Huhubog sa mga market ngayong linggo ang mahahalagang pangyayari sa ekonomiya na magbibigay ng pananaw tungkol sa manufacturing, serbisyo, inflation, at sentimyento ng mga konsyumer sa mga pangunahing ekonomiya. Makakapagbigay ng kritikal na senyales ang mga ‘to kaugnay sa kalusugan ng ekonomiya, na iimpluwensya sa galaw ng mga currency at magpapahiwatig sa kumpiyansa ng mga negosyo. Mula sa pagbabago-bago sa output ng manufacturing, takbo ng mga serbisyo, at pwersa ng inflation, kasabay ng datos sa kumpiyansa ng mga konsyumer, nakatakdang mabunyag ang katatagan ng ekonomiya sa buong mundo at projection sa paglago nito, na makakaapekto sa pagdedesisyon sa iba’t-ibang pinansyal na sektor.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Lunes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Lunes 10:15 AM (GMT+3) – France: Flash Services PMI (EUR)
Lunes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Lunes 10:30 AM (GMT+3) – Germany: Flash Services PMI (EUR)
Lunes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Manufacturing PMI (GBP)
Lunes 11:30 AM (GMT+3) – UK: Flash Services PMI (GBP)
Lunes 16:45 (GMT+3) – USA: Flash Manufacturing PMI (USD)
Lunes 16:45 (GMT+3) – USA: Flash Services PMI (USD)
Martes 03:30 AM (GMT+3) – Japan: Flash Manufacturing PMI (JPY)
Martes 07:30 AM (GMT+3) – Australia: Cash Rate (AUD)
Martes 17:00 (GMT+3) – USA: CB Consumer Confidence (USD)
Miyerkules 04:30 AM (GMT+3) – Australia: CPI YoY (AUD)
Huwebes 10:30 AM (GMT+3) – Switzerland: SNB Policy Rate (CHF)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Panghuling GDP QoQ (USD)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: GDP MoM (CAD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Lunes, Setyembre 23
10:15 AM – France: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ay isang tagapaghiwatig ng ekonomiya na sumasalamin sa takbo ng sektor ng manufacturing. Batay ito sa survey ng purchasing managers sa iba’t-ibang mahahalagang aspeto tulad ng bagong orders, produksyon, trabaho, pagpapadala ng supplier, at lebel ng imbentaryo. Ang PMI na mas mataas sa 50 ay nagpapahiwatig ng paglago sa sektor ng manufacturing, habang ang numero na mas mababa sa 50 ay sumesenyas ng pag-urong nito. Ginagamit ang expansion in the manufacturing sector, while a reading below 50 signals contraction. The Manufacturing PMI ay kadsalasang ginagamit para pakiramdaman ang pangkalahatang kalusugan ng manufacturing at hulaan ang mga trend sa ekonomiya, kaya nakakaimplwuensya ito sa pagdedesisyon ng mga negosyo at pamamalakad ng mga mambabatas.
Nakaranas ang sektor ng manufacturing sa France ng lumalalang sitwasyon nitong Agosto, kung saan bumagsak ang bagong orders sa lebel na naranasan lang noong may pandaigdigang krisis sa pananalapi at noong COVID-19. Lubhang bumagsak ang produksyon, aktibidad sa pagbili, at lebel ng employment, at sa unang pagkakataon ngayong 2024, hindi maganda ang pagtingin ng manufacturers sa magiging output sa hinaharap. Tumaas nang husto ang bayarin sa input, bagamat nanatiling limitado ang presyo ng benta para patuloy na makasabay sa mga kakumpitensya. Nakatulong sa pagbaba nitong sektor ang huminang demand, sa parehong lokal at internasyonal na antas, na sumesenyas ng mahirap na kondisyon sa hinaharap.
Inaasahan ng mga analyst na magpapatuloy ngayong linggo ang pag-urong na nag-umpisa noong Pebrero 2023, sa inaasahang pagbasa na 44.7.
