Bukod sa binago ng napakagaling na Fibonacci sequence ang mga estratehiya sa pag-trade, hinubog din nito ang pananaw natin sa kalikasan. Buti na lang, sa tulong ng makabagong teknolohiya, nasasamantala natin ang mga robot na kayang gumawa ng kalkulasyon sa Fibonacci, kaya naiibsan ang pag-aalala tungkol sa pagiging kumplikado nito. Isipin mo nalang ang chart ng isang stock na may tumataas-baba na zigzag pattern — parang rollercoaster ang mismong market. Gayunpaman, sa pamamagitan ng paggamit ng Fibonacci retracements, nagkakaroon tayo ng gabay kung paano tahakin ‘tong nakakalitong proseso.
Bagamat nakakatakot ang pagtaas-baba ng market, nakakapagbigay ang estratehiyang ito ng pundasyon sa pagsasagawa ng tamang desisyon. Kahit na hindi ka masyadong magaling sa matematika, makakatulong ang pag-unawa sa retracements para komprontahin ang hindi kasiguraduhan sa market.
Ang Pinagmulan ng Fibonacci
Dahil sa pangalang Fibonacci, na palagi nating naririnig sa buong kasaysayan, inaakala ng marami na inimbento ito ng nasabing Italyanong matematiko. Kaya kagulat-gulat na ang kilalang sequence na ito ay nagmula sa lumang turo ng mga Indianong matematiko, bago pa ito ipinakilala ni Leonardo Fibonacci sa mundo.
Bakit nga ba nabibighani ang lahat sa pagkakasunod-sunod ng mga numerong ito? Pwes, di lamang ‘to pagkakasunod-sunod ng mga numero; sumasalamin ito sa tunay na pagkakatugma sa matematika na naoobserbahan din sa kalikasan, sining, artkitektura, at iba pang kababalaghan na lingid sa ating imahinasyon.
Isipin mo ang paikot na pattern ng mga kabibi, ang dahon ng mga bulaklak, o ang proporsyon ng ating katawan — ang bawat isa sa mga ito ay napapailalim sa napakagaling na prinsipyo nitong pagkakasunod-sunod ng numero. Dahil dito, mas lalo nating nauunawaan kung paano nauugnay ang matematika sa napakaganda at kumplikado nating mundo, habang binibigyan tayo ng inspirasyon na solusyunan ang mga problema, tulad ng pagbabago-bago ng presyo tuwing nagti-trade.
Ang Fibonacci sa Araw-araw na Buhay
Pero paano nga ba natin magagamit sa pang-araw araw na buhay ang kamangha-manghang konsepto na ‘to? Sa mundo ng trading, nagsasama ang matematika at ekonomiya pagdating sa mga numero at probabilidad, na pwedeng makatulong sa bawat investor.
Susi sa tagumpay ang pag-unawa sa mga pattern at paghula sa magiging galaw ng market. Dito, nagiging makapangyarihan ang pagkakasunod-sunod ng numero dahil ginagabayan nito ang traders na tukuyin ang potensyal na retracement at extension sa presyo. Bagamat nagsimula lang ito bilang lumang obserbasyon sa numero, nagkaroon ito ng praktikal na aplikasyon sa modernong mundo ng financial markets, habang binibigyang-diin ang walang kupas na koneksyon sa mga prinsipyo ng matematika.
Ang Pagkakasunod-sunod ng Numero
Ganito ang takbo ng Fibonacci sequence: ang bawat numero ay resulta ng pagdadagdag ng dalawang nakaraang numero, na nagsisimula sa 1, kaya: 1, 1, 2, 3, 5, 8, at saka pa.
Ang Pagkakasunod-sunod sa Trading
Pagdating sa trading, ang mahahalagang Fibonacci ratios na nakuha mula sa pagkakasunod-sunod na ito ay 23.6%, 38.2%, 50%, 61.8%. Pinagpapatong-patong ng traders ang mga ratio na ito sa mga nakaraang galaw ng presyo para matukoy ang potensyal na pagbaliktad sa market, na tinatawag na Fibonacci retracement levels, at ginagamit ito para magtakda ng target na presyo o stop-loss.
Ang Golden Ratio at ang Fibonacci
May kamangha-manghang pattern ang pagkakasunod-sunod na ito — ang tinatawag na Golden Ratio. Espesyal ang ratio na ito na nakuha mula sa pagkakasunod-sunod ng numero. Kapag hinati mo ang anumang numero ayon sa susunod, makakakuha ka ng humigit-kumulang 0.618, o 61.8%. Halimbawa, kung hinati mo ang 89 mula sa 144, makukuha mo ang 0.618, at gayundin kapag hinati mo ang 610 mula sa 987. Nananatiling parehas ang ratio na ito sa buong Fibonacci series, anuman ang pipiliin mong numero. Kaya naman, ang Golden Ratio ay 61.8%.
Naiiba ang Fibonacci sa tradisyonal na technical analysis tools dahil makikita ang formula nito sa ating kapaligiran. Di tulad ng mga artipisyal na inimbentong indicators, ang Fibonacci at Golden Ratio ay talagang makikita sa kalikasan. Kahit na sa mga inilalabas na datos sa ekonomiya, sinusundan pa din ng presyo ang Fibonacci points, kaya kalimitan nitong nasasapawan ang mga tipikal na technical indicators.
