Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip – Nagigipit ang Bitcoin: Tinututukan ang Mahalagang Support Zone
26 June 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip – Nagigipit ang Bitcoin: Tinututukan ang Mahalagang Support Zone

  • Bearish na Pwersa: Humaharap ang Bitcoin sa malakas na pwersa ng pagbebenta pagkatapos mabigong lagpasan ang $72,000 na resistance noong unang bahagi ng Hunyo. Bumagsak ng 9% ang performance nito ngayong buwan, kung saan 5% ito ay nangyari noong nakaraang linggo, na nagmamarka ng pangalawang magkasunod na lingguhang pagbagsak. Tumutugma ang downturn na ito sa anunsyo ng trustee ng Mt. Gox na Bitcoin ang ibabayad sa mga creditor nito sa Hulyo, kaya tumindi ang bearish na sentimyento dahil sa inaasahang bentahan.
  • Sentimyento at ETFs: Bumagsak sa neutral na pagbasa na 46 ang Crypto Fear and Greed Index, na pinakamababa sa loob ng walong buwan. Bukod dito, nakakita rin ng matinding outflow ang Bitcoin funds sa loob ng nakaraang dalawang linggo, ang pinakamataas na lebel simula naapbrubahan ang Bitcoin ETFs.
  • Sideways na Consolidation: Patuloy na nakapaloob ang Bitcoin sa katamtamang sideways na range habang sinusubok nito ang parehong hangganan, at naghahanda sa susunod na direksyon na pupuntahan. Dahil sa pagbagsak nito sa ilalim ng $66,500, nagbago ang momentum patungong bearish, at tinututukan na ngayon ang mahahalagang support levels. Bagamat bumaba ito ng mahigit 15% nitong nakaraang dalawang linggo, nananatili pa rin ang Bitcoin sa $60,000 hanggang $70,000 na range, kung saan nagti-trade ito simula noong Marso.
  • Mahahalagang Support Levels: Masusing sinusubaybayan ng traders ang sikolohikal na support sa $60,000, ang 200-araw na itaas na hangganan ng EMA sa $59,000, at ang 4 na buwang low na $56,500, na kung matatamaan, ay pwedeng magpahiwatig ng higit pang pagbaba at magdulot ng pangmatagalang correction sa market.
  • Pananaw ng Market: Sa kabila ng bearish na momentum, mananatiling matatag ang pangmatagalang support kapag nakahanap ang Bitcoin ng malakas na support sa bandang $60,000–$58,000 at nagpakita ito ng senyales ng reversal. Kaya lang, kapag bumagsak pa ito lalo sa ilalim ng $58,000, pwedeng bumilis ang bearish na pwersa, at potensyal na magdulot ng pagbagsak sa ilalim ng $56,500, na huhudyat ng matagalang correction. Sinusubaybayan ng bullish traders ang $60,000 hanggang $56,500 para sa anumang bullish na senyales na pwedeng magpahiwatig ng pagbawi sa kamakailangang range, at pagpapatuloy ng sideways na pattern.

Arawang Chart ng BTC

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.