10:15 AM – France: Flash Services PMI (EUR)
Ang Services Purchasing Managers’ Index (PMI) ay isang tagapaghiwatig sa ekonomiya na sumusukat sa takbo ng sektor ng mga serbisyo. Batay ito sa survey ng mga executive sa industriya tulad ng pananalapi, kalusugan, retail, at iba pang sektor na nakatutok sa serbisyo. Sinasalamin ng index ang apgbabago sa mahahalagang aspeto tulad ng bagong negosyo, trabaho, presyo, at output. Ang PMI na mas mataas sa 50 ay nagpapahiwatig sa paglago ng sektor ng mga serbisyo, habang ang pagbasa na mas mababa sa 50 ay sumesenyas ng pag-urong nito. Isa itong kritikal na panukat para mapag-aralan ang kalusugan ng ekonomiya at maging gabay sa pagdedesisyon sa pamamalakad ng bangko sentral.
Nitong Agosto, nakapagtala ng matinding paglago ang mga service provider sa France, kung saan tumaas ang Services PMI patungong 55.0, na pinakamataas na lebel mula Mayo 2022. Resulta ito ng mas maraming customer, bagamat katamtaman lamang at halos lokal lang ang paglago sa mga bagong negosyo. Bumagal ang pagdami ng mga trabaho, at nanatiling limitado ang kumpiyansa ng mga negosyo dahil sa hindi kasiguraduhan sa politika at mahinang sektor ng real estate. Sa kabila ng mas mababang inflation sa input cost, tinaasahan ng mga service provider ang presyo nila sa pinakamabilis na antas mula noong Abril.
Inaasahan ng mga analyst na makakapagtala ng pagbasa na 53.2 ang nalalapit na ulat.
10:30 AM – Germany: Flash Manufacturing PMI (EUR)
Ayon sa pinakabagong survey, lumala nitong Agosto ang sektor ng manufacturing sa Germany, kung saan lubhang bumagsak ang bagong orders, aktibidad sa pagbili, at mga trabaho. Bumagsak sa 42.4 ang headline PMI, na pinakamababang lebel mula noong Marso, at nagpapahiwatig ng matinding pag-urong. Ang mahinang demand lalo na sa sektor ng konstruksyon ay humantong sa malalang pagbagsak ng lokal at pang-export na orders. Bagamat patuloy na bumaba ang dami ng produksyon, hindi nagbago ang input costs, at nagpakita ang factory gate prices ng pinakamababang paghina sa loob ng 15 buwan. Humina pa lalo ang kumpiyansa ng mga negosyo dahil sa pag-aalala ng mga manufacturer tungkol sa magiging prospektibong paglago sa hinaharap.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 43.3, na sumasalamin sa katamtamang pagpapabuti kumpara noong nakaraang buwan.
10:30 AM – Germany: Flash Services PMI (EUR)
Ipinakita ng survey na bumagal ang paglago sa sektor ng mga serbisyo sa Germany nitong Agosto, kung saan tumaas ang aktibidad ng mga negosyo sa pinakamabagal nitong antas mula noong Marso. Halos hindi umusad ang mga bagong negosyo, at bumagsak ang export sales sa ikalawang sunod na buwan. Bumaba rin ang mga trabaho sa ikalawang magkasunod na buwan, habang bumagal ang inflation ng input cost sa pinakamabagal nitong lebel sa loob ng tatlo’t kalahating taon. Bahagyang bumilis ang pagtaas ng output prices kumpara noong Hulyo, at nanatiling matatag ang pangkalahatang kumpiyansa ng mga negosyo, kung saan maganda ang pagtingin ng mga kumpanya sa magiging kondisyon ng market sa hinaharap.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa 51.1, na hindi nagbago mula noong nakaraang buwan.
