inaasahan ang inflation, pwede itong humantong sa mas matibay na paniniwala na magpatupad ng rate hike. Bukod dito, ang ilalabas na datos Biyernes tungkol sa US Non-Farm Payrolls (NFPs) nitong Hunyo ay makakapagbigay ng pananaw tungkol sa labor demand sa US at pagtaas ng sahod.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.