Heto ang ilan sa mga praktikal na halimbawa kung paano mo magagamit sa trading ang Golden Ratio:
Bumili ka ng stock noong naabot nito ang 38.2% Fibonacci retracement level pagkatapos ng pinakabagong downtrend, at inaasahan mo itong bumawi at tumaas pa lalo.
Naglagay ka ng stop-loss sa ilalim ng 61.8% Fibonacci retracement level pagkatapos ng pinakabagong uptrend para mabawasan ang pagkalugi kung sakaling bumagsak ang stock sa ilalim ng puntong iyon.
Naglagay ka ng take profit order sa 161.8% Fibonacci extension level pagkatapos ng pinakabagong uptrend para masakop ang buong retracement ng nakaraang paggalaw.
Pag-unawa sa Fibonacci Retracement
Ginagamit ng traders ang retracement sa magkakaibang paraan na tugma sa kanya-kanyang estratehiya. Sa pangkalahatan, ginagamit ang mga ‘to para tukuyin ang support at resistance levels. May isang karaniwang paraan na tumutukoy sa pullbacks, samantalang ang iba naman ay gumagamit ng retracements kapag lumagpas ang presyo sa pinakabagong highs o lows upang mahulaan ang magiging lebel sa hinaharap.
Hindi palaging random ang paggalaw ng presyo sa financial markets; karaniwan itong sumasalamin sa pinagsama-samang alaala at pag-iisip ng mga nasa market. Malaki ang papel ng kasaysayan ng price action sa paghubog ng magiging galaw ng market sa hinaharap. Kalimitang napapansin ng traders na nauugnay at proporsyonal ang price action sa mga nakaraang paggalaw. Dito na pumapasok ang Fibonacci levels, kung saan nakakapagbigay ito ng batayan sa matematika para maunawaan at mahulaan ang magiging kilos ng market.
Kapag naabot ang bagong high o low na presyo, karaniwan itong bumabaliktad bago magpatuloy sa direksyon ng orihinal na trend. Nakakatulong ang Fibonacci retracements sa pagtantya kung saan matatapos ang mga naturang pullback, bago magpatuloy ang presyo sa direksyon ng trend. Dahil dito, masusuri mo ang mga lebel na ito tuwing nagdedesisyon na bumili o magbenta, habang inaasahan na magpapatuloy ang presyo sa naunang direksyon ng trend pagkatapos maabot ang mahahalagang punto na ito.
Ugnayan sa Price Action
Pinapatakbo ang financial markets ng mga pattern na umuulit-ulit. Halimbawa, ang pagtaas ng presyo mula $10 patungong $20 ay di lang isang random na pangyayari, kundi isang galaw na pwedeng makaimpluwensya sa kilos ng presyo sa hinaharap. Kung lubhang tumaas ang market, kalimitang umaasa ang traders ng pullback bilang parte ng karaniwang siklo ng market. Gayundin, pagkatapos ng matinding pagbagsak, kalimitang inaabangan ang corrective na pagtaas.
Mahalagang isaisip na kalimitang may kinalaman ang magiging galaw ng presyo sa matutukoy at masusukat na ugnayan sa nakaraan. Pwedeng makita ang relasyong ito bilang retracement o extension sa nakaraang trend. Sa mga kinalaunang paggalaw na ‘to, pwedeng gamitin ng traders ang Fibonacci ratios para tantyahin ang potensyal na stop level sa parehong retracement at continuation ng mga trend.
Bakit Mabisa ang Fibonacci Levels
Epektibo ang Fibonacci levels dahil makikita ito mismo sa price action na nilalayon nitong hulaan. Ang mga ratio na ito — 23.6%, 38.2%, 50%, 61.8%, at iba pa — ay di lamang numero kundi nakuha mula mismo sa pagkakasunod-sunod, kaya naman meron itong natural at makasaysayang kahalagahan sa paglalarawan ng proporsyonal na ugnayan.
Maraming Nakakaalam: Dahil kilalang-kilala ng maraming traders ang Fibonacci levels, nakakatulong ito sa pagiging epektibo nito. Kapag binibigyang-pansin ng marami ang mga lebel na ito at binabago nila ang kanilang kilos batay dito, nagiging totoo ang mga puntong ito, dahil nagsasama-sama ang mga order sa parehong antas.
Sikolohikal na Batayan: Karaniwang nagre-retrace o nag-e-extend ang presyo sa Fibonacci levels dahil kumikilos ito bilang sikolohikal na batayan. Inaasahan ng traders na magdedesisyon ang iba batay sa lebel na ito, na nakakaimpluwensya sa sarili nilang pagdedesisyon sa paulit-ulit na paraan.
Pinagbabatayan ang Kasaysayan: Ayon sa pagsusuri sa nakaraang lagay ng market, kalimitang bumabaliktad o bumabagal ang presyo sa lebel na ito, kaya may malaki itong epekto sa pagpapatibay ng pagiging maaasahan nito.