11:30 AM – UK: Flash Manufacturing PMI (GBP)
Patuloy na nakabawi noong Agosto ang sektor ng manufacturing sa UK, kung saan umabot ang PMI nito sa 52.5, ang pinakamataas na lebel sa loob ng 26 na buwan. Tumaas sa ika-apat na sunod na buwan ang output, bagong orders, at mga trabaho, na resulta ng malakas na lokal na demand. Kaya lang, humina sa ika-31 sunod na buwan ang export orders. Humina ang inflation sa input at output price, pero humaharap pa rin ang mga manufacturer sa tumataas na bayarin sa kuryente, metal, at shipping. Sa kabila ng hamon sa supply chain, nananatiling positibo ang sentimyento ng mga negosyo, kung saan 61% ng mga kumpanya ang umaasa ng mas mataas na produksyon sa susunod na taon.
Inaasahan ng mga ekonomista ang patuloy na pagpapabuti, kung saan nakatakdang magpakita ng pagbasa na 53.2 ang ilalabas na ulat.
11:30 AM – UK: Flash Services PMI (GBP)
Nitong Agosto, tuloy-tuloy na nakabawi ang sektor ng mga serbisyo sa UK, kung saan tumaas sa 53.7 ang PMI, ang pinakamataas na lebel mula noong Abril. Tumaas ang aktibidad ng mga negosyo at bagong orders, na resulta ng mas magandang kondisyon ng ekonomiya at bumabang di kasiguraduhan sa politika. Gayunpaman, nanatiling mahina ang paglago ng exports, humina ang pwersa ng inflation, at bumagal ang inflation ng input cost sa pinakamababang lebel mula noong Enero 2021. Dumami ang mga trabaho sa ikawalong sunod na buwan, pero nananatili ang mga hamon dahil sa kaunting mga kandidato at pwersa ng pasahod. Sa kabila ng positibong pagtingin, bahagyang bumaba ang kumpiyansa bago ilabas ang budget ngayong taglagas.
Inaasahan ng mga analyst na lalago ito sa ilalabas na ulat, sa pagbasa na 52.6.
16:45 – USA: Flash Manufacturing PMI (USD)
Nitong Agosto, bumagsak ang produksyon ng manufacturing sa US sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng pitong buwan, na resulta ng pagbaba ng benta at bagong orders. Humina rin ang mga trabaho, na sumasalamin sa di nagagamit na kapasidad at mas mahinang demand. Pumalo sa 16 na buwang high ang inflation sa input cost, na resulta ng tumataas na bayarin sa shipping at labor. Binawasan ng mga kumpanya ang aktibidad sa pamimili at tinugunan muna nito ang backlogs habang patuloy na bumababa ang export orders. Sa kabila ng mga hamong ito, nananatiling maingat pero maganda ang pagtingin ng mga manufacturer tungkol sa magiging output sa hinaharap, bagamat bahagyang bumaba mula noong Hulyo ang kanilang kumpiyansa.
Inaasahan ng mga analysts ang sumasalungat na pagbasa na 48.5 sa ikatlong sunod na buwan.
16:45 – USA: Flash Services PMI (USD)
Nakaranas ng matinding paglago nitong Agosto ang sektor ng mga serbisyo sa US, kung saan bumilis ang aktibidad ng mga negosyo sa pinakamatinding lebel sa loob ng dalawa’t kalahating taon, na sinusuportahan ng pagdami ng baong orders. Gayunpaman, bumagsak ang mga trabaho sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan. Patuloy na matindi ang pagtaas ng input cost dahil sa mas mataas na sahod at singil ng mga supplier, bagamat humina ang presyo ng bentahan sa loob ng pitong buwan. Sa kabila ng mga hamong ito, maganda pa rin ang pagtingin ng mga service provider kaugnay sa magiging paglago sa hinaharap, dahil sa pag-asa na dadami ang orders at magkakaroon ng potensyal na interest rate cuts.
