Ngayong Agosto 26–30, maraming pangyayari sa ekonomiya sa buong mundo na may matinding epekto sa market. Kabilang sa mga ‘to ay ang mga mahahalagang datos na ilalabas sa Germany, US, Japan, Australia, Canada, France, at China, kung saan sakop ang mga indicator tulad ng GDP, kumpiyansa ng mga konsyumer, imbentaryo ng krudo, at aktibidad sa manufacturing. Inaasahang makakapagbigay ang mga ulat na ‘to ng mahahalagang pananaw tungkol sa kalusugan ng ekonomiya at kinabukasan ng mga naturang rehiyon, at nakakaimpluwensya sa sentimyento ng market at desisyon sa pananalapi.
Lunes 11:30 AM (GMT+3) – Germany: ifo Business Climate (EUR)
Lunes 15:30 (GMT+3) – USA: Core Durable Goods Orders MoM (USD)
Martes 09:00 AM (GMT+3) – Germany: GDP QoQ (EUR)
Martes 17:00 (GMT+3) – USA: CB Consumer Confidence Index (USD)
Miyerkules 17:30 (GMT+3) – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: GDP QoQ (USD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 02:50 AM (GMT+3) – Japan: Retail Sales MoM (JPY)
Biyernes 04:30 AM (GMT+3) – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Biyernes 09:45 AM (GMT+3) – France: GDP QoQ (EUR)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: GDP MoM (CAD)
Biyernes 16:30 (GMT+3) – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Sabado 04:00 AM (GMT+3) – China: Manufacturing PMI (CNY)
11:30 AM – Germany: ifo Business Climate (EUR)
Ang ifo Business Climate ay batay sa humigit-kumulang 9,000 buwanang tugon mula sa mga negosyo na nasa sektor ng manufacturing, serbisyo, pangangalakal, at konstruksyon. Nakapagtala ang mga kumpanya ng mas mababang kasiyahan kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon at mas pinaigting na pagdududa tungkol sa hinaharap. Mas mahahalata ang pagbaba sa sektor ng manufacturing, kung saan bumagsak ang backlog ng order at kapasidad ng paggamit nito, habang hindi rin maganda ang takbo sa sektor ng mga serbisyo, pangangalakal, at konstruksyon. Nagigipit pa rin ang pangkalahatang estado ng ekonomiya sa Germany dahil sa lumalalang di kasiguraduhan sa magkakaibang sektor.
Noong Hulyo 2024, bumagsak sa 87.0 points ang ifo Business Climate Index ng Germany, mula sa 88.6 noong Hunyo, na sumasalamin sa matinding pagbaba sa sentimyento ng mga negosyo.
Inaasahan ng mga analyst ang numero na 85.4 points sa nalalapit na survey.
15:30 – USA: Durable Goods Orders MoM (USD)
Noong Hunyo, bumagsak ng 6.6% ang bagong orders sa mga ginawang pangmatagalang produkto (ayan ay, ang mga bagay na hindi agad nasisira at may buhay na tumatagal ng mahigit tatlong taon), kaya natapos ang apat na magkakasunod na buwan ng pagtaas nito sa US. Resulta ito ng matinding paghina sa mga order sa transportasyon, na bumaba ng 20.5%. Maliban sa transportasyon, tumaas naman ang bagong orders ng 0.5%, pero kung hindi isasama ang depensa, bababa ito ng 7.0%.
Inaasahan ng mga analysts na magkakaroon ng pangkalahatan pang pagbaba na 2.0%, pero tataas ng 0.2% kung hindi isasama ang mga bagay sa transportasyon (ayan ay, ang core durables).
17:00 – USA: CB Consumer Confidence Index (USD)
Noong Hulyo 2024, bahagyang tumaas patungong 100.3 ang Consumer Confidence Index, na nagbibigay ng pananaw tungkol sa kasalukuyang kondisyon ng negosyo at pananaw sa hinaharap, pero patuloy pa rin ang pag-aalala tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa ekonomiya. Nag-iingat ang mga konsyumer sa mas mataas na presyo, interest rate, at potensyal na risk ng recession.