Malaki ang respeto ng traders sa Fibonacci levels dahil sa pundasyon nito sa nakaraang galaw ng presyo. Nagbibigay ito ng gabay para bigyang-kahulugan ang hinaharap sa pamamagitan ng pagtingin sa nakaraan, kaya nagagamit ng traders ang mga modelong ito bilang gabay sa paghula kung saan pwedeng pumunta ang presyo, batay sa kung saan ito nanggaling.
Ano ang Support sa Presyo?
Ito ang punto ng presyo kung saan patuloy na tumitigil ang pagbaba ng stock o market, dahil pumapasok sa market ang maraming bumibili kaya naiiwasan ang higit pang pagbaba ng presyo. Sa madaling salita, ito ang pinakamababang lebel kung saan malaki ang tyansa na bumawi pataas ang presyo.
Ano ang Resistance sa Presyo?
Sa kabilang banda, ang resistance ay ang punto ng presyo kung saan patuloy na tumitigil ang pagtaas ng stock o market, dahil lumalabas sa market ang maraming nagbebenta kaya naiiwasan ang higit pang pagtaas ng presyo. Nagsisilbi itong pinakamataas na lebel na naglilimita sa pataas na galaw ng presyo.
Ano Ulit ang Retracement ng Presyo?
Pagdating sa trading, ang retracement ay ang pansamantalang pullback na nangyayari sa kasalukuyang trend sa market. Naiimpluwensyahan ito ng iba’t-ibang aspeto, tulad ng pagkuha ng mga investors ng kanilang kita, kondisyon ng market na pwedeng overbought o oversold, o mahahalagang balita. Pwede itong mangyari sa iba’t-ibang timeframe, mula sa panandaliang pagtaas-baba, hanggang sa mas mahabang galaw na umaabot ng ilang buwan.
Mahalagang maunawaan na hindi magkaparehas ang retracement at reversal. Ang retracement ay isang pansamantalang pagbaliktad, o pansamantalang paghihinto sa kasalukuyang trend. Ang reversal naman ay ang kumpletong pagbabago ng direksyon ng market.
Karaniwang ginagamit ng traders ang retracement para tukuyin ang magandang entry at exit point sa kanilang pag-trade. Halimbawa, pwede nilang samantalahin ang mga karaniwang retracement level batay sa mga Fibonacci sequence, tulad ng 38.2% retracement level pagkatapos ng isang downtrend, bilang pag-abang sa pataas na galaw na susunod dito.
Bagamat mahalaga ang retracements, hindi nito laging sinusundan ang mga matatag na pattern tulad ng Fibonacci levels. Gayunpaman, nagsisilbi ito bilang mahalagang tool para matukoy ang potensyal na support at resistance sa market.
Mabilisang Pagsilip sa Retracements:
Nagpapakita ito ng pansamantalang pagbaliktad mula sa pangunahing direksyon ng market.
Pwedeng mangyari ang pagbaliktad na ito sa iba’t-ibang timeframe, mula sa panandaliang galaw hanggang sa mas mahabang trends.
Nangyayari ito dahil sa mga aspeto tulad ng mga investor na kumukuha na ng kita, hindi karaniwang kondisyon sa market, o malalaking balita.
Pwede itong gamitin para hanapin ang tamang tiyempo sa pagpasok o paglabas sa isang trade.
Kapag hinuhulaan ang lebel ng retracement gamit ang Fibonacci ratios, susukatin mo ang mula sa low papunta sa high ng isang paggalaw ng presyo (sa isang uptrend). Sa halimbawa kung saan gumalaw ang presyo ng langis mula $40 papuntang $70, ang saklaw ng paggalaw ay $30 ($70 – $40).
Para mano-manong hanapin ang Fibonacci retracement levels, kailangan mong i-multiply ang kabuuang range sa mga nauugnay na ratio, at ibawas ang halagang ito mula sa high ng galaw ng presyo. Ganito mo kakalkulahin ang mahahalagang Fibonacci levels:
Low: $40 (punto kung saan nagsimula ang paggalaw ng presyo)
High: $70 (punto kung saan nagtapos ang paggalaw ng presyo)
Ang saklaw nitong galaw ay $70 – $40 = $30.
Ngayon, kalkulahin natin ang porsyento ng Fibonacci:
Ang Fibonacci retracement levels ay humigit-kumulang:
23.6% sa $62.92
38.2% sa $58.54
50% sa $55.00
61.8% sa $51.46
Sa lebel na ito pwedeng asahan ng investors ang potensyal na support kung sakaling nag-retrace ang presyo ng langis mula sa high nito na $70.
Paggamit ng Fibonacci Retracement Levels sa Chart
Baguhan ka man o beterano nang trader, pwedeng makatulong ang Golden Ratio para magkaroon ka ng kumikitang trades. Gamitin ang retracement lines sa chart para matukoy ang support at resistance levels na nagpapakita kung saan pwedeng tumigil o magpalit ng direksyon ang presyo. Iguhit ang mga linyang ito sa pamamagitan ng paghahati ng patayong distansya sa pagitan ng dalawang magkabilaang punto sa chart at pag-plot nito. Nakakatulong ito para malaman ang potensyal na reversal areas ng presyo. Kumplikado itong pakinggan pero mas madali ito kaysa sa iniisip mo.
