Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip – Sumipa ng 10% ang Bitcoin sa Gitna ng Pagbabago ng Sentimyento ng Market
16 July 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip – Sumipa ng 10% ang Bitcoin sa Gitna ng Pagbabago ng Sentimyento ng Market

  • Pagbawi ng Bitcoin: Nakaranas ang Bitcoin ng mahigit 10% pagtaas nitong nakaraang linggo, kung saan sunod-sunod itong umakyat simula noong weekend dahil nagpakita ng suporta ang mga nasa crypto tungkol sa dating pangulo na si Donald Trump pagkatapos ng pagtatangka sa kanyang buhay. Bilang isang kandidato na pabor sa crypto, tumaas ang tyansa na mahalal si Trump, na nagpataas sa positibong sentimyento tungo sa Bitcoin at iba pang crypto, na kabaligtaran ng mas maingat na pagkilos ni Biden.
  • Risk-On na Sentimyento: Nakakuha ang Bitcoin ng mahahalagang technical na lebel, at positibo ang tugon ng mga investor sa bagong balita. Dahil sa mas mababang inflation sa US kumpara sa inaasahan, tumaas ang tyansa na magpatupad ng maramihang rate cuts ang Federal Reserve pagdating ng pagtatapos ng taon, kaya mas lumalakas pa ang bullish na sentimyento sa risk assets.
  • Bullish na Reversal: Dahil sa pagbawi sa itaas ng $60,000, kasama ng pagkakabasag ng downtrend trendline pagkatapos ng oversold at divergence signals, nagpapahiwatig ito ng malakas na bullish reversal para sa Bitcoin. Kinumpirma pa ito ng lingguhang candle na bumawi sa pagkalugi noong nakaraang linggo, at sumesenyas ng malakas na interes sa pagbili.
  • Mahalagang Pagsubok sa Resistance: Sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas, humaharap na ngayon ang market sa kritikal na pagsubok sa $64,000 na resistance level, na minarkahan ng high noong Hulyo at itaas na hangganan ng 45-araw na EMA channel, na isa sa mga trend indicator na kadalasang ginagamit. Kapag nabasag at napanatili ang itaas nitong lebel, titibay pa lalo ang uptrend sa arawang timeframe, na tugma sa lingguhang trend, kaya potensyal nitong inihahanda ang isa pang pagtatangka sa panibagong all-time highs.
  • Mahalagang Support Level: Patuloy na nakikita ang mahalagang support level sa $60,000, na isang kritikal na marka sa kasalukuyang sentimyento. Kapag napanatili ang presyo sa itaas nitong lebel, mapapanatili ang bearish na pananaw, habang kapag bumagsak sa baba nitong lebel, sesenyas ito ng potensyal na reversal at magtutulak sa pag-retest ng nakaraang lows.

Lingguhang Chart ng BTC

image 3
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.