Nakaranas ng matinding reversal ang USDJPY pair, kung saan namataan ang matinding pagbaliktad sa galaw nito. Pagkatapos ng peak noong umpisa ng Hulyo, pumasok ang pair sa halatang downtrend, na pinapatunayan ng mga technical indicator at bearish pattern na nagpapahiwatig ng lumalalim na pagbagsak. Habang tinatahak ‘to ng market, lumalabas ang kritikal na support at resistance levels, kaya nahuhubog ang potensyal na magiging landas nito sa hinaharap. Naiimpluwensyahan ang mas malawak na konteksto ng hindi inaasahang pagbabago sa pamamalakad ng Bank of Japan at ng desisyon ng Fed sa interest rate, kaya nabuwag ang mga umiiral na trend at may nabuo na namang hindi kasiguraduhan sa takbo ng market.
Mahahalagang Pangyayari sa Ekonomiya
Biyernes 06:00 AM (GMT+0) – UK: Retail Sales MoM (GBP)
Biyernes 12:30 PM (GMT+0) – USA: Mga Building Permit (USD)
Pagsusuri sa Chart
Nakakaranas ng downtrend ang USDJPY pair simula noong Hulyo 11, noong naabot nito ang arawang high na 161.944. Pagkatapos nito, nabuo ang bearish reversal pattern na tinatawag na failure swing sa technical analysis. Sa partikular, nabigo ang peak na 161.271 na lagpasan ang nakaraang peak, at bumagsak ang presyo sa ilalim ng trough na 160.256, na nagsasaad sa isang failure swing. Sa panahong ito, nagkaroon ng sunod-sunod na mas mababang peak at mas mababang trough, na nagpapahiwatig ng downtrend. Bukod dito, noong Hulyo 26, bumagsak ang presyo sa ilalim ng parehong 20 at 50-period Exponential Moving Average (EMA), kaya may nabuong malakas na bearish signal na tinatawag na “Death Cross.” Higit pa dito, bumagsak ang Momentum oscillator sa ilalim ng baseline na 100, na sumusuporta sa bearish bias sa direksyon ng USDJPY pair. Sa mas masinsinang pagsusuri, napunta ang Relative Strength Index sa oversold na kondisyon, na nagpapahiwatig ng potensyal na sunod-sunod na pagtaas.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, pwedeng malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba:
149.366: Ang unang target na presyo ay itinakda sa 149.366, na kumakatawan sa 38.2% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing high na 161.944 at tumutugma sa swing low na 141.680.
151.752: Natukoy ang pangalawang target sa 151.752, na sumasalamin sa 50% retracement sa pagitan ng swing high na 161.944 at swing low na 141.680.
154.169: Ang ikatlong target na presyo ay naitala sa 154.169, na tumutugma sa 61.8% Fibonacci retracement sa pagitan ng swing high na 161.944 at kaakibat na swing low na 141.680.
161.944: May isa pang dagdag na resistance na nakita sa 161.944, na tugma sa peak na nabuo noong Hulyo 3.
Mahahalagang Support Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol nila sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels na nakalagay sa ibaba:
145.329 : Ang pangunahing downside target ay natukoy sa 145.329, na tumutugma sa Pivot Point na nakalkula batay sa lingguhang paraan.
141.680: Ang pangalawang support level ay nasa 141.680, na kumakatawan sa swing low na namataan noong Agosto 5.
139.169: Ang ikatlong support line ay natukoy sa 139.169, na sumasalamin sa (S2) support na tinantya gamit ang lingguhang Pivot Point method.
136.993: May isa pang downward target na naobserbahan sa 136.993, na nakwenta bilang 161.8% Fibonacci extension sa pagitan ng low na 141.680 at high na 149.384.
Fundamentals
Bumagsak ng mahigit 12% ang presyo ng palitan sa pagitan ng US dollar at ng Japanese yen simula noong umpisa ng Hulyo. Hindi inaasahan ‘tong pagbaba at resulta ito ng nakakagulat na desisyon ng Bank of Japan na taasan ang interest rates. Kabilang sa ginawa ng bangko ang pagpapataas ng interest rates at pagbabawas ng binibiling bonds, kaya lalo pang nangamba ang market. Nitong mga nakaraang taon, pinipili ng carry traders ang yen dahil sa mababang interest rates ng Japan. Gayunpaman, pagkatapos ng rate hike sa katapusan ng Hulyo, bumabaliktad ang trend na ‘to dahil inaasahan ng mga investor ang higit pang rate hikes at potensyal na panghihimasok ng mga awtoridad.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, binibigyang-diin ng kamakailang takbo ng USDJPY pair ang kumplikadong ugnayan ng technical signals at nagbabagong patakaran sa ekonomiya. Ang matinding pagbaliktad na naobserbahan nitong Hulyo ay di lamang sumasalamin sa bearish na momentum, kundi pati rin sa mas malawak na hindi kasiguraduhan dahil sa mahahalagang pagbabago sa pagpapatakbo ng mga bangko sentral. Habang tinatahak ng traders ang nagbabago-bagong kalagayan nito, magsisilbi ang mga natukoy na support at resistance levels bilang kritikal na panukat sa potensyal na galaw ng market. Habang papalapit ang mahahalagang pangyayari sa ekonomiya, nananatiling hindi sigurado ang direksyon ng USDJPY, at tutukoy ang sentimyento ng market at macroeconomic na aspeto sa magiging susunod nitong yugto.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.