Ang linggo na tatakbo ngayong Agosto 19–23 ay punong-puno ng mahahalagang pangyayari sa ekonomiya na dapat pagtuunan ng pansin ng mga trader at investor. Pwede nitong pagalawin ang market at impluwensyahan nang husto ang mga desisyon at istratehiya sa pag-trade.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Malaking Epekto
Martes 12:30 PM (GMT+0) – Canada: CPI MoM (CAD)
Miyerkules 14:30 (GMT+0) – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Huwebes 07:15 AM (GMT+0) – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 07:15 AM (GMT+0) – France: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 07:30 AM (GMT+0) – Germany: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Huwebes 07:30 AM (GMT+0) – Germany: Flash Services PMI (EUR)
Huwebes 08:30 AM (GMT+0) – UK: Flash Manufacturing PMI (GBP)
Huwebes 08:30 AM (GMT+0) – UK: Flash Services PMI (GBP)
Huwebes 12:30 PM (GMT+0) – USA: Unemployment Claims (USD)
Huwebes 13:45 (GMT+0) – USA: Flash Manufacturing PMI (USD)
Huwebes 13:45 (GMT+0) – USA: Flash Services PMI (USD)
Huwebes 14:00 (GMT+0) – USA: Bentahan ng mga Naitayong Bahay (USD)
Huwebes 22:45 (GMT+0) – New Zealand: Retail Sales QoQ (NZD)
Biyernes 12:30 PM (GMT+0) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Biyernes 14:00 (GMT+0) – USA: Bentahan ng mga Bagong Bahay (USD)
12:30 PM – Canada: CPI MoM (CAD)
Sinusubaybayan ng Consumer Price Index (CPI) ang pagtaas-baba ng mga presyo sa Canada sa pamamagitan ng pagsunod buwan-buwan sa presyo ng nakapirming grupo ng mga produkto at serbisyo sa walong magkakaibang kategorya. Isa itong kritikal na panukat ng inflation, na nagpapahiwatig ng pagtaas-baba sa presyo ng pamumuhay ng mga taga-Canada.
Nitong Hunyo, bumaba ang CPI ng 0.1%, na hindi tugma sa inaasahan ng mga ekonomista na tataas ito ng 0.1% pagkatapos itong tumaas ng 0.6% noong Mayo.
Bukod dito, inaasahan ang 1.7% na pagtaas sa kasalukuyang buwan kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
14:30 – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 9, 2024, bahagyang tumaas ang input ng krudo sa mga refinery sa US, na nagpapatakbo sa 91.5% na kapasidad. Sumipa ang pag-angkat ng krudo, pero bumaba ang produksyon ng gasolina at distillate. Tumaas din ng 1.4 milyong bariles ang imbentaryo ng krudo pero nanatili ng 5% na mas mababa kumpara sa limang-taong average. Bumagsak ang imbentaryo ng gasolina at distillate, habang dumami ang stocks ng propane/propylene, na 14% na mas mataas kumpara sa limang-taong average. Bumagsak ng 3.1 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng komersyal na petrolyo.
Inaasahan ng mga analyst na babagsak pa ng 1.743 milyon sa nalalapit na ulat sa imbentaryo ng langis ngayong linggo.
07:15 AM – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Nitong Hulyo, nanatiling nasa negatibong teritoryo sa ika-18 sunod na buwan ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI), na bumagsak patungong 44.0 mula 45.4 noong Hunyo. Ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ay ang matinding pagbaba ng order sa mga ginawang produkto, dahil may pinakamalaking epekto sa pagkalkula ng PMI ang subindex para sa bagong orders.
Inaasahan ng mga ekonomista ang katamtamang pagtaas, na may pagbasa na 44.9 sa para sa nalalapit na survey.
Nitong Hulyo, nagtala ng halagang 50.1 ang Services PMI sa France na binago ayon sa panahon, na sumusubaybay sa buwan-buwang pagbabago sa lebel ng aktibidad ng mga negosyo, kaya natapos na ang panahon ng pag-urong nito mula Mayo hanggang Hunyo.
Inaasahan ng mga analyst ang bahagyang pagbaba ng Services PMI patungong 48.8, na mas mababa kumpara sa pagbasa noong nakaraang buwan na 50.1.
Nitong Hulyo, bumaba ang Manufacturing sa Germany patungong 43.2 mula 43.5 noong Hunyo, na nagmamarka sa 25-buwan na lebel na mas mababa sa 50, at ang pinakamatagal simula noong 1996. Nagpapahiwatig ito ng matinding kagipitan sa kondisyon ng negosyo, na lubhang nagdulot ng matindi at pabilis na pagbaba ng output.
Pagkatapos itong bumaba mula 43.2 noong nakaraang buwan, na lagpas sa inaasahan ng mga analyst, inaasahan na ngayon ng mga ekonomista na bahagya itong tataas patungong 43.8 ngayong linggo.
Nitong Hulyo, ayon sa PMI survey sa Germany, bumagal sa ikalawang sunod na buwan ang paglago ng mga negosyo sa sektor ng mga serbisyo sa Germany. Dahil sa pagbagsak na ‘to, nakaranas ang sektor ng kauna-unahang pagbabawas ng mga trabaho ngayong linggo.
Inaasahan ng mga analyst na hindi magbabago sa linggong ito ang nalalapit na Services PMI sa Germany.