Paglipat mula Teorya Patungo sa Kasanayan
Ngayong naintindihan na natin kung paano maglagay ng Fibonacci retracement lines sa chart, pag-aralan naman natin ang mga partikular na pamamaraan na makakapagpabuti sa estratehiya mo gamit ang mga linyang ito. Ipapakita nitong praktikal na aplikasyon ang lakas ng Fibonacci levels sa pagtukoy sa galaw ng market.
Unang Paraan: Pagbuo ng Fibonacci Retracement Levels Gamit ang Pinakabagong Impulse Wave
Sa unang pamamaraan na titingnan natin, binibigyang-diin ang pagtukoy sa potensyal na support levels pagkatapos ng huling malaking impulse wave sa market. Magagamit ang paraang ito lalo na kapag nagsisimulang magkaroon ng peak pagkatapos ng isang malakas na wave sa direksyon ng umiiral na trend, na magsisimula ng retracement mula sa pinakabagong high. Ang layunin natin habang nangyayari ang retracement ay tantyahin ang posibleng lebel kung saan makakahanap ng support ang kasalukuyang trend, na siyang magpapahinto sa retracement wave. Para makamit ito, ilalagay natin ang retracement tool sa pinakabagong impulse wave. Sa pamamagitan ng pag-anchor ng tool sa simula ng impulse wave (ang low) at pag-extend nito sa peak (ang high), makikita natin ang Fibonacci levels na maaaring magsilbi bilang potensyal na support levels. Ang mga lebel na ito, na nakuha sa mahahalagang ratios tulad ng 23.6%, 38.2%, 50%, at 61.8%, ay kumakatawan sa lugar kung saan malaki ang tyansa na maging matatag ang market at potensyal na bumaliktad ang retracement at magpatuloy sa orihinal na trend. Sa pamamagitan ng tiyak na pagtukoy sa malakas na impulse waves at paglalagay ng mga lebel na ito, makakabuo ng diskarte ang mga trader para samantalahin ang continuation ng pangunahing trend. Para gamitin ang Fibonacci retracement tool, kailangan munang tukuyin ng trader ang mahahalagang punto ng presyo, na kadalasang high at low, sa isang chart. Ilalagay ang tool sa pamamagitan ng pagmamarka ng porsyento sa pagitan nitong dalawang punto. Para maglagay ng Fibonacci levels sa impulse wave, sundan ang mga hakbang na ito:
1. Piliin ang Saklaw: Tukuyin ang pinakabagong malaking high at low sa chart ng timeframe na pinag-aaralan mo.
2. Ilagay ang Fibonacci Llevels: Gamit ang Fibonacci tool ng iyong trading platform, gumuhit ng linya mula sa low papunta sa high (para sa mga downtrend gawin ang kasalungat). Awtomatiko nitong tutukuyin ang Fibonacci retracement levels sa pagitan nitong dalawang punto.
3. Bigyang-kahulugan ang mga Lebel: Ang retracement levels ay mga pahalang na linya na nagpapakita kung saan malaki ang tyansa na magkaroon ng support at resistance. Hindi garantisado ang mga lebel na ito; mga potensyal na punto lamang ito kung saan pwedeng magbago ang kilos ng presyo.
Sa halimbawang ito, nakita ang retracement levels sa pamamagitan ng pagtukoy sa mahalagang low, na minarkahan ng 100% sa Fibonacci line, at pag-drag ng tool sa mahalagang high sa presyo, na nakikita bilang 0% sa linya. Mahalagang ilagay ang Fibonacci retracement tool mula kaliwa papuntang kanan, habang sumusunod sa direksyon ng presyo mula sa panimulang low hanggang sa pagtatapos ng high sa ino-obserbahang timeframe.
Pagkatapos itong ilagay, huhulaan ng tool ang mahahalagang lebel sa chart — ang 23.6%, 38.2%, 50%, at 61.8% — na nagsisilbi bilang potensyal na support levels sa correction ng presyo. Mahalaga ang mga lebel na ito sa pagtukoy kung saan pwedeng huminto o bumaliktad ang retracement, kay nakakapagbigay ito ng pananaw sa posibleng entry o exit points. Pwede kang mag-ensayo sa retracements at extensions gamit ang FXGT.com demo account. May real-time itong datos kaya pwede kang matuto nang walang risk.
Sa susunod na halimbawa, makikita natin na nakahanap ng support ang retracement wave sa 38.2% Fibonacci level, bago magpatuoy sa direksyon ng pangkalahatang trend.
Pangalawang Paraan: Pagbuo ng Fibonacci Retracement Levels Gamit ang Pinakabagong Trend
Maraming gamit ang Fibonacci retracement at pwede itong baguhin sa iba’t-ibang paraan para pakiramdaman ang potensyal na price action. Kumpara sa nakaraang paraan na nagbibigay ng importansya sa pinakabagong impulse wave, ang alternatibong paggamit ng Fibonacci technique ay nagtataglay ng pagsukat mula sa pinaka low hanggang sa high ng pundasyon ng kasalukuyang trend. Nakakapagbigay ito ng mas malawak na perspektibo dahil sakop nito ang buong paggalaw ng trend mula sa simula hanggang sa pinakataas, kaya nagreresulta ito sa mas komprehensibong pananaw tungkol sa potensyal na support levels.
