Punong-puno ang linggong ito ng magkakaibang pangyayari sa ekonomiya, tulad ng Pagbabago sa Bilang ng Claims at CPI sa UK, pati ang ulat sa CPI ng Canada at New Zealand, at ang Pagbabago sa mga Trabaho sa Australia. Makakapagbigay ng magandang pananaw ang mga ‘to tungkol sa kondisyon ng inflation at labor market.
Makakaimpluwensya rin sa pandaidigang markets ang desisyon sa rate ng European Central Bank, kasabay ng US retail sales, at unemployment claims. Makakapagdagdag din sa direksyon ng market ang ulat sa kita ng malalaking kumpanya tulad ng Bank of America, Citigroup, Netflix, at iba pa.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Martes 09:00 AM (GMT+3) – UK: Pagbabago sa Bilang ng Claims (GBP)
Martes 15:30 (GMT+3) – Canada: CPI MoM (CAD)
Miyerkules 12:45 AM (GMT+3) – New Zealand: CPI QoQ (NZD)
Miyerkules 09:00 AM (GMT+3) – UK: CPI YoY (GBP)
Huwebes 03:30 AM (GMT+3) – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Huwebes 15:15 (GMT+3) – Europa: Pangunahing Refinancing Rate (EUR)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Retail Sales MoM (USD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 09:00 AM (GMT+3) – UK: Retail Sales (GBP)
Martes, Oktubre 15
09:00 AM – UK: Pagbabago sa Bilang ng Claims (GBP)
Ipinapakita ng Pagbabago sa Bilang ng Claims kung ilang indibidwal ang nagsimulang kumuha ng unemployment benefits sa isang partikular na buwan.
Ang pagtaas ng bilang ng claims ay nagpapahiwatig na nakakaranas ng paghina ang labor market at pwede nitong negatibong maapektuhan ang GDP.
Noong Agosto 2024, tumaas ng 23,700 ang bilang ng mga indibidwal na kumuha ng unemployment benefits sa UK, patungo sa kabuuang 1.792 milyon. Kasunod ito ng numerong binago pataas patungong 102,300 noong nakaraang buwan, at hindi ito umabot sa inaasahan ng market, na umasang tataas lamang ng 95,500.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 20.2K unemployment claims sa Setyembre.
15:30 – Canada: CPI MoM (CAD)
Ang Consumer Price Index (CPI) ay isang mahalagang panukat ng inflation, na sumusubaybay sa pagbabago ng presyo ng isang grupo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng nakatakdang panahon. Sakop nito ang walong mahahalagang kategorya tulad ng pagkain, pabahay, pagpapatakbo ng tahanan, damit, transportasyon, kalusugan at personal na pangangalaga, libangan at edukasyon, at alak at sigarilyo.
Buwan-buwan, bumaba ng 0.2% ang CPI dahil sa pagbaba ng pamasahe sa eroplano, gasolina, damit, at travel tours, kasunod ng 0.4% na pagtaas noong Hulyo.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na -0.2%.
Miyerkules, Oktubre 16
12:45 am – New Zealand: CPI QoQ (NZD)
Sinusukat ng Consumer Price Index (CPI) ang rate ng pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo na binili ng mga kabahayan sa New Zealand.
Sa quarter na nagtapos noong Hunyo 2024, tumaas ng 0.4% ang Consumer Price Index (CPI) sa New Zealand, o 0.6% kapag in-adjust ito ayon sa panahon.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagtaas na 0.7%.
09:00 AM – UK: CPI YoY (GBP)
Ang pinakakaraniwang paraan para mapag-aralan ang inflation ay ang taunang inflation rate, na tumitingin sa pagbabago sa presyo sa loob ng 12 buwan, sa pamamagitan ng pagkumpara ng presyo sa kasalukuyang buwan at ang presyo sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Ang CPIH ay ang pinakakomprehensibong panukat ng inflation, kung saan kabilang dito ang Consumer Price Index (CPI) at Owner Occupiers’ Housing (OOH), pati ang Council Tax.
Nitong Agosto 2024, tumaas ng 3.1% YoY ang CPIH, kung saan hindi ito nagbago mula Hulyo, na may 0.4% na buwanang pagtaas. Hindi rin nagbago taon-taon sa 2.2% ang CPI, na may 0.3% na buwanang pagtaas. Nakaapekto sa pagtaas ang pamasahe sa eroplano, habang bumaba naman ang gasolina at hospitality. Tumaas ng 4.3% taon-taon ang core CPIH, habang tumaas ng 3.6% ang core CPI, kung saan bumaba ang presyo ng mga produkto habang tumaas ang bayarin sa mga serbisyo.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagtaas na 1.9%.
Huwebes, Oktubre 17
03:30 AM – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Sinusukat ng Pagbabago sa mga Trabaho sa Australia ang buwan-buwang pagbabago sa bilang ng mga indibidwal na may trabaho sa bansa. Ang pagtaas sa numerong ito ay nagpapahiwatig ng mas malakas na labor market at pwede itong positibong makaimpluwensya sa halaga ng Australian dollar.