Inaasahan ng mga ekonomista na tataas ang kumpiyansa ngayong Agosto patungong 104.2.
17:30 – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 16, 2024, tumaas patungong 16.7 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US. Dumami rin ang inangkat na krudo, pero bumagsak ng 4.6 milyong bariles ang imbentaryo ng komersyal na krudo, na ngayon ay mas mababa ng 5% kumpara sa limang-taong average.
Inaasahan ng mga analysts na bababa ng 2.0 milyong bariles ang imbentaryo ng krudo, na pwedeng makapagpataas sa presyo nito.
15:30 – USA: GDP QoQ (USD)
Ngayong Q2 2024, tumas ng 2.8% ang real GDP ng US, na mas mataas kumpara sa 1.4% noong Q1, na resulta ng mas malakas na paggastos at investment ng mga konsyumer. Bumagal ang paglago ng personal na kita, at humina sa 3.5% ang ipon. Tumaas ang GDP price index ng 2.3%, na nagpapahiwatig ng katamtamang inflation.
Hinuhulaan ng mga ekonomista ang pagbasa 2.8%.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 10, bumagsak ng 7,000 ang pangunang unemployment claims sa US patungong 227,000, kasunod ng binagong pataas na numero noong nakaraang linggo.
Inaasahan ng mga analyst na 234,000 indibidwal ang nag-apply para sa unemployment insurance sa kauna-unahang pagkakataon noong nakaraang linggo.
02:50 am – Japan: Retail Sales MoM (JPY)
Tumaas ng 0.6% ang retail sales sa Japan kumpara noong nakarang buwan at 3.7% noong Hunyo kumpara noong nakaraang taon.
Inaasahan ng mga ekonomista ang bahagyang buwanang pagtaas na 0.1%.
04:30 AM – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Noong Hunyo 2024, tumaas ng 0.5% MoM ang retail sales sa Australia at 2.9% kumpara noong Hunyo 2023.
Inaasahan ng mga analyst na magkakaroon ng bahagyang pagtaas na 0.1% kumpara noong nakaraang buwan.
15:30 – Canada: GDP MoM (CAD)
Tumaas ng 0.2% ang GDP ng Canada nitong nakaraang quarter dahil sa 0.4% na paglago ng mga industriyang gumagawa ng mga produkto, lalo na sa manufacturing. Bumaba ang sektor ng retail at wholesale, kaya nabawi nang kaunti ang naranasang pagtaas.
Ayon sa pangunang tantya, tataas ang GDP ng 0.1%.
16:30 – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Noong Hunyo, tumaas ng 0.2% ang parehong personal na kita at sobrang pera sa US, habang tumaas naman ng 0.3% ang Personal Consumption Expenditures (PCE). Bahagyang tumaas ng 0.1% ang PCE price index, na isang mahalagang panukat ng inflation.
Inaasahan ng mga ekonomista na tataas pa ito ng 0.1% sa nalalapit na ulat.
04:00 AM – China: Manufacturing PMI (CNY)
Nanatili ang manufacturing PMI ng China sa 49.4 noong Hunyo 2024, na nagpapahiwatig ng patuloy na pag-urong ng naturang sektor. Bagamat bahagyang bumaba ang PMI ng malalaking kumpanya, nakaranas naman ng konting pagtaas ang mga katamtaman at maliliit na kumpanya. Nanatili sa ilalim ng neutral na 50 ang lebel ng mahahalagang mga index tulad ng bagong orders, pag-export, at mga trabaho, na sumesenyas ng patuloy na hamon sa industriya ng manufacturing.
Inaasahan ng mga ekonomista na bababa pa ‘to patungo sa 48.8 sa nalalapit na ulat.
Kita ng mga Kumpanya (Agosto 26–30)
Miyerkules, Agosto 28: HPQ (HP Inc.)
Miyrekules, Agosto 28: NVDA (NVIDIA Corp.)
Huwebes, Agosto 29: NVDA (Gap Inc.)