Sa linggong ito ng Agosto 5 hanggang Agosto 9, 2024, ilang mahalagang pangyayari sa ekonomiya ang nakatakdang mangyari. Meron malaking kahalagahan ang mga kaganapang ito sa mga trader at investor dahil sa potensyal nito magdulot ng matinding pagtaas-baba sa market at makakapekto sa pagdedesiyon kapag nagti-trade.
Lunes 14:00 (GMT+0) – USA: ISM Non-Manufacturing PMI (USD)
Martes 05:30 am (GMT+0) – Australia: Desisyon sa Interest Rate ng RBA (AUD)
Martes 09:00 (GMT+0) – Europe: Retail Sales MoM (EUR)
Martes 22:45 (GMT+0) – New Zealand: Employment Change QoQ (NZD)
Miyerkules 14:00 (GMT+0) – Canada: Ivey PMI (CAD)
Biyernes 12:30 (GMT+0) -Canada: Employment Change (CAD)
ISM Non-Manufacturing PMI (USD)
Ang US ISM Non-Manufacturing PMI ay isang mahalagang indicator sa ekonomiya na sumusukat sa aktibidad ng negosyo sa sektor ng non-manufacturing. Ito ay batay sa survey ng mga executive ng pagbili at supply at kasama ang mga sukatan tulad ng aktibidad ng negosyo, mga bagong order, trabaho, at mga paghahatid ng taga-supply. Ang reading na mas mataas sa 50 ay nagpapahiwatig ng expansion, habang ang mas mababa sa 50 ay nagpapahiwatig ng contraction. Ang index na ito ay nagbibigay ng mga insight sa pang-ekonomiyang kalusugan at mga uso sa loob ng sektor ng serbisyo sa ekonomiya ng US.
Noong Hunyo 2024, ang ISM Services PMI sa US ay bumagsak sa 48.8, ang pinakamatinding pag-urong mula ng Abril 2020, at mas mababa sa mga pagtataya sa merkado ng 52.5. Ang mga sumagot ng survey ay nag-ulat sa pangkalahatan ay flat o bumababa na negosyo, na may ilang commodities ng nagmamhal pa rin sa kabila ng pagkagaan ng inflation. Ang pangunahing dahilan sa mabagal na paghatid ng mga supplier ay dahil sa mga hamon sa transportasyon.
Ang mga analyst ay mag pag-asa sa paparating na survey. Inaasahan nila ang pagtaas ng 51.3, na maaring positibong makaapekto sa dolyar ng US.
Desisyon sa Interest Rate ng RBA (AUD)
Noong Hunyo 18, 2024, pinatili ng Reserve Bank Board ang cash rate sa 4.35% at ang interest rate sa Exchange Settlement balances sa 4.25%. Ang inflation ay nananatiling higit sa target, kahit na ito ay bumagsak mula noong pinakamataas sa 2022. Ang pang-ekonomiyang pananaw ay hindi tiyak, meron mabagal na GDP growth, tumataas na kawalang ng trabaho, at patuloy na panggigipit sa gastos. Nilalayon ng Board na ibalik ang inflation sa 2-3% na target sa huling bahagi ng 2025 ngunit kinikilala na ang mga potensyal ng risks at uncertainties, kabilang ang mga pandaigdigang kondisyon sa ekonomiya at geopolitical tensions. Ang Board ay nakatuon sa pagsubaybay sa datos at pagadjust ng mga patakaran kung kinakailangan upang makamit ang target ng inflation na ito.
Lumilitaw na sumasang-ayon ang mga analyst na papanatilihin ng RBA na hindi magbabago ang cash rate sa linggong ito.
Retail Sales MoM (EUR)
Ang European retail sales, gaya ng iniulat ng Eurostat, ay sinusukat sa total sales at volume ng produkto at serbisyo sa konsumer sa retail sektor sa mga bansang miyembro ng EU. Isinasaayos ang data na ito para sa mga pagbabago sa season at kalendaryo upang magbigay ng tama na larawan ng demand ng konsumer at aktibidad ng ekonomiya sa loob ng rehiyon.
