Habang paparating tayo sa linggo na tatakbo mula Hulyo 29 hanggang Agosto 2, 2024, may iba’t-ibang mahahalagang kaganapan sa ekonomiya na nakatakdang mangyari. Mahalaga ang mga ‘to para sa mga trader at investor dahil sa potensyal nito na magdulot ng matinding pagtaas-baba sa market at magiging epekto sa pagdedesisyon kapag nagti-trade.
Mga Kaganapan sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Martes 05:30 (GMT+0) – France: GDP QoQ (EUR)
Martes 06:00 (GMT+0) – Germany: GDP QoQ (EUR)
Martes 09:00 (GMT+0) – Europa: GDP QoQ (EUR)
Martes 14:00 (GMT+0) – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Martes 14:00 (GMT+0) – USA: CB Consumer Confidence Index (USD)
Miyerkules 01:00 (GMT+0) – China: Manufacturing PMI (CNY)
Miyerkules 01:00 (GMT+0) – China: Non-Manufacturing PMI (CNY)
Miyerkules 01:00 (GMT+0) – China: Composite PMI (CNY)
Miyerkules 01:30 (GMT+0) – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Mierykules 02:30 (GMT+0) – Japan: Desisyon sa Interest Rate ng BoJ
Miyerkules 06:30 (GMT+0) – Japan: Press Conference ng BoJ (JPY)
Miyerkules 12:15 (GMT+0) – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Miyerkules 12:30 (GMT+0) – Canada: GDP YoY (CAD)
Miyerkules 14:00 (GMT+0) – USA: Nakabinbin na Bentahan ng mga Bahay MoM (USD)
Miyerkules 18:00 (GMT+0) – USA: Desisyon sa Interest Rate ng Fed (USD)
Miyerkules 18:30 (GMT+0) – USA: Press Conference ng FOMC (USD)
Huwebes 11:00 (GMT+0) – UK: Desisyon sa Interest Rate ng BoE (GBP)
Huwebes 14:00 AM (GMT+0) – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Biyernes 12:30 AM (GMT+0) – USA: Nonfarm Payrolls (USD)
Martes, Hulyo 30
05:30 AM – France: GDP QoQ (EUR)
Kinakatawan ng Gross Domestic Product (GDP) ang pangkabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa France sa loob ng isang nakatakdang panahon, na karaniwang inuulat sa naka-annualize na anyo. Isa ‘tong mahalagang tagapaghiwatig sa takbo ng ekonomiya at nakakatulong para pag-aralan ang pangkabuuang kalusugan at direksyon ng ekonomiya.
Sa pinakabagong ulat sa GDP na inalabas noong Abril 2024, makikita na bahagyang tumaas ang growth rate sa unang quarter ng 2024. Sa partikular, tumaas ang GDP ng 0.2% sa unang quarter ng 2024, na mas malaki kumpara sa 0.1% na naitala noong ikaapat na quarter ng 2023.
Inaabangan ng mga analyst na hindi ito magbabago sa paparating na linggo, kung saan inaasahan din ang humigit-kumulang na paglago na 0.2%. Kaya lang, maaaring halos wala itong magiging epekto sa euro.
06:00 AM – Germany: GDP QoQ (EUR)
Noong Abril 2024, makikita sa pinakabagong ulat na may bahagyang pagtaas na 0.2% sa growth rate noong unang quarter, kumpara sa -0.5% noong huling quarter ng 2023.
Hindi maganda ang pagtingin ng mga ekonomista, kung saan inaasahan nila ang pagtaas na 0.1% kumpara sa 0.2% noong nakaraang quarter.
09:00 AM – Europa: GDP QoQ (EUR)
Sa pinakabagong ulat sa GDP na inalabas noong Abril 2024, makikita na tumaas ang growth rate sa unang quarter ng 2024. Sa partikular, tumaas ang GDP ng 0.3% nitong unang quarter ng 2024, na mas maganda kumpara sa -0.1% na pagbaba na naitala noong ikaapat na quarter ng 2023.
Inaabangan ng mga analyst ang makukumparang pagbagal sa nalalapit na linggo, kung saan inaasahan ‘tong tataas ng humigit-kumulang 0.2%. Kaya lang, maaaring halos wala itong magiging epekto sa euro.
