Sinusubok ang S&P 500 Bull Run sa 5,440 Bago Ilabas ang Malalaking Datos sa Ekonomiya
Takbo ng S&P 500: Nagsara ang S&P 500 nitong Hunyo sa 3.5% na pagtaas, kaya nagpapatuloy ang matinding bull run simula noong low sa Abril na 4,930. Tumaas ng mahigit 10% ang index sa loob ng nakaraang dalawa’t kalahating buwan, kung saan umabot ito sa record high na 5,500.
Panandaliang Range: Sa loob ng nakaraang dalawang linggo, nakapaloob ang market sa sideways na range pagkatapos makaalis sa 4 na oras na upward trendline channel. Pumasok ito sa yugto ng consolidation sa pagitan ng mahalagang resistance sa 5,520 at support sa 5,440.
Bumalik sa Neutral ang Arawang RSI: Bumagal ang bullish na momentum kaya nagbigay-daan ito para makabalik sa neutral ang arawang RSI. Patuloy na nakakapagbigay ng support ang 5,440 na lebel at dinedepensahan nito ang kamakailang pagtaas, na kritikal sa pagpapanatili ng bullish trend at pag-iwas na maging bearish ang momentum.
Mahalagang Support sa 5,440: Masusing tinututukan ang 5,440 na support level dahil sa nalalapit na balita ngayong linggo. Pwedeng simulan muli nitong lebel ang bullish na momentum at panatilihing pataas ang panandaliang timeframe. Sinusubaybayan ng panandaliang bullish traders ang senyales ng support sa itaas nitong lebel bago pasukin ang mga bagong position.
Potensyal na Maging Bearish sa Ibaba ng 5,440: Kritikal ang support level na nasa 5,440. Kapag bumagsak sa ilalim nitong lebel, magiging bearish ang panandaliang momentum, na magsisimula ng reversal pattern sa 4 na oras na timeframe at potensyal na mag-uumpisa ng downward na correction sa arawang timeframe tungo sa support area ng 45-araw na Exponential Moving Average channel sa 5,350.
Pananaw sa Trend: Bagamat matibay pa rin ang pagiging bullish ng arawang trend, nagsisilbi bilang sideways na correction ang kasalukuyang consolidation. Ang support level sa 5,440 ang tutukoy kung mananatiling mababaw ang correction o kung ang pagbagsak sa ilalim nitong support ay magtutulak sa mas malaking corrective na galaw tungo sa mahalagang moving average channel na huling nakita sa katapusan ng Mayo.
Makasaysayan ang Kaunting Pagtaas-baba: Dati, humigit-kumulang 7–10 beses kada taon gumagalaw ng mahigit 2% ang S&P 500 sa loob ng isang araw. Ngayon, mahigit 380 araw na itong hindi nakakaranas ng 2.05% pagbaba o 2.15% pagtaas, na kumakatawan sa pinakamahabang panahon ng napakakaunting pagtaas-baba simula noong 2008. Ang hindi karaniwang katatagan ay sumasalamin sa mataas na kumpiyansa ng mga investor pero binibigyang-diin nito ang posibilidad ng kaguluhan sa market sa hinaharap.
Pinakabagong Datos sa Ekonomiya: Ayon sa ISM Manufacturing PMI na inilabas nitong Lunes, bumaba ang manufacturing sa US sa ikatlong sunod na buwan. Dahil sa senyales ng bumababang inflation at humihinang aktibidad sa manufacturing, lumalakas ang pag-asang magpatupad ng interest rate cut ang Federal Reserve sa ‘sing aga ng Setyembre. Kasalukuyang tinataya ng market na magkakaroon ng 67% na tyansa ng rate cut sa Setyembre.
Mga Papalapit na Mahahalagang Pangyayari: Kabilang sa mga nalalapit na pangyayari na maaaring mag-udyok ng pagtaas-baba sa linggong ito ay ang JOLTS job openings na ilalabas ngayong araw at ang ISM Services PMI na ilalabas bukas. Susubaybayan din ang pinakabagong minutes ng FOMC na ilalabas bukas para sa anumang pagbabago sa tono na dulot ng pinakabagong datos. Ang highlight nitong linggo ay ang ulat sa NFPs sa Biyernes. Bukod dito, pag-uusapan mamaya ang mga Bangko Sentral ng Fed Chairman na si Powell at Presidente ng ECB na si Lagarde sa ECB Forum, kaya maaaring magpagalaw sa market ang anumang komento tungkol sa paghihiwalay ng kanilang pamamalakad.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.