Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Sa Linggong Ito – Tinututukan ng Lahat ang Datos sa Inflation
25 June 2024 | FXGT.com

Sa Linggong Ito – Tinututukan ng Lahat ang Datos sa Inflation

Mga Nalalapit na Mahahalagang Pangyayari: 

  • US Durable Goods Orders 15:30 (GMT+3) Huwebes, Hunyo 27  
  • US Panghuling GDP Growth Rate Q1 15:30 (GMT+3) Huwebes, Hunyo 27  
  • US PCE Price Index 15:30 (GMT+3) Biyernes, Hunyo 28  

Datos sa PCE Inflation sa US: Maaaring maging mahalaga ang datos sa US ngayong linggo, dahil magkaiba ang inaasahan ng market kumpara sa maingat na kilos ng Fed, kung saan sa Disyembre pa ang tinataya nitong rate cut. Ang ilalabas na PCE inflation report sa US ngayong Biyernes at panghuling Q1 GDP sa Huwebes ang huhubog sa pananaw ng market at makakaimpluwensya sa desisyon ng Federal Reserve. Kapag mas mahina ang datos sa PCE, tataas ang pag-asang magkaroon ng rate cuts, habang kung mas malakas ito, pwedeng tumaas ang US dollar at bumaba ang tyansa na magpatupad ng rate cut.

Tinututukan ang Datos sa CPI sa Canada: Kritikal ang ilalabas na datos sa CPI ng Canada sa Martes, pagkatapos ng ipinatupad na rate cut ng BoC kamakailan. Kung patuloy na hihina ang inflation, pwedeng tumaas ang pag-asang magkaroon pa ng rate cuts, na potensyal na magpapahina sa Canadian dollar. Sa Hulyo 24 ang susunod na desisyon ng BoC tungkol sa interest rate, kung saan tinataya ng market na magkakaroon ng 60% tyansa na magpatupad ng isa pang rate cut.

Ulat sa Inflation sa Australia: Mahalaga ang ilalabas sa Miyerkules na buwanang ulat sa CPI sa Australia para masuri ang susunod na galaw ng Reserve Bank of Australia. Kapag tumaas ang inflation tungo sa limang-buwang high, maaari nitong palakasin ang Australian dollar at impluwensyahan ang pagkakaroon ng rate hikes sa hinaharap.

Ulat sa Kita ng Micron at Nike: Kabilang sa mahahalagang anunsyo sa susunod na linggo ay ang kita ng Micron Technology sa Miyerkules at ng Nike sa Huwebes. Ang kita ng Micron ay makakapagbigay ng pananaw tungkol sa demand para sa mga kumpuni ng AI, habang ang kita ng Nike ay magpapamulat tungkol sa lakas ng konsyumer sa US at China. Ang parehong ulat ay inaasahang makakaapekto nang husto sa galaw ng kani-kanilang stocks.

Ngayong linggo, masusing susubaybayan ng mga market ang mga sumusunod na datos sa ekonomiya at ulat sa kita tulad ng:

Martes:

  • CA Inflation Rate nitong Mayo
  • Ulat sa Kita:
    • FedEx Corporation
    • Carnival Corporation & plc

Miyerkules:

  • AU Buwanang CPI Indicator nitong Mayo
  • DE GfK Consumer Confidence sa Hulyo
  • US Bagong Bentahan ng Bahay nitong Mayo
  • Ulat sa Kita:
    • Micron Technology, Inc.
    • Paychex, Inc.
    • General Mills, Inc.

Huwebes:

  • JP Retail Sales nitong Mayo
  • US Durable Goods Orders nitong Mayo
  • US Panghuling GDP Growth Rate nitong Q1
  • Ulat sa Kita:
    • NIKE, Inc.
    • McCormick & Company, Inc.

Biyernes:

  • JP Tokyo CPI ngayong Hunyo
  • GB Panghuling GDP Growth Rate sa Q1
  • CA GDP noong Abril
  • US Core PCE Price Index nitong Mayo
  • US Personal na Kita nitong Mayo
  • US Personal na Gastusin nitong Mayo
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.