Punong-puno ang linggong ito ng mahahalagang pangyayari sa ekonomiya na pwedeng humubog sa takbo ng mga market sa buong mundo. Kabilang sa mahahalagang ulat ay ang CPI at retail sales sa Canada, pati ang retail sales, unemployment claims, at desisyon sa Federal Funds Rate ng US, at ang CPI ng UK at anunsyo nito sa opisyal na bank rate. Iuulat ng Australia at New Zealand ang pagbabago sa mga trabaho at paglago ng GDP, ayon sa pagkakabanggit, habang inaabangan rin ang deisyon ng BOJ sa policy rate ng Japan. Makakapagbigay ang mga naturang ulat ng pananaw tungkol sa inflation, paglago ng ekonomiya, at kondisyon ng labor market, na may potensyal na malaking epekto sa mga currency na tulad ng CAD, USD, GBP, NZD, AUD, at JPY.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Martes 15:30 (GMT+3) – Canada: CPI MoM (CAD)
Martes 15:30 (GMT+3) – USA: Retail Sales MoM (USD)
Miyerkules 09:00 AM (GMT+3) – UK: CPI YoY (GBP)
Miyerkules 21:00 (GMT+3) – USA: Federal Funds Rate (USD)
Huwebes 01:45 AM (GMT+3) – New Zealand: GDP QoQ (NZD)
Huwebes 04:30 AM (GMT+3) – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Huwebes 14:00 (GMT+3) – UK: Opisyal na Bank Rate (GBP)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 02:30 AM (GMT+3) – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Martes, Setyembre 17
15:30 – Canada: CPI MoM (CAD)
Ang Consumer Price Index (CPI) ay isang mahalagang panukat ng inflation, na sumusubaybay sa pagbabago sa presyo ng nakapirming grupo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng isang nakatakdang panahon, gaya ng nararanasan ng mga konsyumer sa Canada. Sakop nito ang walong malalaking kategorya: pagkain, tirahan, pagpapatakbo ng tahanan, damit, transportasyon, kalusugan at personal na pangangalaga, libangan at edukasyon, at alak at sigarilyo.
Noong Hulyo, tumaas ng 2.5% YoY ang Consumer Price Index (CPI), na mas mabagal kumpara sa pagtaas na 2.7% noong Hunyo. Nakatulong sa paghina ang mas mababang presyo ng pagbiyahe, pampasaherong sasakyan, at kuryente. Tumaas patungong 0.4% ang buwanang CPI, na resulta ng 2.4% na pagtaas sa presyo ng gasolina. Nanatiling mahal ang tirahan bagamat umakyat ito sa mas mabagal na antas, habang nakaranas naman ng mas mahinang paglago ng presyo ang limang probinsya, lalo na sa langis at gasolina.
Inaasahan ng mga analyst na magpapakita ng 0.1% na pagtaas ang ilalabas na ulat.
15:30 – USA: Retail Sales MoM (USD)
Sinasalamin ng retail sales ang buwan-buwang pagbabago ng retail sales sa US mula isang buwan kumpara sa susunod. Ginagamit ‘tong indicator para tantyahin ang inflation, at pwedeng positibong makaapekto sa halaga ng US dollar ang pagtaas ng retail sales.
Noong Hulyo 2024, umabot ng $709.7B ang bentahan sa retail at serbisyong may kinalaman sa pagkain sa US, na mas mataas ng 1.0% kumpara noong Hunyo at 2.7% na mas malaki kumpara noong Hulyo 2023. Tumaas ng 2.4% YoY ang bentahan mula Mayo hanggang Hulyo 2024. Kapansin-pansin na nakaranas ang non-store retailers ng 6.7% na pagtaas, habang lumago naman ng 3.4% mula Hulyo 2023 ang mga inuman at serbisyo ng may kinalaman sa pagkain.
Hinuhulaan ng mga analyst ang -0.2% na pagbasa.
Miyerkules, Setyembre 18
09:00 AM – UK: CPI YoY (GBP)
Ang pinakakaraniwang paraan para sukatin ang inflation ay ang taunang inflation rate, na tumitingin sa pagbabago sa presyo sa loob ng 12-buwan sa pamamagitan ng pagkukumpara ng presyo sa kasalukuyang buwan at presyo sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Ang CPIH ay ang pinakakomprehensibong panukat ng inflation, kung saan kasama ang Consumer Price Index (CPI) at ang Owner Occupiers’ Housing (OOH) at Council Tax.