Kapag nasa kumpirmadong uptrend ang market, ginagamit ang Fibonacci retracement tool para tukuyin ang retracement levels mula sa pinakasimula ng trend — ang pinakamababang punto na naabot bago mangyari ang pataas na galaw — hanggang sa pinakabago o pinakamataas na punto ng trend. Partikular na magagamit ito para maunawaan ang lakas ng pangmatagalang trend at pakiramdaman kung saan lalabas ang mahahalagang support levels sa retracement.
Ang Fibonacci levels na batay sa kaparehong ratios ay nagsisilbi bilang grid ng potensyal na support zones. Habang nagre-retrace ang presyo mula sa high nito, ino-obserbahan ang bawat lebel para sa senyales ng support, pagpatag ng presyo, o posibleng reversal. Pwede nitong hikayatin ang traders na isaalang-alang ang long position habang inaabangan ang pagpapatuloy muli ng uptrend.
Sa kabilang banda, kapag may downtrend, ginagamit ang tool mula sa pinakamataas na punto ng pinakabagong downward trend patungo sa low nito. Hinuhulaan nito ang pataas na retracement levels, na magsisilbing resistance areas kung saan pwedeng makaranas ang presyo ng pwersa kapag may corrective na pagtalbog.
Sa pangkalahatan, kahit na bullish o bearish man ang market, nakakatulong ang Fibonacci retracement tool sa traders para mahulaan nang mas tama kung saan babaliktad o magiging matatag ang market pagkatapos ng malakas na galaw ng presyo, kaya nakakapagbigay ito ng mas tamang pagdedesisyon sa kanilang mga estratehiya. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pananaw ang traders sa kabuuang kalusugan at pagtuloy-tuloy ng trend. Dahil dito, napag-aaralan din ang lalim ng pullback at nakakatulong ito sa pagtukoy ng normal na retracement kumpara sa mas mahahalagang reversal ng trend.
Paano Mag-trade Gamit ang Fibonacci Retracement
Pagtukoy sa mga Entry Point: Hanapin ang presyo na tatalbog sa Fibonacci levels at pumasok sa trade batay sa iba pang indicators na tugma sa naturang retracement levels na kukumpirma sa direksyon ng presyo.
Paglalagay ng Stop-Loss Orders: Para bumaba ang risk, maglagay ng stop-loss orders na lagpas sa Fibonacci levels. Kung lumagpas sa lebel ang presyo sa halip na bumaliktad ito, pwede itong magpatuloy sa susunod na Fibonacci level.
Pagtukoy sa mga Exit Point: Pwede kang umalis sa position na malapit sa Fibonacci level kung lumalabas na humihina ang momentum ng presyo at pwede itong bumaliktad.
Mga Payo sa Epektibong Paggamit
Gamitin Kasabay ng Ibang Indicators: Para mas maaasahan ito, pagsamahin ang Fibonacci retracement sa iba pang technical indicators tulad ng moving averages, RSI, o MACD, para kumpirmahin ang direksyon ng trend at mga reversal.
Isaalang-alang ang Konteksto: Ang pagiging epektibo ng Fibonacci retracement levels ay depende sa kondisyon ng market, pagtaas-baba nito, at timeframe. Pinakamahusay ito sa mga malalakas na nagti-trend na market kung saan pwedeng mahulaan ng retracements ang natural na pullback at continuation.
Umangkop: Hindi palaging tama ang Fibonacci tool. Palaging maging handa na lumagpas ang presyo o magkulang ito kumpara sa Fibonacci levels.
Karaniwang Pagkakamali na Dapat Iwasan
Sobrang Pagtitiwala: Mapanganib na umasa lamang sa Fibonacci retracement tuwing gumagawa ng desisyon sa pag-trade. Palaging gamitin ito bilang parte ng komprehensibong estratehiya sa trading.
Maling Lebel: Pwedeng magresulta sa maling signals ang hindi tamang pagtukoy sa high at low na punto kapag gumuguhit ng Fibonacci levels.
Pagbabale-wala sa Mas Malaking Kalagayan: Palaging isaalang-alang ang pangkalahatang trend at iba pang fundamental na aspeto na pwedeng makaimpluwensya sa market.
Pangatlong Paraan: Pag-unawa sa Fibonacci Projection
Ang projection ay isang malakas na pamamaraan sa technical analysis na ginagamit para hulaan ang mga presyo sa hinaharap sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar kung saan pwedeng gumalaw nang husto ang presyo. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga porsyentong ito, masusukat kung gaano kalayo ang pwedeng igalaw ng market pagkatapos makumpleto ang retracement sa isang kasalukuyang trend. Lubhang magagamit ang paraang ito sa paglalagay ng target na kita tuwing may mas mahabang takbo sa presyo.
