Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip – Nag-consolidate ang Bitcoin sa Itaas ng Mahalagang Support, Tinitingnan ang Paglagpas sa Itaas ng Resistance na $71,000
28 May 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip – Nag-consolidate ang Bitcoin sa Itaas ng Mahalagang Support, Tinitingnan ang Paglagpas sa Itaas ng Resistance na $71,000

  • Kamakailang Price Action: Bumaba ng 3.5% ang Bitcoin nitong nakaraang linggo, kung saan nag-trade ito sa sideways na range sa pagitan ng $66,500 at $71,000. Mabilis na nakabawi ang pagbaba ng presyo at nirespeto ng market ang 4 na oras na moving average channels, na nagpapahiwatig sa pagpapatuloy ng pangkalahatang bullish na sentimyento. Tumaas ng mahigit 12% ngayong Mayo ang Bitcoin, na sumesenyas ng malakas na takbo sa loob ng buwang ito.
  • Mahahalagang Support Level: Ituturing bilang malakas na bullish signal ang paglagpas sa itaas ng $65,000 reversal level, na magbibigay-buhay ulit sa pangmatagalang uptrend. Isa pang positibong indikasyon ang pagpapanatili ng presyo sa itaas nitong lebel noong nakaraang linggo. Nananatiling bullish ang istraktura ng market, kung saan nagti-trade ito sa itaas ng mahahalagang moving average sa magkakaibang timeframe. Natukoy na ang panandaliang support sa low noong nakaraang linggo na $66,500, na siyang nakapagpigil sa higit pang pagbagsak at sumuporta sa bagong bullish na momentum.
  • Pag-consolidate at Resistance: Patuloy na hinahamon ng Bitcoin ang sikolohikal na resistance sa pagitan ng $70,000 at $71,000. Kapag nalagpasan ito, pwedeng bumilis pa ang momentum, na agad na kikilos patungo sa target na all-time high na $73,700. Kung nabigong agad lagpasan ang $71,000, magpapatuloy ang sideways na consolidation sa loob ng saklaw na presyo noong nakaraang linggo.
  • Pananaw ng Market: Basta’t mananatili ang Bitcoin sa itaas ng mahalagang support na $65,000, aasahang magpapatuloy ang bullish na takbo ng market, kaya pwede nitong hamunin at malagpasan ang all-time high na $73,700. Ituturing na continuation pattern ang sideways na consolidation sa itaas nitong lebel, na magpapahiwatig na nag-iipon ng momentum ang market bilang paghahanda sa susunod na pagtaas. Tanging ang pagbagsak sa ilalim ng $65,000 ang babaliktad sa bullish na sentimyento at magreresulta para magbago ang pananaw ng market.

Arawang Chart ng BTC

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.