Inaasahang magpapatuloy ngayong linggo ang paglago sa sektor ng mga serbisyo, kung saan nagpapahiwatig ng pagbasa na 55.3 ang kasalukuyang projections.
Martes, Setyembre 24
03:30 AM – Japan: Flash Manufacturing PMI (JPY)
Nitong Agosto, nagpapakita ng senyales ng katatagan ang sektor ng manufacturing sa Japan. Bagamat bumaba ang bagong orders, humina ito sa mas mabagal na lebel, at tumaas ang produksyon sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan. Gumanda rin ang mga trabaho, at tinaasan ng mga kumpanya ang biniling input sa unang pagkakataoon mula noong kalagitnaan ng 2022. Gayunpaman, pumalo sa 16 na buwang high ang inflation sa input prices, na resulta ng tumataas na bayarin sa raw materials at mahinang yen. Sa kabila nito, nanatiling katamtaman ang paglago ng presyo ng mga kumpanya para manatili itong makasabay sa mga kakumpitensya. Tumaas sa 49.8 ang Purchasing Managers’ Index (PMI), na nagpapahiwatig ng bahagyang pag-urong ng aktibidad sa manufacturing.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 49.9.
07:30 AM – Australia: Cash Rate (AUD)
Ang desisyon ng RBA sa interest rate ay isa sa pinakamalalaking kagamitan ng Reserve Bank of Australia para sa pambansang pananalapi at pamamalakad sa credit.
Ang mas mataas na interest rate ay humahantong sa pagtaas ng Australian dollar.
Hindi binago ng Reserve Bank of Australia (RBA) ang cash rate target nito sa 4.35%. Bagamat bumaba ang inflation mula sa peak noong 2022, nananatili itong mas mataas sa target na saklaw, na may tuloy-tuloy na pwersa lalo na sa sektor ng mga serbisyo. Inaasahan ng RBA na babalik ang inflation sa target na 2–3% sa huling bahagi ng 2025, na bahagyang mas matagal kumpara sa nakaraang forecast. Nananatiling mataas ang hindi kasiguraduhan sa ekonomiya, na may risk sa inflation at paglago. Prayoridad ng RBA na bumalik ang inflation sa target, at babaguhin nito ang pamamalakad kung kinakailangan batay sa nagbabago-bagong kondisyon ng ekonomiya.
Inaasahan ng mga ekonomista na hindi magbabago ang cash rate ng Australia sa 4.35%.
17:00 – USA: CB Consumer Confidence (USD)
Ang Consumer Confidence ay nakakapagbigay ng komprehensibong pagsusuri sa sentimyento ng mga konsyumer tungkol sa kondisyon ng ekonomiya sa kasalukuyan at sa hinaharap. Inilalathala buwan-buwan, pinag-aaralan nito ang kaugalian ng mga konsyumer, intensyon sa paggastos, plano sa bakasyon, at pag-asa kaugnay sa inflation, presyo ng stocks, at interest rates. Hinihiwalay sa ulat ang iba’t-ibang demograpiko tulad ng edad at kita, at naglalaman ito ng pananaw ayon sa rehiyon at para sa nangungunang walang estado sa US. Mahalaga ang datos na ‘to para sa mga negosyo at mambabatas apra mapag-aralan nila ang kaugalian ng mga konsyumer at mahulaan ang mga trend sa ekonomiya.
Nitong Agosto, tumaas ang kumpiyansa ng mga konsyumer sa US mula 101.9 noong Hulyo patungong 103.3, na nagpapahiwatig ng mas magandang sentimyento kaugnay sa kasalukuyang kondisyon ng negosyo. Gayunpaman, tumaas ang pag-aalala sa labor market, kung saan kaunting konsyumer lang ang may pananaw na marami ang mga trabaho. Bumagsak sa 4.9% ang inaasahang inflation, at mas kaunting tao ang umaasa na tataas ang presyo ng stocks. Bagamat gumanda ang pagtingin sa kondisyon ng mga negosyo, magkahalo ang pagsusuri sa personal na sitwasyon sa pananalapi, kung saan nananatiling maingat ang mga konsyumer tungkol sa prospektibo nilang kita sa hinaharap.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 103.5, na halos tugma sa iniulat na numero noong nakaraang buwan na 103.3.
