Ilalabas sa linggong ito ang iba’t-ibang tagapaghiwatig ng ekonomiya at ulat sa kita ng mga kumpanya na huhubog sa pananaw ng market. Sa Miyerkules, Oktubre 9, masusing bubusisiin ang desisyon ng Reserve Bank of New Zealand na bawasan ang Official Cash Rate para sa magiging epekto nito sa inflation at NZD. Sa Huwebes naman, ilalabas ang datos sa Consumer Price Index (CPI) ng US, na isang mahalagang panukat ng inflation, habang ang ulat sa GDP ngayong Biyernes at datos sa mga trabaho sa Canada ay makakapagbigay ng higit pang pananaw tungkol sa lagay ng ekonomiya sa buong mundo. Bukod dito, ilalabas ang mahahalagang ulat sa kita, kabilang ang Costco, Delta Air Lines, JPMorgan Chase, at Wells Fargo, na makakaimpluwensya sa sentimyento ng market bago mag-weekend.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Miyerkules 04:00 AM (GMT+3) – New Zealand: Official Cash Rate (NZD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: CPI MoM (USD)
Biyernes 09:00 AM (GMT+3) – UK: GDP MoM (GBP)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Pagbabago sa mga Trabaho (CAD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – USA: PPI (USD)
Miyerkules, Oktubre 9
04:00 AM – New Zealand: Official Cash Rate (NZD)
Pinag-aaralan ng Reserve Bank of New Zealand (RBNZ) ang interest rate nito kada anim na linggo, kung saan itinatakda nito ang rate ng pautang sa mga komersyal na bangko. Isa itong mahalagang kagamitan sa pamamalakad ng RBNZ, na may layuning pamahalaan ang lakas ng New Zealand Dollar (NZD). Ang pagtataas ng rate ay kadalasang nagpapalakas sa NZD dahil nahihikayat nito ang internasyonal na kapital at tinataasan nito ang demand para sa currency. Dahil dito, masusing sinusubaybayan ng mga nasa market ang pagbabago sa interest rate para matukoy ang potensyal nitong epekto sa takbo ng NZD.
Binawasan ng Reserve Bank of New Zealand ang Official Cash Rate (OCR) nito ng 25 basis points patungong 5.25%, habang nanunumbalik ang inflation sa target na 1–3%. Ang inaasahang inflation, kaugalian sa presyo, at iba’t-ibang panukat ng core inflation ay tugma sa matatag at mababang inflation. Bagamat nananatiling mahina ang paglago ng pandaigdigang ekonomiya at humihina ang inflation sa buong mundo, bumagsak na ang inflation sa pag-aangkat pabalik sa lebel bago mag-pandemya. Mataas pa rin ang inflation sa mga serbisyo pero inaasahan itong bumaba habang gumaganda ang kapasidad ng ekonomiya. Ang magiging pagluluwag sa hinaharap ay dedepende sa inaasahang inflation na nakatali sa 2% na target.
Inaasahan ng mga analyst ang rate cut na 50 basis points.
Huwebes, Oktubre 10
15:30 – USA: CPI MoM (USD)
Sinusukat ng Consumer Price Index (CPI) ang pagbabago sa presyo na ibinayad ng mga konsyumer para sa isang grupo ng mga produkto at serbisyo, kaya sumasalamin ito sa kaugalian ng paggastos ng mga konsyumer na nasa lungsod at ng mga kumikita ng sahod. Kabilang dito ang mga index tulad ng CPI-U para sa mga konsyumer na nasa lungsod, at CPI-W para sa mga sumasahod na nasa lungsod, kaya sakop nito ang 90% ng populasyon ng US. Sinusubaybayan ng CPI ang inflation sa pamamagitan ng pagkukumpara ng kasalukuyang presyo sa isang pinagbabatayang panahon.
Nitong Agosto 2024, tumaas ng 0.2% ang Consumer Price Index (CPI), na kaparehas ng pagtaas noong Hulyo. Sa loob ng nakaraang taon, tumaas ng 2.5% ang index, na pinakamababa nitong pagtaas mula Pebrero 2021. Pinangunahan ito ng gastusin sa pabahay, na tumaas ng 0.5%, habang umakyat rin ng 0.1% ang presyo ng mga pagkain, at bumaba naman ng 0.8% ang presyo ng enerhiya. Maliban sa pagkain at enerhiya, tumaas ng 0.3% ang index.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 0.1%.