14:00 – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Ang Job Openings and Labor Turnover Survey (JOLTS) ay isang mahalagang ulat buwan-buwan na nagbibigay ng datos tungkol sa mga job opening, mga natanggap sa trabaho, at pag-alis sa iba’t-ibang sektor ng ekonomiya. Mahalaga ang survey na ‘to bilang tagapaghiwatig sa takbo ng labor market, dahil nakakapagbigay ito ng pananaw tungkol sa mga trend sa trabaho, demand sa labor, at pangkalahatang kalusugan ng job market. Kadalasang maganda para sa US dollar ang mas maraming job openings.
Sa pinakabagong ulat na inilabas noong Hulyo 2, isinaad ng US Bureau of Labor Statistics na may 8.14M job openings noong huling araw ng negosyo sa buwan ng Mayo. Halos hindi nagbago ang bilang ng mga natanggap sa trabaho at mga umalis dito, na 5.8M at 5.4M, ayon sa pagkakabanggit. Nakaranas ng matinding pagtaas-baba ang EURUSD sa araw na iyon, kung saan nag-close ito nang mas mataas ng 0.05%.
Ngayong linggo, inaasahan ng mga analyst ang 7.979M na openings, na mas mababa nang kaunti kumpara sa nakaraang buwan.
14:00 – USA: CB Consumer Confidence Index (USD)
Ang CB Consumer Confidence Index ay isang mahalagang indicator sa US market na nagpapahiwatig sa kumpiyansa sa ekonomiya, gamit ang survey buwan-buwan. Pinag-aaralan ng survey ang pananaw ng mga konsyumer tungkol sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya at ang inaasahan nila sa susunod na anim na buwan, kabilang ang kondisyon ng negosyo, trabaho, at kita. Pwedeng magbigay ng positibong epekto sa US dollar ang paglago ng index na mas mataas sa inaasahan.
Nitong Hunyo, bumaba ang Consumer Confidence Index mula 100.4 patungong 101.3, habang ang Present Situation Index ay tumaas mula 140.8 patungong 141.5. Sa kabilang banda, bumaba naman ang Expectations Index mula 74.9 noong Mayo papuntang 73.0, at nasa ilalim na ito ng 80 sa nakaraang limang buwan, na karaniwang nagpapahiwatig ng papalapit na recession.
Maganda ang pagtingin ng mga analyst tungkol sa nalalapit na survey. Inaasahan nila na tataas patungong 108.00 ang Consumer Confidence Index, na pwedeng positibong makaapekto sa US dollar.
Miyerkules, Hulyo 31
01:00 AM – China: Manufacturing PMI (CNY)
Ang inilalabas buwan-buwan na China Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ay makakapagbigay ng maagang tagapaghiwatig sa aktibidad sa sektor ng manufacturing sa China. Batay ito sa tugon ng 3,000 kumpanya ng manufacturing sa buong bansa.
Kapag mas mataas sa 50.0 ang PMI, pwedeng tumaas ang kumpiyansa ng mga investor sa buong mundo pati ang presyo ng mga commodity, habang ang PMI na mas mababa sa 50.0 ay pwedeng magdulot ng pag-aalala tungkol sa pagbaliktad ng ekonomiya sa buong mundo.
Hindi nagbago sa 49.5 ang Manufacturing PMI ng China nitong Hunyo, na nagpapahiwatig ng patuloy na pagbagal sa naturang sektor. Tumugon ang mga manufacturer sa mahinang demand sa pamamagitan ng pagbabawas ng presyo, kaya bumaba ang ex-factory prices index patungong 47.9.
Inaasahan ng mga ekonomista na nasa 50.5 ang ilalabas na Consumer Confidence Index ngayong linggo, na mas mataas nang kaunti kumpara sa mabagal na 49.5 noong nakaraang buwan. Ang mahinang datos ay pwedeng makaapeto sa halaga ng pera at demand sa mga commodity.
13:30 – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Ang Retail Sales, na inilalabas buwan-buwan, ay tumutukoy sa porsyento ng pagbabago ng kabuuang halaga ng retail sales sa Australia mula sa isang buwan papunta sa susunod. Sinasalamin nito ang mga pattern sa paggastos ng mga konsyumer at isa itong mahalagang panukat sa kalusugan ng ekonomiya, dahil ang mas mataas na retail sales ay nagpapahiwatig ng mas malakas na demand ng konsyumer at aktibidad sa ekonomiya.
Noong Hulyo 3, makikita sa pinakabagong ulat sa Retail Sales ng Australia na tumaas ito ng 0.6% noong Mayo 2024, na higit sa inaasahan ng market. Ang mas malakas na paggastos ng mga konsyumer ay nakita sa 0.5% na pagtaas ng AUDUSD kumpara sa nakaraang araw.