Pangunahing Konsepto ng Fibonacci Projection
Di tulad ng mga retracement, ginagamit ang Fibonacci projection sa sandaling nagpatuloy muli ang market sa direksyon ng kasalukuyang trend, pagkatapos mangyari ang retracement. Mahalaga ang paraang ito kapag lumagpas ang presyo sa nakaraang high o low, dahil nakakatulong ito sa paghula kung saan magkakaroon ng potensyal na resistance o support levels sa pagpapatuloy ng trend. Halimbawa, sa isang uptrend kung saan nag-retrace ang presyo at lumagpas sa nakaraang high, matatantya ng Fibonacci projections kung saan makakaranas ng panibagong resistance levels ang presyo, kaya makakapagbigay ito ng pananaw kung saan babagal o babaliktad ang presyo.
Nagtataglay ang projection ng dalawang mahalagang punto sa chart upang mahulaan ang magiging galaw ng presyo sa hinaharap:
1. Ang Pagtatapos ng Impulse Wave: Minamarkahan ng puntong ito ang pagtatapos ng naunang paggalaw ng trend bago magsimula ang retracement.
2. Ang Retracement Point: Ito ang pinakamalayong punto ng pag-retrace ng presyo bago magpatuloy sa orihinal na direksyon ng trend.
Sa pamamagitan ng pagkonekta sa dalawang punto na ito, magagamit mo ang Fibonacci ratios para mahulaan kung gaano kalayo ang aabutin ng trend pagkatapos makumpleto ang retracement.
Mahahalagang Fibonacci Ratios na Ginagamit sa Projection
Habang tumututok ang retracement sa 23.6%, 38.2%, 61.8%, iba ang ginagamit na ratio sa projection:
100% (breakout level)
161.8%
261.8%
423.6%
Nakakatulong ang mga ratio na ito para abangan kung saan papunta ang presyo sa pamamagitan ng pag-project ng mga porsyentong ito mula sa punto ng retracement sa direksyon ng trend.
Pagbuo ng Fibonacci Projection Levels sa Chart
Sa projection, layunin na hulaan kung saan susulpot ang potensyal na resistance levels kung, pagkatapos ng retracement, lumagpas ang price action sa pinakabagong high. Para gawin ito:
1. Magsimula sa pagtukoy sa pinakabagong peak, na sa halimbawang ito ay kung saan ilalagay ang 100% Fibonacci line.
2. Pagkatapos, i-anchor ang tool sa pinakamababang punto ng retracement wave, na tutukuyin bilang 0% line. Mahalagang iguhit ang Fibonacci projection mula kaliwa papuntang kanan, habang sinusundan ang paggalaw ng presyo mula sa high papuntang low.
3. Huhulaan nito ang potensyal na resistance levels sa itaas ng breakout point, sa 161.8%, 261.8%, at 423.6% extensions.
Sa halimbawang ipinakita natin, naobserbahan natin na pagkatapos ng breakout sa pinakabagong high, nakaranas ang market ng matinding resistance sa mismong 261.8% projection level, kaya nagresulta ito sa mas halatang reversal sa direksyon ng market. Napakahalaga nitong projection levels para sa traders na gustong maglagay ng target na kita o pag-aralan ang lakas ng trend pagkatapos ng breakout.
Kailan Aalis sa Trade Batay sa Fibonacci Projections:
Gumuhit ng projections gamit ang high at low na punto sa pinakabagong wave.
Gamitin ang projection para tantyahin ang potensyal na target na presyo para lumabas ng trades.
Pag-aralan ang bawat extension level bilang potensyal na target na kita, habang isinasaalang-alang ang bahagyang pagkuha ng kinita.
Tingnan ang mga nagpapatong na extension levels at iba pang mahalagang presyo o indicators sa iyong chart.
Mga Benepisyo:
Nakakapagbigay ng malinaw na target at potensyal na punto ng reversal.
Nakakatulong sa pagpapataas ng potensyal na kita kapag malakas ang trends..
Mga Limitasyon:
Hindi masyadong epektibo sa mga market na malapit nang mag-range, kung saan hindi masyadong halata ang mga trend.
Maaaring magresulta sa maling signals kung hindi tiyak na nalaman ang mahahalagang punto.
Fibonacci Extensions at ang Kahalagahan nito Kapag Nagti-trade
Katulad din ng retracements ang Fibonacci extensions. Kinakalkula ito mula sa nakaraang low papunta sa high, o high papunta sa low, gamit lang ang dalawang punto ng datos para matukoy ang relasyon ng presyo. Magkaiba lang ang layunin nila: pinag-aaralan ng retracements ang swings na mas mababa sa 100 porsyento, kung saan nire-retrace nito ang nakaraang galaw. Sa kabilang banda, sinusuri ng extensions ang swings na mas mataas sa 100 porsyento. Bagamat gumagamit ito ng parehong tool sa FXGT MT4 at MT5 platform, magkaiba ang tawag sa mga pamamaraang ito para tukuyin kung nangyayari ang relasyon ng presyo sa loob o sa labas ng nakaraang swing. Kinakalkula ang extensions mula sa low papuntang high na swings gamit ang ratios tulad ng 1.272 at 1.618 para sa potensyal na support, at mula high papuntang low na swings gamit ang kaparehong ratios para sa potensyal na resistance. Pwede ring gamitin ang dagdag na ratios tulad ng 2.618 at 4.236. Ang 2.618 ratio ay kadalasang ginagamit sa mga ikatlong target para sa pag-setup ng trade, habang ang 4.236 ratio ay nakareserba sa napaka-extended na galaw ng market kung saan inaabangan ang potensyal na punto ng paghihinto.
