Technical na Pagsilip – Bumaba ng 7% Nitong Hunyo ang Bitcoin, May Lumabas na Senyales ng Pagbawi sa Itaas ng $62K
Performance ng Bitcoin Nitong Hunyo: Nagtapos ang Bitcoin nitong Hunyo na may 7% pagbaba, kung saan humaharap ito sa bearish na pwersa at sinusubok ulit ang $60,000 na lebel. Gayunpaman, ang pagsasara ng buwanang candle sa itaas ng $62,000 ay makikita bilang bullish na senyales.
Nakabawi Ulit ang Oversold na Bitcoin: Ang low nitong Hunyo sa may itaas ng $58,500 ay nagpakita ng oversold na senyales sa RSI indicators bago muling makabawi sa $60,000. Mahalaga ang lugar na ito, na kumakatawan sa 200-araw na Exponential Moving Average channel, para sa pangmatagalang oportunidad sa pagbili. Dahil may kaunting senyales ng pagbawi mula sa lugar na ito, tumataas ang pag-asang makabawi ang Bitcoin at ang pangkalahatang crypto market.
Bullish na Momentum: Itinuturing bilang bullish na kilos ang nakaraang paglagpas sa 62,000, na kumukumpirma sa panandaliang bottom sa itaas ng $60,000 at nangangahulugan ng pagbaliktad patungo sa bullish na momentum. Nasa itaas na ngayon ng mahahalagang moving average channels ang presyo ng Bitcoin sa 1-oras at 4 na oras na timeframe, kung saan nagtutulak sa pagbawi ang bullish reversal pattern sa 4 na oras na chart.
Arawang Resistance Zone: Naghahanda ang market para subukin ang resistance sa arawang 45 Exponential Moving Average channel sa pagitan ng $64,000 at $66,000. Ang lugar na ito ay patuloy na nagsisilbi bilang resistance sa nakaraang apat na buwan, at noong nalagpasan ito sa kalagitnaan ng Mayo, nagkaroon ng sunod-sunod na pagtaas na sumubok sa $72,000 na lebel. Kapag nausungan itong mahalagang resistance zone, pwedeng tumibay ang panandaliang bottom at humantong sa higit pang pagbawi sa loob ng sideways na range sa nakaraang apat na buwan.
Mahahalagang Support Levels: Sa kabila ng nakaraang pagtaas, nananatili ang presyo ng Bitcoin sa ilalim ng $64,000 at $66,000 resistance zone, kaya nagigipit sa bearish na pwersa ang pangkalahatang arawang trend mula sa mahahalagang moving averages. Kapag nag-close ito sa panandaliang support sa $62,000, babalik ang momentum patungong bearish, at tataas ang tyansa na subukin ulit ang 200-araw na moving average channel sa pagitan ng $59,000 at $57,000. Ang mahalagang support level na dumedepensa sa pangmatagalang uptrend ay patuloy na nakikita sa low noong Mayo sa itaas ng $56,500.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.