Miyerkules, Setyembre 25
04:30 AM – Australia: CPI YoY (AUD)
Ang Consumer Price Index (CPI) indicator ay isang mahalagang panukat ng inflation, na sumusubaybay sa pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa magkakaibang kategorya ng gastusin ng mga tahanan. Nakakapagbigay ng pananaw ang datos na ‘to tungkol sa mga trend sa consumer prices, na nakakatulong para mapag-aralan ang cost of living at pwersa ng inflation. Ginagamit ang CPI ng mga mambabatas, kabilang ang mga bangko sentral, bilang gabay sa pamamalakad nito sa interest rates, at ginagamit rin ng mga negosyo para baguhin ang diskarte sa presyo at kontrata na may kinalaman sas inflation.
Noong Hulyo 2024, tumaas ng 3.5% sa loob ng nakaraang taon ang Consumer Price Index (CPI) ng Australia, na mas mababa mula 3.8% noong Hunyo. May nakitang matinding pagtaas sa presyo ng pabahay (+4.0%), pagkain at inumin na hindi alak (+3.8%), alak at sigarilyo (+7.2%), at transportasyon (+3.4%). Bumaba ng 5.1% ang presyo ng kuryente dahil sa rebate ng gobyerno, habang tumaas naman ng 2.7% ang presyo ng gas. Tumaas ng 4.0% ang petrolyo para sa mga sasakyan, habang tumaas rin ng 7.5% ang presyo ng pagkain dahil sa pagtaas ng presyo ng prutas at gulay.
Inaasahan ng mga ekonomista ang mas mababang antas na 2.8%.
Huwebes, Setyembre 26
10:30 AM – Switzerland: SNB Policy Rate (CHF)
Noong Hunyo 20, 2024, binawasan ng Swiss National Bank (SNB) ang policy rate nito ng 0.25 percentage points patungong 1.25%, na nagsimula noong Hunyo 21. Ginawa ang desisyong ito pagkatapos ng bahagyang paghina ng inflation, na naitala sa 1.4% noong Mayo. Layunin ng SNB na panatilihin ang angkop na kondisyon ng pamamalakad at siguraduhin na mananatili ang inflation sa saklaw kung saan matatag ang presyo. Naging katamtaman ang paglago ng GDP ng Switzerland noong unang bahagi ng 2024, kung saan inaasahan ng SNB ang 1% na paglago ngayong taon, at 1.5% sa 2025. Nananatiling malakas ang paglago ng ekonomiya sa buong mundo, pero humaharap ito sa risk ng tuloy-tuloy na inflation at geopolitical na tensyon.
Inaasahan ng mga analyst na magkakaroon ng ikatlong rate cut ngayong taon, kung saan babawasan ito ng 25 basis points.
15:30 – USA: Panghuling GDP QoQ (USD)
Sa ikalawang quarter ng 2024, tumaas ang real GDP ng US sa taunang rate na 3.0%, na mas mataas kumpara sa 1.4% noong unang quarter, at resulta ng mas mataas na gastusin ng mga konsyumer, pamumuhunan sa pribadong imbentaryo, at nakapirming pamumuhunan na hindi residensyal. Tumaas ng 5.5% ang current-dollar GDP, habang tumaas ng $233.6B ang personal na kita. Nakabawi ang kita ng mga korporasyon, na tumaas ng $57.6B pagkatapos nitong bumaba noong unang quarter. Bumaba sa 3.3% ang personal na rate ng ipon. Tumaas ng 2.5% ang inflation, gaya ng sukat ng PCE price index, kung saan nasa 2.8% ang core inflation (hindi kasama ang pagkain at enerhiya).