Kailan Papasok sa Trade batay sa Fibonacci Retracements:
Gamit ang mga high at low na punto sa iyong charts, tukuyin ang mahahalagang retracement levels tulad ng 61.8%, 78.6%, at 88.6%.
Hintayin ang kumpirmasyon ng price action malapit sa mga naturang lebel, tulad ng pagtalbog o paglagpas, para makapagdesisyon ka sa iyong entry point.
Kung gusto mong mag-long pero nakakita ka ng Fibonacci group malapit dito, maghintay muna ng breakout o mas mababang entry point para epektibong mapamahalaan ang risk.
Palaging gumamit ng stop-loss orders at subaybayan ang iyong risk-reward ratio para protektahan ang iyong kapital.
Kailan Aalis ng Trade batay sa Fibonacci Extensions:
UGamitin ang extensions para tantyahin ang potensyal na target na presyo kapag lalabas ng trades, depende sa partikular na paraan na ginagamit.
Gumuhit ng extensions katulad ng retracements, at piliin ang parehong high at low na puntos sa iyong charts tulad ng isinasaad ng iyong estratehiya.
Pag-aralan ang bawat extension level bilang potensyal na profit target, habang isinasaalang-alang ang bahagyang pagkuha ng kinita.
Tingnan ang mga nagpapatong na extension levels at iba pang mahalagang presyo o indicators sa iyong chart.
Pwede mo ring gamitin ang extensions para maglagay ng stop-loss orders, lalo na kung tugma ito sa mahahalagang lebel ng presyo o indicators, habang isinasaalang-alang ang pagkakaiba-iba nito depende sa paraang ginamit.
Mahalagang Tool ang Fibonacci Retracement Kapag Nagti-trade:
Ipagpalagay natin na pinag-aaralan mo ang galaw ng presyo ng commodity at may napansin kang malaking uptrend. Para abangan ang potensyal na support levels kapag nagkaroon ng correction sa presyo, gagamit ka ng retracements.\
Ganito ang gagawin mo:
Tukuyin ang Mahahalagang Swing Points: Magsimula sa paghahanap ng malalaking highs at lows. Halimbawa, kung tumaas ang presyo ng commodity mula $40 papuntang $70, ituring bilang high ang $70. Kung kasalukuyang nasa $70 ang presyo at gumagamit ka ng Fibonacci levels para hulaan ang potensyal na support levels, pwede mong gamitin ang Fibonacci retracement tool mula sa low na $40 papunta sa high na $70. Ang $55 level ay isa sa mga potensyal na support levels dahil kinakatawan nito ang 50% ng galaw sa pagitan ng low na $40 at high na $70.
Kalkulahin ang Fibonacci Levels: Susunod, kalkulahin ang Fibonacci retracement levels. Karaniwang ginagamit ang 23.6%, 38.2%, 50%, 61.8%, at 78.6%.
Kapag nilagay mo ang mga lebel na ito sa saklaw ng presyo mula sa high ng swing na $70 hanggang sa low ng swing na $55, makukuha mo ang mga sumusunod na lebel:
23.6% retracement level: $63.13
38.2% retracement level: $61.14
50% retracement level: $60.00
61.8% retracement level: $58.86
78.6% retracement level: $57.09
Mga Pagkakamali na Dapat Iwasan Kapag Gumagamit ng Fibonacci Tuwing Nagti-trade
Kapag gumagamit ng Fibonacci retracements, mahalagang malaman na hindi pare-parehas ang kahalagahan ng bawat retracement levels. Bagamat pwedeng makapagbigay ng target zones ang mga tool tulad ng Fibonacci retracements, kailangang samahan ito ng iba pang pagsusuri para makumpirma ito. Bukod dito, kapag labis na dumepende sa retracement levels nang hindi isinasaalang-alang ang mas malawak na kalagayan ng market, pwede itong magresulta sa hindi magandang pagdedesisyon at potensyal na pagkalugi ng pera.
Sa mga corrective na galaw, pwedeng maging napakahalagang indicators ang Fibonacci retracement levels, pero ang pagiging epektibo nito ay depende sa partikular na kondisyon ng market timeframe na pinag-aaralan. Mahalagang maunawaan na maaaring lumawak ang correction sa mas malaking galaw sa market, kaya kailangang bigyang-kahulugan ang retracement levels kaugnay nito. Bukod dito, bagamat pwedeng magsilbi ang Fibonacci extension levels bilang potensyal na presyo, maingat dapat ang paggamit nito, dahil may ibang tools tulad ng pagtukoy ng pattern at trendlines na pwedeng makapagbigay ng mas maaasahang targets.