02:30 AM – Japan: Desisyon sa Interest Rate ng BoJ (JPY)
Bagamat sumang-ayon ang board ng BoJ na kailangang taasan ang interest rates sa nalalapit na panahon, hindi pa sila nagkakasundo sa magiging tiyempo nito.
Ayon sa nakaraang survey ng Bloomberg, sa pulong nito sa Hulyo 31, may 30% tyansa na magpatupad ng interest rate hike ang Bank of Japan mula sa kasalukuyang rate nito na 0 hanggang 0.1%. Kaya lang, ang nakaraang pagtaas sa halaga ng Japanese yen ay dahil sa mga inaabangan ng market bago idaos ang pulong ng BoJ.
12:15 PM – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Ang ADP Nonfarm Employment Change ay isang buwanang tagapaghiwatig ng ekonomiya na sumusukat sa pagbabago sa bilang ng mga taong may trabaho sa pribadong sektor ng US. Hindi kasama dito ang industriya ng agrikultura at trabaho sa gobyerno, kaya nagbibigay ito ng maagang tantya tungkol sa takbo ng mga trabaho.
Pwedeng positibong makaapekto sa US dollar ang malakas na datos na mas mataas kumpara sa forecast ng mga analyst.
Sa pinakabagong ADP Nonfarm Employment Change noong Hulyo 3, makikita na 150K ang numero nito, na lagpas sa inaasahan ng mga analyst pero mas mababa kumpara sa 152K noong nakaraang buwan.
Sa nalalapit na datos na ilalabas sa Hulyo 31, lumalabas na hindi maganda ang pagtingin ng mga ekonomista dahil sa tantya na 77K na bagong pribadong trabaho.
12:30 PM – Canada: GDP MoM (CAD)
Ang MoM GDP ng Canada ay tumutukoy sa porsyento ng pagbabago sa Gross Domestic Product ng Canada mula sa isang buwan papunta sa susunod. Sinusukat nito ang pangkalahatang output sa ekonomiya at kalusugan ng bansa, na sumasalamin sa halaga ng mga nagawang produkto at serbisyo. Ang positibong pagbaba ay nagpapahiwatig ng paglago ng ekonomiya, habang ang negatibong pagbabago ay sumesenyas sa pag-urong nito.
Nitong Hunyo 28, lumagpas ng 0.3% ang Gross Domestic Product noong nakaraang buwan pati sa hula ng mga ekonomista. Gayundin, bumaba ang USDCAD ng 0.17% kumpara noong nakaraang araw.
Para sa Hulyo 2024, inaasahan ang katamtamang paglago na 0.2%.
14:00 – USA: Nakabinbin na Bentahan ng mga Bahay MoM (USD)
Ang Nakabinbin na Bentahan ng mga Bahay ay isang tagapaghiwatig ng ekonomiya buwan-buwan na sumusukat sa bilang ng mga residensyal na ari-arian na may kontrata pero hindi pa nabebenta, na hindi kasama ang mga bagong naitayong bahay. Sumasalamin ito sa kalusugan ng housing market at hinuhulaan nito ang makukumpletong bentahan ng mga bahay sa hinaharap.
Kapag tumaas ang numerong ito, nagpapahiwatig na tumataas ang demand at lakas ng ekonomiya, habang ang pagbaba naman nito ay pwedeng sumenyas ng pagbagal sa housing market. Itinuturing itong nangungunang tagapaghiwatig sa housing na kalimitang humahantong sa Bentahan ng mga Naitayong Bahay pagkatapos ng isa o dalawang buwan.
Noong Mayo, sa pinakabagong datos sa Nakabinbin na Bentahan ng mga Bagong Bahay, makikita na bumaba ito ng 2.1%. Nakaranas ang Midwest at South ng pagbaba sa transaksyon buwan-buwan, habang lumago naman ang sa Northeast at West. Kung ikukumpara, nakaranas ang lahat ng rehiyon sa US ng pagbaba YoY. Gayundin, sa naturang araw, tumaas ng 0.22% ang EURUSD kumpara sa nakaraang taon.
18:00 – USA: Desisyon ng Fed sa Interest Rate (USD)
Lubhang inaasahan na hindi magbabago ang kasalukuyang rate ng US Federal Reserve, na nakatakdang pagdesisyunan sa Hulyo 31, 2024. Inaasahan ng mga analyst at futures market na pananatilihin ng Fed ang federal funds rate sa kasalukuyang saklaw na 5.25% hanggang 5.50%, dahil kailangan pa ng matibay na ebidensya na papunta na ang inflation patungo sa target na 2%.