Sa ikalawang bahagi ng 2024, maganda ang naging takbo ng industriya ng manufacturing sa UK sa umpisa ng Hulyo. Tumaas patungong 52.1 ang S&P Global UK Manufacturing PMI®, na umabot sa dalawang-taong high at nagpakita ng pagtaas mula 50.9 noong Hunyo. Nagmamarka ito ng pinakamahabang panahon ng paglago ng PMI simula sa kalagitnaan ng 2022.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagbasa na 50.3 sa Manufacturing PMI sa nalalapit na linggo, na mas mababa kumpara sa 52.1 noong nakaraang buwan.
Bahagyang bumuti ang UK Services PMI mula 52.1 noong Hunyo patungong 52.5 nitong Hulyo.
Inaasahan ng mga analyst ang kaparehong resulta mula sa survey tungkol sa inaabangan ng purchasing managers.
Ayon sa Labor Department, bumaba patungong 227,000 noong nakaraang linggo ang bilang ng mga Amerikano na nag-file ng unemployment benefits, na mas mababa ng 7,000, at sumesenyas sa katatagan ng job market sa kabila ng mataas na interest rates.
Bahagyang mas mataas sa 233,000 ang inaasahang bilang ng unemployment claims ngayong linggo.
Sa umpisa ng ikatlong quarter, bumaba ang kondisyon ng manufacturing sa US dahil sa pagbagsak ng bagong orders sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan. Bagamat tumaas ang output at mga trabaho, maliit lang ang pag-akyat nito. Bumaba ang S&P Global US Manufacturing PMI® patungong 49.6 nitong Hulyo mula 51.6 noong Hunyo, kaya bumagsak ito sa ilalim ng neutral na marka sa 50.0 at nagpapahiwatig ng kaunting paghina sa performance nitong sektor.
Inaabangan ng mga ekonomista na batay sa survey ng mahigit-kumulang 800 purchasing managers, mananatiling hindi magbabago sa humigit-kumulang 49.8 ang index na may kaugnayan sa kondisyon ng negosyo.
Nitong Hulyo, patuloy na lumago ang sektor ng mga serbisyo sa US sa loob ng anim na sunod na buwan, na resulta ng pagtaas ng bagong orders. Resulta ‘to ng mas maraming trabaho ng mga kumpanya at positibong pananaw para sa hinaharap. Nagtala ang S&P Global US Services PMI® Business Activity Index ng 52.5, na nagpapahiwatig ng matibay na 18-buwang pagtaas sa sektor ng mga serbisyo.
Nakakakita ang mga analyst ng patuloy na paglago sa sektor ng mga serbisyo, na may pagbasa na 54.0.
Makikita sa ulat tungkol sa Bentahan ng mga Bagong Bahay ang bilang ng mga residensyal na gusali na nabenta noong nakaraang buwan. Noong Hunyo, bumaba ng 5.4% ang bilang ng mga nabentang residensyal na gusali, patungo sa taunang rate na 3.89 milyon na binago ayon sa panahon, at nagpapakita ng 5.4% na pagbaba mula sa nakaraang taon. Tumaas ang median na presyo ng 4.1% patungo sa panibagong peak na $426,900, na nagmamarka ng labindalawang magkasunod na buwan ng tumataas na presyo YoY. Tumaas din ng 3.1% patungong 1.32 milyon ang imbentaryo ng mga hindi nabentang bahay, na kumakatawan sa 4.1-buwang supply sa kasalukuyang takbo ng bentahan.
Ayon sa forecast ng mga analyst, sa ilalabas na ulat sa Bentahan ng mga Naitayong Bahay, inaasahan itong magpapakita ng taunang rate na 3.91 milyon.
Tumaas ng 0.5% ang volume ng retail sales sa unang quarter ng 2024, pagkatapos ng walong magkakasunod na pagbaba noong mga nakaraang quarter.
Inaasahan ng mga analyst ang forecast na 0.9, na magiging positibong quarter sa ikalawang sunod na pagkakataon.
12:30 PM – Canada: Retail Sales MoM
Noong Mayo, bumaba ang retail sales ng 0.8% patungong $66.1B, kung saan nakakita ng pagbaba sa walo sa siyam na subsector, lalo na sa pagkain at mga inumin. Bumaba din ng 1.4% ang core retail sales, na hindi kabilang ang mga gas station at nagbebenta ng sasakyan. Bumagsak din ng 0.7% ang volume ng retail sales.
Inaasahan ng mga ekonomista ang 0.3% na pagbaba sa volume ng mga produkto na binenta ng mga retailer sa mga kabahayan para sa nakasaad na buwan kumpara sa nakaraang buwan.
Nasa 617,000 ang tantyang bilang ng mga bagong bahay para sa mga isahang-pamilya noong Hunyo 2024, na binago ayon sa panahon. Kumakatawan ito sa 0.6% na pagbaba mula sa binagong rate na 621,000 noong Mayo, at 7.4% na pagbaba mula sa tantyang 666,000 noong Hunyo 2023.
Naitala sa $417,300 ang median na presyo ng mga bagong bahay, at ang average na presyo ay nasa $487,200. Sa katapusan ng Hunyo, may 476,000 na bahay ang nabenta, na kumakatawan sa 9.3-buwang supply sa kasalukuyang bilis ng bentahan.
Ngayong buwan, nakatakda sa 0.681 milyon ang inaasahan, na magtatapos sa tatlong-buwang magkasunod na negatibong ulat kaugnay sa Bentahan ng mga Bagong Bahay.
Kita ng mga Kumpanya (Agosto 19–23)
Huwebes, Agosto 22: BAIDU (Baidu Inc.)