Noong Agosto 2024, nanatili sa 4.1% ang unemployment rate ng Australia, kung saan hindi nagbago sa 67% ang participation rate. Tumaas sa 14.44 milyon ang bilang ng mga trabaho, at ang ratio ng trabaho sa populasyon ay nasa 64.2%.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagtaas na 25.2K.
15:15 – Europa: Pangunahing Refinancing Rate (EUR)
Inaanunsyo ng ECB ang desisyon nito sa interest rate pagkatapos ng pulong ng European Central Bank, kung saan pinag-uusapan ang pamamalakad sa pananalapi ng eurozone. Ginagawa ang desisyon sa interest rate depende sa inaasahang inflation at paglago ng ekonomiya.
Ang pagbabawas ng deposit rates ay pwedeng magkaroon ng negatibong epekto sa EUR quotes.
Sa nakaraang pulong, nagdesisyon ang Governing Council na bawasan ang deposit facility rate ng 25 basis points patungong 3.50%. Bukod dito, itatakda sa 15 basis points ang spread sa pagitan ng pangunahing pagpapatakbo sa refinancing at deposit facility rate, habang ang spread para sa marginal lending facility ay hindi magbabago sa 25 basis points. Bilang resulta, bababa sa 3.65% ang interest rates sa pangunahing pagpapatakbo ng refinancing at 3.90% sa marginal lending facility.
Inaasahan ng mga ekonomista na bababa ito patungong 3.40%.
15:30 – USA: Retail Sales MoM (USD)
Kumakatawan ito sa pagbabago ng retail sales sa US mula sa isang buwan patungo sa susunod. Ginagamit itong tagapaghiwatig ng inflation, at ang pagtaas ng retail sales ay pwedeng positibong makaapekto sa halaga ng US dollar.
Nitong Agosto 2024, nasa $710.8B ang retail at food services sales sa US, na mas mataas ng 0.1% mula Hulyo at 2.1% mula Agosto 2023.
Inaasahan ng mga analyst na tataas ito ng 0.3%.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Ang pangunang claim ay pina-file ng mga indibidwal na walang trabaho at naglalayong makakuha ng unemployment insurance pagkatapos umalis ng trabaho. Nagsisilbi ito bilang nangungunang tagapaghiwatig ng ekonomiya na sumasalamin sa kondisyon ng labor market. Kaya lang, dahil isa itong lingguhang administratibong datos, pwede itong mag-iba iba at mahirap itong i-adjust batay sa panahon.
Sa linggong nagtapos nitong Setyembre 28, tumaas ng 6,000 patungong 225,000 ang pangunang jobless claims na in-adjust ayon sa panahon.
Inaasahan ng mga analyst ang pangunang unemployment claims na 241K.
Biyernes, Oktubre 18
09:00 AM – UK: Retail Sales (GBP)
Ipinapakita nito ang pagbabago sa bilang ng halaga ng retail goods na nabenta sa UK sa isang partikular na buwan kumpara sa nakaraang buwan. Gumagamit ang kalkulasyon ng datos galing sa mga retailer sa UK na ina-adjust batay sa panahon.
Ginagamit ‘to sa pag-forecast, paggawa ng budget, at pagpapatupad ng pamamalakad sa pananalapi at ekonomiya ng UK. Pwedeng positibong makaapekto sa British pound quotes ang paglago ng retail sales.
Tumaas ng 1.0% ang volume ng retail sales nitong Agosto 2024, pagkatapos itong baguhin pataas ng 0.7% noong Hulyo. Nakinabang sa mas mainit na klima at diskwento ang mga supermarket at nagbebenta ng damit. Sa loob ng tatlong buwan na nagtapos noong Agosto 2024, tumaas ng 1.2% ang volume ng sales kumpara sa nakaraang tatlong buwan.
Inaasahan ng mga ekonomista na bababa ng -0.3% ang retail sales sa Setyembre.
Kita ng mga Kumpanya (Oktubre 14-18)
Martes, Oktubre 15: BAC (Bank of America Corp)
Martes, Oktubre 15, C (Citigroup Inc)
Martes, Oktubre 15, JNJ (Johnson & Johnson)
Miyerkules, Oktubre 16: MS (Morgan Stanley)
Huwebes, Oktubre 17: BX (Blackstone Inc)
Huwebes, Oktubre 17: NFLX (Netflix Inc)
Biyernes, Oktubre 18: AXP(American Express Co)
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, makakapagbigay ng mahalagang pananaw ang mga pangyayari sa ekonomiya ngayong linggo at ulat sa kita ng mga kumpanya tungkol sa trend ng mga market sa buong mundo. Ang mahahalagang tagapaghiwatig ng ekonomiya tulad ng datos ng inflation, pagbabago sa mga trabaho, at desisyon ng bangko sentral ang huhubog sa aasahang paglago at pamamalakad sa ekonomiya ng iba’t-ibang rehiyon. Bukod dito, gagabay sa sentimyento ng investor at galaw ng market ang ulat sa kita ng malalaking korporasyon tulad ng Bank of America, Citigroup, Netflix, at marami pang iba.