Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Technical na Pananaw – Kawalan ng Paggalaw sa Presyo ng Bitcoin
3 Abril 2024 | FXGT.com

Technical na Pananaw – Kawalan ng Paggalaw sa Presyo ng Bitcoin

Kakulangan ng Paggalaw sa Presyo ng Bitcoin: Nanatiling matatag ang presyo ng Bitcoin noong nakarang linggo, kung saan nahirapan itong lagpasan ang $72,000 na magsisilbi dapat bilang all-time high. Dahil sa pagbagsak nito sa ilalim ng $68,000 sa unang bahagi nitong linggo, nabawasan ang dating matatag na bullish na momentum, na nagreresulta sa mas neutral na panandaliang pananaw.

Potensyal ng Panandaliang Consolidation: Ang pagbaba sa ilalim ng $68,000 ay maaaring isang babala tungo sa panahon ng sideways na consolidation habang isinasaalang-alang ng market ang implikasyon ng nalalapit na Bitcoin halving event. Kadalasang nagkakaroon ng consolidation period sa mundo ng crypto at kalimitan itong nagsisilbi bilang pangunang senyas sa mas matinding direksyonal na paggalaw. Pwede itong magpahiwatig ng potensyal na buildup bago ang susunod na sunod-sunod na pagtaas.

Bullish ang Kondisyon ng Trend: Bagamat may naranasang pagtaas-baba, pangunahing bullish pa rin ang pananaw ng market sa Bitcoin, basta’t mananatili ang presyo sa itaas ng $61,000 support level. Nagsisilbi itong kritikal na threshold bilang pundasyon sa potensyal na pataas na paggalaw. Mahalaga ang pagbalik sa itaas ng $68,000 para magsimula ulit ang bullish na momentum, habang ang pagbaba sa ilalim ng $64,000 ay sesenyas ng mas matinding paghina.

Kritikal na Support Threshold: Ang pagbagsak sa ilalim ng $61,000 threshold ay sesenyas ng matinding pagbaliktad sa takbo ng Bitcoin, na mangangahulugan ng bearish trend reversal pattern sa arawang timeframe. Ang ganitong pagbabago ay maaaring magresulta sa isang corrective phase, kung saan lalayo ang takbo ng market mula sa umiiral na bullish na sentimyento, at lilipat ang atensyon nito sa $50,000 na lebel bilang susunod na pangunahing sikolohikal na support zone.

Arawang Chart ng Bitcoin

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.