Ipinapakilala ang Optimus
Nasasabik kaming ipakilala ang bagong-bagong trading account na Optimus. Idinisenyo ito para magkaroon ka ng napakagandang karanasan sa day trading, dahil meron itong walang-kapares na features para sa mga traders na malakas ang loob at agad na tumutugon sa market.
Dahil may kanya-kanyang hamon na kaakibat ang day trading, nagsikap kami nang husto para siguraduhin na may malakas na account na ginawa para sa mahigpit na entry at exit points. Sa tulong ng pinalaking leverage, kakayahang pumili, at napakagandang kondisyon sa pag-trade, bagay na bagay ang bagong Optimus account sa mga kasalukuyan naming klase ng account na PRO, ECN Zero, Standard+, at Mini.
“Ang baong Optimus account ay ginawa para sa traders na gustong samantalahin ang mga oportunidad sa market araw-araw gamit ang mas maliit na kapital. Naniniwala kami na matutugunan ‘to nitong account; makakatulong ito para palakihin ang kanilang potensyal,” saad ni Mr. Zeybo, ang Global Head of Business Development.
Makabagong Sistema sa Leverage
Bukod sa paggawa ng bagong account, tinugunan namin ang isa sa mga karaniwang hinihingi ng aming mga kliyente. Gusto nilang magkaroon ng sistema sa leverage na aangkop sa kasalukuyang kondisyon ng bawat account. At ginawa namin ‘to.
Pinabuti namin ang tradisyonal na mekanismo sa leverage sa pamamagitan ng pag-aalok ng leverage na batay sa equity para sa lahat ng klase ng asset at account, maliban sa mga crypto. Sa tulong ng leverage na batay sa equity, umaangkop ito batay sa libreng equity ng trader at pwedeng gamitin para mag-trade ng mga tradisyonal na klase ng assets.
Para sa iba pang detalye kung paano tumatakbo ang leverage, tingnan ang artikulo namin dito.
Mga Kondisyon sa Trading ng Optimus
Idinisenyo para tugunan ang espesyal na pangangailangan ng mga day trader, ang bagong Optimus account ay may mga sumusunod na makapangyarihang katangian:
- Di Mapapantayang Leverage
Sa default leverage na hanggang 1:2000, pinapalakas nitong account ang mga day trader sa tulong ng pagbibigay ng napakaraming pagpipilian. Pwedeng tumaas ang leverage sa hanggang 1:5000 pagkatapos mag-trade ng limang GTLots at mag-close ng hindi bababa sa walong orders.
- Pinakamababang Deposito
Dahil sa mababang deposito na $10, nakakapagbigay ito ng murang access sa market. Sinigurado namin na pwedeng makinabang sa Optimus ang bawat isang trader, kahit na ang mga may maliit na kapital.
- Murang Bayarin sa Pag-trade
Maliit lang ang singil, kabilang ang mababang spreads at walang komisyon sa mga trade. Ibig sabihin, pwedeng masamantala ng traders ang kanilang kita nang hindi ito kinakain ng mga kaakibat na bayarin.
- Pag-access sa Market
Nagbibigay-daan ang Optimus para makapag-trade sa malawak na hanay ng mga instrument, kabilang ang forex, mga commodity, index, stocks, crypto, at pati ang GTi12 Index. Bilang resulta, nakakapagbigay ito ng maraming oportunidad para makapag-diversify ng mga istratehiya at lumaki pa ang kita.
- Mas Mabuting Pamamahala ng Risk
Sa pamamagitan ng paggamit ng Leverage na Batay sa Equity at Leverage na Batay sa Volume sa Optimus, nabago namin ang pamamaraan sa pagpapababa ng risk. Sa tulong nitong makabaong sistema, nasisigurado na mas mapapamahalaan ng traders ang kanilang risk, kaya mas tumpak nilang makokontrol ang kanilang pag-trade.
Trading Account na Makakapagpabago sa Takbo ng Industriya
Malinaw na lamang ang Optimus dahil nakakapagbigay ito ng naiibang benepisyo na hindi makikita sa iba pang klase ng accounts tulad ng PRO, ECN Zero, Mini, o Standard+. Di tulad ng mga account na ‘to, nag-aalok ang Optimus ng leverage na mula 1:2000, na pwede pang tumaas hanggang sa 1:5000 na pinakamataas sa industriya, at makakapagbigay ng mas malakas na kakayahang mag-trade.
Bukod dito, pinagsasama ng Optimus ang mataas na leverage at walang komisyon sa mga trade, kaya isa itong magandang bentahe, na hindi matapatan ng ECN Zero account, na kilala sa raw na spreads pero may iba pang kaakibat na singil. Bagamat may ibang account na may mas mababang deposito, naiiba ang kapangyarihan ng Optimus na nag-aalok sa day traders ng $10 na deposito at advanced na features.
Ang Optimus ay higit pa sa isang bagong account; binabago nito ang takbo sa industriya. Pinapalaki nito ang kakayahang magtagumpay ng traders sa napakabilis na mundo ng day trading, at pinaiigting nito ang dedikasyon namin na maging kumpanyang nakatutok sa kliyente. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tunay na mungkahi sa aming mga pinansyal na produkto, napapalakas namin ang traders sa tulong ng iba’t-ibang naka-custom na solusyon, para tulungan silang maabot ang panibagong landas tungo sa tagumpay.
Magkaroon na ng Optimus
Wag palagpasin ang di mapapantayang kakahayang mag-trade na inaalok ng Optimus. Dalhin sa susunod na lebel ang pag-trade mo gamit ang leverage na pinakamataas sa industriya, walang komisyon, at makapangyarihang katangian na magbibigay sa’yo ng kalamangan. Mag-sign up na sa Optimus at abutin ang totoo mong potensyal gamit ang account na ginawa para sa pinakamagandang karanasan sa day trading.