Noong Hulyo 2024, tumaas ng 3.1% YoY ang CPIH sa UK, na mas malaki sa 2.8% noong Hunyo, habang umakyat naman ng 2.2% ang CPI sa loob ng 12 buwan hanggang Hulyo 2024, na mas mataas kumpara sa dating 2.0%. Hindi nagbago ang CPIH buwan-buwan, at bumagsak ng 0.2% ang CPI. Pinaka-nakaapekto sa pagtaas ang tirahan at serbisyo sa mga tahanan, habang negatibo naman ang epekto ng mga kainan at hotel. Tumaas ng 4.1% taon-taon ang core CPIH, habang sumipa ng 3.3% ang core CPI, na parehong mas mababa nang kaunti kumpara noong Hunyo.
Hinuhulaan ng mga ekonomista ang paglago na 2.2%.
21:00 – USA: Federal Funds Rate (USD)
Binabago ng Federal Reserve ang pamamalakad nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng panibagong target para sa Federal Funds Rate, na nakakaapekto sa overnight na rate sa paghiram ng mga bangko. Sa pamamagitan ng pagbabawas nito, o ang tinatawag na “easing,” binababaan ang interest rate para itulak ang ekonomiya sa panahon ng mahinang paglago, mababang inflation, o mataas na unemployment. Kapag naman tinaasan ang target, o ang tinatawag na “tightening,” nilalakihan ang rates para palamigin ang mainit na ekonomiya, mataas na inflation, o mababang unemployment. Nakakaapekto ang mga naturang pagbabago sa mas malawak na kondisyon sa pananalapi, kaya naiimpluwensyahan ang paggastos ng mga kabahayan at negosyo, na siyang nakakaapekto sa mga aktibidad sa ekonomiya, trabaho, unemployment, at inflation.
Noong Hulyo 2024, pinanatili ng Federal Reserve ang target na Federal Funds Rate sa 5.25% hanggang 5.5%, para masuportahan ang layunin nito na magkaroon ng mas maraming trabaho at maabot ang 2% na inflation.
Inaabangan ng mga analyst ang rate cut na 25 basis points.
Huwebes, Setyembre 19
01:45 AM – New Zealand: GDP QoQ (NZD)
Ang Gross Domestic Product (GDP) ng New Zealand ay ang opisyal na panukat sa paglago ng ekonomiya. Kinakalkula ito gamit ang dalawang paraan: sa pamamagitan ng produksyon, na sumusukat sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa nang hindi isinasama ang bayarin sa produksyon, at sa pamamagitan ng gastusin, na sumusukat sa panghuling produkto at serbisyo, habang dinadagdag ang pag-export at binabawas ang pang-angkat. Ang pagtaas ng GDP ay pwedeng positibong makaapekto sa quotes ng New Zealand dollar (NZD).
Sa quarter na nagtapos noong Marso 2024, tumaas ng 0.2% ang GDP ng New Zealand pagkatapos nitong bumaba ng 0.1% noong Disyembre. Nakaranas ng paglago ang walo sa 16 na industriya, na pinangunahan ng real estate at kuryente, habang bumagsak naman ang konstruksyon at manufacturing. Humina ng 0.3% ang GDP per capita, sa ika-anim na sunod na pagbagsak. Tumaas naman ng 0.1% ang panukat sa gastusin, na resulta ng paggastos ng mga kabahayan at bisita, habang bumagsak ang pang-angkat at pamumuhunan sa kapital.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbaba na 0.4%.
04:30 AM – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Sinusukat nito ang buwan-buwang pagbabago sa bilang ng mga opisyal na empleyado sa Australia. Ang mas maraming trabaho ay nagpapahiwatig ng mas malakas na labor market at pwede itong positibong makaimpluwensya sa halaga ng Australian dollar.
Noong Hulyo 2024, tumaas patungong 4.2% ang unemployment rate ng Australia, habang dumami naman ang mga trabaho patungong 14.5 milyon, at umabot sa 67.1% ang participation rate.
Inaasahan ng mga ekonomista na madadagdagan ng 25,500 na empleyado ang Australia.
14:00 – UK: Opisyal na Bank Rate (GBP)
Ipinapatupad ng Monetary Policy Committee (MPC) ang pamamalakad nito para maabot ang target na inflation na 2%, habang sinusuportahan ang pangmatagalang paglago ng ekonomiya at mga trabaho. Gumagamit ito ng madiskarteng pagpaplano sa katamtamang panahon, para masigurado na mapapanatili at katanggap-tanggap ang antas ng inflation.
