Technical na Pagsilip – Humaharap ang Bitcoin sa Kritikal na Pagsubok sa $65,500 Resistance Level
Kamakailang Pagtakbo ng Bitcoin: Nakaranas ng matinding pagbawi ang Bitcoin nitong linggo, kung saan umakyat ito ng 11% mula sa nakaraang low na $56,700. Mula noong umpisa ng Mayo, tumaas ng halos 5% itong crypto, na nagresulta sa 50% pag-akyat simula noong umpisa ng taon.
Mga Technical Indicator: Sa kabila ng kamakailang pagtaas, nanatiling bearish ang presyo ng Bitcoin sa arawang timeframe habang nagpapatuloy itong mag-trade sa ilalim ng mahalagang 45-araw na EMA channel. Nagkaroon ng pag-aalala sa mas mahabang correction dahil sa kamakailang pagbagsak sa ilalim ng kritikal na $60,000 support level, pero nagpapahiwatig ng malakas na support ang interes na bumili sa itaas ng $56,000.
Mahalagang Resistance: Kasalukuyang nagpapanatili ng bearish na momentum ang pagkakaroon ng bagong resistance sa $65,500, na tugma sa itaas na hangganan ng 45-araw na EMA channel. Mahalagang malagpasan ang lebel na ito, para potensyal na magpatuloy ang pangmatagalang uptrend. Sa kabilang banda, kung hindi ito malalagpasan, pwedeng magpatuloy ang sideways na consolidation.
Humihina ang Overbought na Kondisyon: Sa mas mahabang timeframes tulad ng lingguhan at buwanang timeframe, naging normal na ang momentum indicators pagkatapos ng mas mahabang panahon ng overbought na kondisyon. Nagpapahiwatig ito na maaaring matapos na ang kasalukuyang yugto ng consolidation.
Nalalapit na Datos sa Inflation ng US: Makikita sa US economic calendar ang kritikal na datos sa inflation na pwedeng makaapekto sa takbo ng market. Nakatakdang ilabas ang Producer Price Index (PPI) sa Martes, na susundan ng Consumer Price Index (CPI) sa Huwebes. Sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya, pwedeng magtaas-baba ang financial markets dahil sa inflation, kabilang ang mga crypto tulad ng Bitcoin.
Implikasyon sa Bitcoin: Kung nagpapahiwatig na patuloy pa ang pwersa ng inflation, maaaring panatilihin ng Fed ang interest rates sa mas mahabang panahon, na pwedeng makapagpalakas sa USD at potensyal na magpababa sa presyo ng Bitcoin. Sa kabilang banda, ang mas mababa kaysa sa inaasahang inflation ay pwedeng makapag-udyok ng mas maagang rate cuts, at potensyal na tumaas ang Bitcoin bilang alternatibong investment.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.