Mga Maling Ginagawa at Paano ito Iiwasan:
Maling Pagtukoy: Maaaring magresulta sa maling signals ang hindi tamang paglagay ng high at low na puntos kapag gumuguhit ng retracement levels: Siguraduhing tama ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtukoy sa mga puntong ginamit.
Sobrang Pagtitiwala: Bagamat makapangyarihang tool ang Fibonacci, maaaring magresulta sa hindi magandang desisyon ang labis na pagtitiwala dito nang hindi ito kinukumpirma mula sa ibang indicators.
Pagbabale-wala sa Mas Malaking Kalagayan: Mahalagang maunawaan ang mas malawak na konteksto ng market, kabilang ang kasalukuyang trends at sentimyento ng market, dahil pwede nitong masapawan ang mga technical na pattern.
Kahalagahan ng mga Lebel: Hindi pantay-pantay ang kahalagahan ng lahat ng Fibonacci levels. Bagamat nakakapagbigay ang tools na ito ng potensyal na target zones, iba-iba ang pagiging epektibo nito, at kailangan itong gamitin kasabay ng iba pang anyo ng pag-analisa.
Paggamit Kasabay ng Ibang Tools: Para palakasin ang kakayahan nitong manghula, gamitin ang Fibonacci retracement levels kasabay ng ibang technical tools tulad ng trendlines at pagtukoy ng pattern. Nakakatulong ito para kumpirmahin ang potensyal na support at resistance levels na nakuha mula sa paggamit ng Fibonacci.
Mga Payo sa Paggamit ng Fibonacci Retracements:
Gamitin ang retracements kasabay ng iba pang technical indicators, tulad ng trendlines, oscillators, at moving averages. Makakatulong ito sa’yo para malaman ang kumpletong kalagayan ng market.
Wag umasa sa Fibonacci retracements para lang pumasok o lumabas sa isang position. Isa lamang itong tool na pwede mong gamitin sa iyong technical analysis. Mahalagang isaalang-alang ang iba pang aspeto tulad ng pangkalahatang trend sa market at fundamental analysis.
Hindi palaging sumusunod ang presyo ng asset sa Fibonacci levels.
Paggamit ng Fibonacci sa Estratehiya mo sa Pag-trade
Para matagumpay na gamitin ang Fibonacci sa pag-trade, kailangang maintindihan at gamitin ang iba’t-ibang madiskarteng konsepto:
1. Pagtukoy sa mga Nagti-trend ng Market: Lubhang epektibo ang Fibonacci retracement sa mga market na nagti-trend. Ang unang hakbang ay tukuyin ang malakas na galaw sa presyo, na kilala din sa tawag na impulse wave, para magamit nang tama ang retracement levels.
2. Paglalagay ng Retracement Levels: Kapag may nakita nang malinaw na trend, pwede kang gumuhit ng retracement levels sa pamamagitan ng pagtukoy sa high at low na punto ng isang impulse wave. Sa lebel na ito pwedeng huminto o bumaliktad ang presyo.
3. Paggamit ng Fibonacci bilang Entry at Exit Points: Pwede itong gamitin para pabutihin ang entry at exit points mo. Halimbawa, sa isang uptrend, pwede kang maghanap ng oportunidad na bumili sa lugar na may Fibonacci support levels.
4. Paggamit Kasabay ng Iba pang Indicators: Para sa mas malakas na estratehiya sa pag-trade, pagsamahin ang Fibonacci levels sa iba pang technical indicators tulad ng moving averages, MACD, o RSI. Makakatulong ito para kumpirmahin ang mga trend at reversal na sinenyas ng Fibonacci levels.
5. Paglalagay ng Fibonacci Projections para sa Target na Kita: Bukod sa mga retracement, pwedeng gamitin ang projection levels para maglagay ng target na kita tuwing may breakout. Pagkatapos ng retracement, kadalasang gumagalaw ang presyo sa mas mataas na projection level tulad ng 161.8%, na nakakapagbigay ng malinaw na target para masigurado ng traders ang kanilang kita.
6. Pamamahala ng Risk: Tulad ng kahit anong estratehiya sa pag-trade, mahalagang pamahalaan ang risk kapag nagti-trade gamit ang Fibonacci levels. Maglagay ng stop-loss orders na lagpas sa mahahalagang Fibonacci levels para protektahan ang kapital mula sa malalaking galaw laban sa iyong position.
Pangkalahatan
Samantalahin ang aming mga MT4 at MT5 platforms, para sa espekulasyon ng presyo at pagtatantya ng kaugalian ng market. Awtomatiko nitong nilalagay ang Fibonacci retracements at may iba pang indicators at tools. Patuloy na magagamit ang Fibonacci theory sa pagsusuri sa market, dahil may mga naibibigay ito na mahahalagang pananaw sa gitna ng nagbabago-bagong trend. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga tradisyonal na paraan kasabay ng makabagong teknolohiya, mas panatag na ang traders na gumawa ng tamang prediksyon. Kilalanin natin ang matibay na kahalagahan nitong teorya bilang gabay para sa mga beteranong trader pati sa mga baguhan, dahil pinapangasiwaan nito ang wais na pagdedesisyon sa market.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.