Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Sa Linggong Ito – Tututukan ng Lahat ang Datos sa Trabaho
2 Abril 2024 | FXGT.com

Sa Linggong Ito – Tututukan ng Lahat ang Datos sa Trabaho

Mga Papalapit na Mahalagang Pangyayari:

  • EU Flash Inflation Rate 12:00 (GMT+3) Miyerkules, Abril 3
  • US ISM Services PMI 17:00 (GMT+3) Miyerkules, Abril 3
  • US Non-Farm Payrolls 15:30 (GMT+3) Biyernes, Abril 5

Pagtuon sa Datos Tungkol sa Trabaho: Nakasentro ang atensyon ng market sa datos tungkol sa trabaho, kung saan iniuugnay ang iba’t-ibang mahahalagang ulat tungkol sa labor market. Magsisimula ang linggo sa Job Openings and Labor Turnover Survey (JOLTS) sa Martes, na susundan sa Miyerkules ng ulat ng ADP tungkol sa mga pribadong trabaho nitong Marso. Ang highlight ng linggo ay ang ang datos ng US sa Non-Farm Payroll na ilalabas sa Biyernes, kung saan inaasahan ng mga ekonomista ang dagdag na 200K trabaho nitong Marso, na bumaba mula sa 275K noong Pebrero.

Pahayag ng mga Opisyal ng Fed: Ngayong linggo aabangan din ang pahayag ng iba’t-ibang opisyal ng Federal Reserve, kabilang ang Chair na si Jerome Powell. Lubhang inaabangan ang mga pananaw nila tungkol sa mga pahiwatig sa magiging rate ng Fed pati na ang paggalaw ng ekonomiya.

Datos sa Inflation sa Eurozone: Ilalabas sa Miyerkules ang flash inflation figures nitong Marso sa Eurozone. Kailangang bumaba ang mataas na inflation bago pag-isipan ng European Central Bank (ECB) na magkaroon ng rate cut ngayong tag-init. Mahalaga ang ulat na ito para sa magiging kilos ng ECB sa hinaharap pati na sa aasahan ng market.

Pagsubaybay sa Panghihimasok sa Currency: Patuloy na nakaalerto ang mga awtoridad sa Japan habang bumababa ang yen sa kritikal na lebel. Binigyang-diin ng Japanese Prime Minister na si Fumio Kishida na handa ang gobyerno na solusyunan ang napakatinding pagtaas-baba sa currency market, at binanggit niya ang pagtutok ng pamahalaan sa masusing pagsubaybay sa takbo ng yen.

Ngayong linggo, masususing susubaybayan ng market ang mga sumusunod na datos sa ekonomiya at ulat sa kita tulad ng:

Lunes:

  • Tankan Large Manufacturers Index ngayong Q1 sa JP
  • ISM Manufacturing PMI nitong Marso sa US
  • Mga Ulat sa Kita:
    • PVH Corp.

Martes:

  • Minutes ng Pulong ng RBA sa AU
  • Pangunang inflation rate nitong Marso sa DE kumpara sa nakaraang taon
  • Mga bagong trabaho nitong Pebrero ayon sa JOLTs sa US
  • Mga order sa pabrika nitong Pebrero sa US kumpara noong nakaraang buwan
  • Mga Ulat sa Kita:
    • Paychex, Inc.

Miyerkules:

  • Flash inflation rate nitong Marso sa EU kumpara noong nakaraang buwan
  • Rate ng walang trabaho nitong Pebrero sa EU
  • Pagbabago sa trabaho nitong Marso sa US ayon sa ADP
  • ISM Services PMI nitong Marso sa US
  • Ministerial na pulong ng OPEC at non-OPEC
  • Mga Ulat sa Kita:
    • Acuity Brands, Inc.

Huwebes:

  • Panghuling HCOB Services PMI sa EU nitong Marso
  • Panghuling  S&P Global Services PMI sa GB nitong Marso
  • Mga Kita sa Ulat:
    • Lamb Weston Holdings, Inc.
    • RPM International Inc.
    • Conagra Brands, Inc.

Biyernes:

  • Retail Sales nitong Pebrero sa EU kumpara noong nakaraang buwan         
  • Rate ng walang trabaho nitong Marso sa CA    
  • Non-Farm Payrolls nitong Marso sa US
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.