Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Sa Linggong Ito – Nakatutok ang Lahat sa Pulong ng Fed at Nonfarm Payroll
29 Abril 2024 | FXGT.com

Sa Linggong Ito – Nakatutok ang Lahat sa Pulong ng Fed at Nonfarm Payroll

Mga Papalapit na Mahahalagang Pangyayari:

  • US ISM Manufacturing PMI 17:00 (GMT+3) Miyerkules, Mayo 1
  • US Desisyon sa Interest Rate 21:00 (GMT+3) Miyerkules, Mayo 1
  • US Nonfarm Payroll 15:30 (GMT+3) Biyernes, Mayo 3

Inaabangan ang Pulong ng Federal Reserve: Sa nakatakdang pulong ng Federal Reserve sa Martes at Miyerkules, nakatutok ang lahat sa anumang senyales tungkol sa magiging pamamalakad nito sa hinaharap. Binibigyang atensyon kung paano pinaplano ng Fed na tugunan ang patuloy na tindi ng inflation sa gitna ng senyales ng bumabagal na paglago ng ekonomiya. Pwedeng maging kritikal ang pulong na ito sa pagtukoy ng direksyon ng market sa mga nalalapit na linggo.

Datos sa Ekonomiya ng US: Nakatutok naman ang lahat dahil ilalabas sa Biyernes ang ulat sa Nonfarm Payroll ngayong Abril. Makakapagbigay ito ng mas malalim na pananaw sa lakas ng labor market pagkatapos ng mga nadagdag na trabaho nitong Marso na mas mataas sa inaasahan. Bukod dito, ilalabas din sa linggong ito ang ISM manufacturing at non-manufacturing PMIs, ang consumer confidence index, JOLTS job openings, at ang ADP employment survey, na makakapagbigay pa ng pananaw tungkol sa katayuan ng ekonomiya ng US.

Nagpapatuloy ang Earnings Season: Nakatakdang ilabas ng Amazon at Apple ang kanilang ulat sa kita, kung saan inaasahang magkakaroon ng matinding paglago ang Amazon, habang may pag-aalala naman sa Apple dahil sa mas mababang demand sa China. Inaasahan na magtala ng malaking pagtaas ang kita ng Amazon, habang inaasahan naman ng Apple na bababa ang parehong benta at kita nito.

GDP at CPI sa Eurozone: May mga kritikal na update ngayong Martes tulad ng pangunang Q1 GDP at CPI ngayong Abril. Inaasahang lumago ang Eurozone ng 0.2% ngayong Q1 habang inaasahan namang mananatili ang inflation sa 2.4% ngayong Abril. Makakaimpluwensya ito nang husto sa desisyon ng ECB tungkol sa bilis at takbo ng mga rate cut sa hinaharap, kung saan inaasahan ng mga nasa market na pwedeng magkaroon ng cut ng ‘sing aga ng Hunyo.

Ngayong linggo, masusing susubaybayan ng mga market ang mga sumusunod na datos sa ekonomiya at ulat sa kita tulad ng:

Lunes:

  • EU Sentimyento sa Ekonomiya ngayong Abril
  • DE Pangunang Inflation Rate ngayong Abril
  • US Dallas Fed Manufacturing Index ngayong Abril

Martes:

  • JP Unemployment Rate nitong Marso
  • CN Caixin Manufacturing PMI ngayong Abril
  • EU GDP Growth Rate QoQ Flash Q1
  • EU Inflation Rate YoY Flash ngayong Abril
  • CA Pangunang GDP MoM nitong Marso
  • US CB Consumer Confidence ngayong Abril
  • Ulat sa Kita:
    • Amazon.com, Inc.
    • Eli Lilly and Company
    • The Coca-Cola Company.
    • Advanced Micro Devices, Inc.
    • McDonald’s Corporation

Miyerkules:

  • GB Panghuling S&P Global Manufacturing PMI ngayong Abril 
  • US ADP Employment Change ngayong Abril
  • US Panghuling S&P Global Manufacturing PMI ngayong Abril 
  • US ISM Manufacturing PMI ngayong Abril
  • US JOLTs Job Openings nitong Marso  
  • US Desisyon sa Interest Rate ng Fed
  • Ulat sa Kita:
    • Mastercard Incorporated
    • QUALCOMM Incorporated
    • Pfizer Inc.

Huwebes:

  • JP Minutes ng Pulong ng BoJ sa Pananalapi
  • CH Inflation Rate MoM ngayong Abril
  • EU Panghuling HCOB Manufacturing PMI ngayong Abril
  • US Factory Orders MoM nitong Marso
  • Ulat sa Kita:
    • Apple Inc.
    • Novo Nordisk A/S

Biyernes:

  • GB Panghuling S&P Global Services PMI ngayong Abril
  • EU Unemployment Rate nitong Marso
  • US Nonfarm Payroll ngayong Abril
  • CA S&P Global Composite PMI ngayong Abril
  • US ISM Services PMI ngayong Abril
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.