Sa pulong na natapos noong Hulyo 31, 2024, bumoto ang MPC ng 5–4 para bawasan ang bank rate ng 0.25 percentage points patungong 5%. May apat na miyembro na nagdesisyon na panatilihing ang rate sa 5.25%.
Inaasahan ng mga ekonomista na hindi magbabago sa 5.00% ang opisyal na bank rate.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Ang pangunang claim ay pina-file ng isang indibidwal na nawalan ng trabaho at naglalayong makakuha ng unemployment insurance pagkatapos umalis ng trabaho. Nagsisilbi ito bilang isa sa mahahalagang tagapaghiwatig ng ekonomiya, na sumasalamin sa kondisyon ng labor market. Kaya lang, dahil isa itong lingguhang administratibong datos, pwede itong magpabago-bago at mahirap itong baguhin batay sa panahon.
Sa linggong nagtapos noong Agosto 31, 2024, bumagsak ng 5,000 patungong 227,000 ang na-adjust na pangunang unemployment claims sa US batay sa panahon. Bumaba rin patungong 230,000 ang 4 na linggong moving average nito. Nanatili sa 1.2% ang insured unemployment rate, kung saan 1.838 milyong tao ang nakakakuha ng benepisyo, na mas mababa ng 22,000 kumpara noong nakaraang linggo.
Inaasahan ng mga analyst na tataas patungong 232,000 ang unemployment claims.
Biyernes, Setyembre 20
02:30 AM – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Layunin ng Bank of Japan na maging matatag ang presyo, na kritikal sa pagsuporta ng mga aktibidad sa ekonomiya. Nakakatulong ito para sa mga indibidwal at kumpanya upang makagawa sila ng tamang desisyon tungkol sa pagkonsumo at pamumuhunan, at masigurado na maayos ang alokasyon ng pera. Dahil dito, nagtakda ang bangko sentral ng target na 2% inflation (CPI) noong 2013 at nananatili itong nakatutok sa pag-abot nitong layunin sa lalong madaling panahon.
Sa pulong nito noong Hulyo 2024, tinaasan ng Bank of Japan (BoJ) ang panandaliang interest rate nito ng humigit-kumulang 0.25%, na mas malaki kumpara sa nakaraang saklaw na 0% hanggang 0.1% na ipinatupad noong Marso.
Inaasahan ng mga ekonomista na hindi babaguhin ng Bank of Japan (BOJ) ang interest rates nito sa darating na pulong ngayong linggo.
15:30 – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Sinusubaybayan ng retail sales sa Canada ang buwan-buwang pagbabago sa halaga ng mga produkto na binenta sa mga retail na tindahan. Ang panukat na ‘to ay batay sa datos na nakolekta mula sa libo-libong retail outlets, na ina-adjust para sumalamin sa kabuuang antas ng retail sa buong bansa.
Nagsisilbi ito bilang tagapaghiwatig sa gastusin ng mga konsyumer pati inflation. Kapag tumaas ang retail sales, pwede itong positibong makaapekto sa presyo ng palitan ng Canadian dollar (CAD).
Noong Hunyo, bumagsak ng 0.3% ang retail sales patungong $65.7B, na resulta ng paghina ng mga dealer ng sasakyan at parte nito. Gayunpaman, tumaas ng 0.4% ang core retail sales.
Inaasahan ng mga analyst na tataas ito ng 0.3% sa ilalabas na ulat ngayong linggo.
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 16–20)
Lunes, Setyembre 16: BUR (Burford Capital Limited)
Martes, Setyembre 17: FERG (Ferguson Enterprises Inc.)
Miyerkules, Setyembre 18: GIS (General Mills, Inc.)
Huwebes, Setyembre 19: FDX (FedEx Corporation)
Huwebes, Setyembre 19: LEN (Lennar Corporation)
Biyernes, Setyembre 20: GFI (Gold Fields Limited)
Pangkalahatan
In conclusion, this week presents a series of critical economic events and data releases that could significantly impact global markets. From inflation figures in Canada, the UK, and the US to key interest rate decisions from the Federal Reserve, the Bank of Japan, and the Bank of England, traders and investors will be closely watching for market-moving trends. Additionally, reports on GDP, employment changes, and retail sales will provide valuable insights into economic growth and labor market strength, influencing major currencies such as CAD, USD, GBP, NZD, AUD, and JPY.