Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pagsilip – Nagpapatuloy ang Apat na Linggong Pagbagsak ng Bitcoin
9 July 2024 | FXGT.com

Technical na Pagsilip – Nagpapatuloy ang Apat na Linggong Pagbagsak ng Bitcoin

Nakaraang Performance: Nakaranas ng matinding pagbagsak ang Bitcoin, kung saan bumaba ito ng 10% nitong nakaraang linggo at 20% nitong nakaraang buwan, kaya humaba pa ang tuloy-tuloy na pagbagsak nito sa apat na magkasunod na linggo. Nitong weekend, nakabawi ito ng 9%, kung saan sandali nitong naabot ang $58,500 noong Linggo, kaya bahagyang naginhawaan ang mga investor dahil sa senyales na magiging matatag na ang presyo. Kaya lang, bearish pa rin ang sentimyento hangga’t mananatili ang presyo sa ibaba ng $60,000.

Mahahalagang Aspeto na Nakakaimpluwensya sa Market: Ang malakas na pwersa na magbenta ay resulta ng pagbebenta ng gobyerno ng Germany ng libo-libong BTC, at pagbabayad ng Mt. Gox sa creditors ng Bitcoin at Bitcoin Cash, kung saan 140,000 BTC na nagkakahalagang $9B ang nakatakdang ibayad, kaya tumataas ang pangamba na magkaroon ng mas matinding pwersa ng magbenta.

Bearish na Sentimyento at Mahahalagang Indicators: Dahil sa pagbagsak sa ilalim ng $60,000 support level, naging bearish na ang setimyento at negatibo na ang pangmatagalang pananaw tungkol dito. Nagti-trade ang BTC sa may $57,000, sa ilalim ng 200-araw na moving average channel, na isang mahalagang bull market indicator na kadalasang sumesenyas ng katapusan ng bull run kapag nalagpasan ito. Sa kabila ng intraday na pagbawi, nag-close na ang BTC sa ilalim ng 200-araw na EMA channel sa dalawang magkasunod na araw, na nagpapahiwatig ng patuloy na paghina.

Mga Kritikal na Lebel at Potensyal na Pagbawi: Dahil sa nakaraang price action, nagkaroon ng support sa $54,000 at resistance sa $58,500. Kapag bumagsak ito sa ilalim ng $54,000, makukumpirma ang pagpapatuloy ng bearish na trend. Sa kabilang banda, kapag lumagpas ito sa $58,500, pwedeng manumbalik ang ilan sa bullish na momentum. Sa kabila ng potensyal na positibong paghihiwalay sa arawang RSI, wala pang malinaw na senyales ng isang bottom, pero pwedeng mas lumaki itong divergence signal kapag nakumpirma ang reversal pattern na lalagpas sa $58,500.

Mga Nalalapit na Pangyayari: May mga mahahalagang pangyayari na makakaimpluwensya sa sentimyento sa Bitcoin sa darating na panahon, kabilang ang ulat sa inflation sa US, ang testimonya sa Kongreso ng Fed Chair na si Powell, at ang inaabangang pag-apbruba ng spot Ether ETFs, na lahat ay pwedeng makaapekto sa kondisyon ng market at sentimyento ng mga investor.  

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.