Noong Mayo 2024, tumaas ng 0.1% ang retail trade sa rehiyon ng euro at EU kumpara noong Abril 2024. Ang annual retail trade ay tumaas ng 0.3% sa euro area at 0.6% sa EU. Buwan-buwan, umaas ang benta ng pagkain, inumin, at tobacco, habang bumaba ang benta ng produktong non-food.
Inaasahan ng mga ekonomista at investor na may contraction na 0.2% ang mga benta.
Employment Change QoQ (NZD)
Sinusukat ng quarterly employment change indicator ng New Zealand, na inilabas ng Statistics New Zealand, ang porsyento ng pagbabago sa bilang ng mga tao na may trabaho sa loob ng bansa kumpara sa nakaraang quarter. Ang isang reading lumampas sa mga inaasahan ay dapat tingnan bilang isang positibo/bullish na senyales para sa New Zealand Dollar, samantalang ang isang reading na mas mababa sa mga inaasahan ay dapat makita bilang isang negatibo/bearish indikasyon para sa NZD.
Sa nakaraang quarter, ang employment at bumagsak ng 0.2%, hindi nakamit ang estimate ng pagtaas na 0.3%, habang ang wage inflation ay bumagal para sa ikaapat na sunod na quarter.
Mga analyst ay nag-forecast ng 0.3% na pagbaba sa employment para sa dalawang magkasunod na negatibong quarter, kasunod ng nakaraang pagbaba.
Ivey PMI (CAD)
Ang Ivey Purchasing Managers Index (PMI), na inihanda ng Ivey Business School, ay sinusukat sa buwanang pagbabago sa aktibidad ng ekonomiya sa lahat ng sektor sa Canada batay sa data mula sa mga purchasing managers. Ang index ay isang mahalangang tool para sa paghula ng Canadian macroeconomic trend, gaya ng nakadetalye sa White Paper “The Predictive Value of the Ivey PMI for Monthly Canadian GDP.”
Ayon sa paglabas ng Hunyo release ng Ivey Purchasing Manager’s Index, ang index para sa Hunyo ay 62.5, na nagpapahiwatig ng pagtaas ng mga pagbili kumpara sa nakaraang buwan.
Inaasahan ng mga analyst at investor na ang Ivey Purchasing Managers’ Index ng Hulyo ay maaaring bumaba sa 56.6 Ang reading na ito na higit sa 50.0 ay nagpapahiwatig ng expansion ng industriya, na pabor para sa Canadian Dollar. Sa kabaligtaran, ang reading na mas mababa sa 50.0 ay nagpapahiwatig ng contraction, na maaring negatibong makaapekto sa Loonie.
Employment Change (CAD)
Noong Hunyo, ang employment ay nagpakita ng katatagan, meron marginal na pagbaba ng 1,400 trabaho. Bukod dito, ang employment rate ay nakaranas ng 0.2 porsyento na pagbawas na punto, na umayos sa 61.1%.
Sa kabaligtaran, any unemployment rate at nakakita ng pagtaas ng 0.2 percentage points, na umabot sa 6.4% noong Hunyo. Kapansin-pansin, ito ay kumakatawan sa isang pinagsama-samang surge ng 1.3 percentage points mula noong Abril 2023.
Mukhang may pag-asa ang mga eokonomista tungkol sa pagdaragdag ng 18.2K na bagong trabaho sa Hulyo.
Martes, Agosto 6: DEV (Devon Energy Corp.)
Martes, Agosto 6: CAT (Caterpillar Inc.)
Miyerkules, Agosto 7: DIS (The Walt Disney Company)
Miyerkules, Agosto 7: CCEP (Coca-Cola European Partners PLC)