Huwebes, Agosto 1
11:00 – UK: Desisyon sa Interest Rate ng BoE (GBP)
Inaasahang pananatilihin ng Bank of England ang kasalukuyan nitong interest rate na 5.25% sa susunod nitong pulong sa Agosto 1, 2024, sa kabila ng haka-haka na magpapatupad ito ng rate cuts sa katapusan ng taon. Ang pangunahing dahilan para sa espekulasyong ito ay ang patuloy na inflation at malakas na paglago ng ekonomiya, na nagpapahiwatig na patuloy na magiging maingat ang bangko para masigurado na nakokontrol ang inflation bago magpatupad ng anumang pagbabawas sa rate.
Bumagal patungong 2% ang headline inflation rate noong Mayo at hindi ito nagbago nitong Hunyo. Kaya lang, nasa 3.5% ang core inflation at ang services inflation ay nasa 5.7%. Mahigit-kumulang 80% ang naitutulong ng sektor ng mga serbisyo sa pangkabuuang ekonomiya ng UK. Malaki ang pangamba dahil sa patuloy na mataas na porsyento nito.
14:00 – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Ang Purchasing Managers’ Index (PMI) ay isang indicator na inilalabas buwan-buwan, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kondisyon ng negosyo sa sektor ng manufacturing. Ang PMI na mas mataas sa 50 ay nagpapakita ng paglago kumpara sa nakaraang buwan, habang ang PMI na mas mababa sa 50 ay nangangahulugan ng pag-urong nito.
Noong Hulyo 1, 2024, bumagsak ang US Manufacturing PMI patungong 48.5 mula sa inaasahang 49.2, na sumesenyas ng humihinang kondisyon ng ekonomiya sa sektor ng manufacturing. Nagbukas ito ng daan para sa mas matinding pagtaas-baba sa EUR/USD.
Inaasahan ng mga ekonomista ang PMI na 49.4 sa ulat na ilalabas ngayong linggo, na sumasalamin sa magandang pagtingin kumpara sa PMI noong nakaraang buwan.
Biyernes, Agosto 2
12:30 PM – USA: Nonfarm Payrolls (USD)
Ang US Nonfarm Payrolls ay isang mahalagang tagapaghiwatig sa ekonomiya na sumusukat sa pagbabago sa bilang ng mga binayarang empleyado sa US, na hindi kasama ang mga nagtatrabaho sa bukid, empleyado sa pribadong bahay, at empleyado ng mga nonprofit na organisasyon. Inilalabas buwan-buwan ng Bureau of Labor Statistics, nakakapagbigay ang ulat na ‘to ng pananaw tungkol sa pangkalahatang sitwasyon ng mga trabaho, at patuloy itong sinusubaybayan ng mga ekonomista, tagapangasiwa, at mga namumuhunan. Kapag tumaas ang Nonfarm Payrolls, nagpapahiwatig ito ng paglago ng mga trabaho at ekonomiya, habang ang pagbaba nito ay nagpapahiwatig ng humihinang ekonomiya.
Noong Hulyo 5, makikta na tumaas ng 206,000 noong Hunyo ang kabuuang Nonfarm Payrolls kumpara sa 218,000 noong Mayo. Bahagyang nagbago ang unemployment rate sa 4.1% kumpara sa 4.0% noong Mayo. Nakita ang mga bagong trabaho sa sektor ng pamahalaan, kalusugan, social welfare, at konstruksyon.
Ayon sa forecast ng mga analyst, inaasahang magdadagdag ng 241K na bagong trabaho ang ilalabas na Nonfarm Payrolls.
Kita ng mga Kumpanya (Hulyo 29 – Agosto 2)
Lunes, Hulyo 29: MCD (McDonald’s Corporation)
Martes, Hulyo 30: MRK (Merck & Co. Inc.)
Martes, Hulyo 30: BP (BP plc)
Martes, Hulyo 30: PFE (Pfizer Inc.)
Martes, Hulyo 30: SBUX (Starbucks Corporation)
Miyerkules, Hulyo 31: META (Meta Platforms Inc.)
Huwebes, Agosto 1: AAPL (Apple Inc.)
Huwebes, Agosto 1: AMZN (Amazon.com Inc.)
Huwebes, Agosto 1: INTC (Intel Corporation)
Huwebes, Agosto 1: SNAP (Snap Inc.)
Biyernes, Agosto 2: XOM (Exxon Mobil Corporation)