Biyernes, Oktubre 11,
09:00 AM – UK: GDP MoM (GBP)
Sinusukat ng Gross Domestic Product (GDP) ang laki at kalusugan ng ekonomiya sa loob ng isang nakatakdang panahon, na kadalasang kada quarter o kada taon. Pwede itong kalkulahin sa pamamagitan ng pagsusuma-total ng halaga ng mga ginawang produkto at serbisyo, halagang kinita, o ginastos. Pinakamalaking parte ang gastusin ng mga tahanan, na kumakatawan sa two-thirds ng GDP. Ang pagtaas ng GDP ay sumesenyas ng lumalagong ekonomiya, pero hindi nito nasasakop ang lahat ng aspeto kaugnay sa lagay ng ekonomiya.
Tumaas ng 0.5% nitong Q2 2024 ang real GDP ng UK, na binago pababa mula sa pangunang tantya na 0.6%. Kumpara noong nakaraang taon, tumaas ng 0.7% ang GDP. Hindi ito nagpakita ng paglago noong Hulyo 2024, kung saan ang pagtaas sa serbisyo ay binawi ng paghina sa produksyon at konstruksyon.
Inaasahan ng mga ekonomista ang paglago na 0.2%.
15:30 – Canada: Pagbabago sa mga Trabaho (CAD)
Ito ang pagbabago sa bilang ng mga indibidwal na may trabaho noong nakaraang buwan. Sa pangkalahatan, kapag mas mataas ang numerong ito kumpara sa forecast, positibo ito para sa currency.
Noong Agosto, bahagya lang ang pagbabago sa mga trabaho, na may kaunting dagdag na 22,000 trabaho (+0.1%), habang tumaas ang unemployment rate sa 6.6%. Kapansin-pansin ang pagdami ng mga trabaho sa mga kababaihan at sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, at pananalapi, pero bumagsak ito sa mga serbisyo, propesyonal na sektor, at utilities. Tumaas ng 5.0% YoY ang sahod, na may average na sweldo oras-oras na $35.16.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagdami na 34.6K trabaho.
15:30 – USA: PPI (USD)
Sinusukat ng Producer Price Index (PPI) ang average na pagbabago sa presyo na natanggap ng mga producer para sa mga produkto, serbisyo, at konstruksyon. Sakop ng PPi ang malawak na hanay ng mga industriya at ginagamit ito kasabay ng iba pang tagapaghiwatig ng ekonomiya tulad ng Consumer Price Index (CPI), na sumusukat sa pagbabago ng presyo mula sa perspektibo ng mamimili. Ang paglago nitong index ay pwedeng magkaroon ng positibong epekto para sa dolyar.
Nitong Agosto, tumaas ng 0.2% ang Producer Price Index (PPI) para sa panghuling demand, pagkatapos hindi magbago noong Hulyo. Sa loob ng nakaraang 12 buwan, tumaas ng 1.7% ang PPI. Resulta ito ng 0.4% na pagtaas sa serbisyo sa panghuling demand, habang hindi naman nagbago ang presyo ng mga produkto. Maliban sa pagkain, enerhiya, at serbisyo sa pangangalakal, tumaas ng 0.3% ang PPI nitong Agosto at 3.3% sa loob ng nakaraang taon.
Inaasahan ng mga ekonomista ang katamtamang pagtaas na 0.1%.
Kita ng mga Kumpanya (Oktubre 7–11)
Miyerkules, Oktubre 9: COST (Costco Wholesale Corp)
Huwebes, Oktubre 10: DAL (Delta Air Lines, Inc.)
Biyernes, Oktubre 11: JPM (JPMorgan Chase & Co)
Biyernes, Oktubre 11: WFC (Wells Fargo & Co)
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, ang mga ilalabas na datos at kita ng mga kumpanya ngayong linggo ay inaasahang magbibigay ng kritikal na pananaw tungkol sa kondisyon ng ekonomiya sa buong mundo at makakaimpluwensya ito sa direksyon ng market. Mahalaga ang papel ng desisyon sa Official Cash Rate ng Reserve Bank of New Zealand kaugnay sa paghubog ng inaasahang inflation, habang malaki ang datos na maibibigay ng US CPI at PPI tungkol sa takbo ng inflation sa pinakamalaking ekonomiya ng mundo. Bukod dito, ang GDP ng UK at datos sa mga trabaho sa Canada ay makakapagbigay ng linaw tungkol sa takbo ng ekonomiya ng malalaking bansa. Kapag sinabay ito sa mga kita ng kumpanya, malaki ang tyansa na itulak nito ang sentimyento ng mga investor at pagpoposisyon ng market sa panandaliang panahon.