Inaasahan ng mga analyst na babagsak ang GDP sa ikatlong magkasunod na quarter, na inaasahang lalago sa 2.9%.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Ang pangunang claim ay pina-file ng isang indibidwal na walang trabaho at naglalayong makakuha ng unemployment insurance pagkatapos umalis sa trabaho. Nagsisilbi ito bilang nangungunang tagapaghiwatig ng ekonomiya, na sumasalamin sa kondisyon ng labor market. Kaya lang, dahil isa itong lingguhang administratibong datos, pwede itong magpabago-bago at mahirap itong i-adjust ayon sa panahon.
Sa linggong natapos noong Setyembre 7, 2024, bahagyang tumaas sa 230,000 ang pangunang unemployment claims sa US, na mas mataas ng 2,000 kumpara noong nakaraang linggo. Nasa 230,750 ang apat na linggong moving average. Hindi nagbago sa 1.2% ang insured unemployment rate. Samantala bumagsak ng 12,968 patungong 177,663 ang hindi na-adjust na pangunang claims. Dumami ng 1.85 milyon ang insured unemployment sa linggong nagtapos noong Agosto 31. May kapansin-pansing pagdami ng claims sa Massachusetts, habang nakapagtala naman ang Texas at New York na matinding pagbaba.
Inaasahan ng mga analyst ang panunang jobless claims na 224,000.
Biyernes, Setyembre 27
15:30 (GMT+3) – Canada: GDP m/m (CAD)
Ang Gross Domestic Product (GDP) ay isang mahalagang panukat ng output sa ekonomiya ng isang bansa o rehiyon. Kumakatawan ito sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa, na hindi kasama ang agarang pagkonsumo tulad ng raw materials o mga kumpuni. Pwedeng makalkula ang GDP gamit ang mga pamamaraan tulad ng value-added na pamamaraan, na tumitingin sa kontribusyon ng bawat sektor sa ekonomiya. Kapag tumataas ang GDP, nagpapahiwatig ito ng paglago ng ekonomiya, habang ang mabagal o negatibong GDP ay pwedeng magpahiwatig ng recession. Ginagamit ito bilang pamantayan sa pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya.
Noong Hunyo 2024, halos hindi nagbago ang real GDP ng Canada. Bumagsak ng 0.4% ang mga industriyang gumagawa ng mga produkto, na resulta ng pagbaba sa manufacturing at konstruksyon. Tumaas naman ng 0.1% ang mga industriyang nagbibigay ng serbisyo, na nagmamarka sa ikatlong sunod na buwan na tumaas ito. Kapansin-pansin ang 1.5% na pagbagsak sa manufacturing, at bumaba rin ang konstruksyon sa ikatlong sunod na buwan. Gayunpaman, nakatulong sa paglago ang utilities at real estate. Sa ikalawang quarter ng 2024, tumaas ng 0.5% ang real GDP, kung saan pinangunahan ito ng pampublikong sektor, pagmimina, at transportasyon, habang humaharap naman sa pagbagsak ang sektor ng konstruksyon at manufacturing.
Inaasahan ng mga analyst ang pagbasa na 0.1.
15:30 – USA: Core PCE Price Index MoM
Sinusukat ng Personal Consumption Expenditures (PCE) ang halaga ng mga produkto at serbisyo na kinonsumo ng mga indibidwal at tahanan. Isa itong mahalagang tagapaghiwatig sa pagkonsumo ng mga konsyumer, na sumasalamin sa malaking bahagi ng aktibidad sa ekonomiya ng US. Kadalasang ginagamit ang PCE para subaybayan ang mga trend sa inflation, dahil kasama dito ang presyo na binayad ng mga konsyumer. Ginagamit ng Federal Reserve ang PCE price index bilang napili nitong panukat ng inflation at maging gabay sa magiging pamamalakad, para sa layunin na panatilihing matatag ang presyo ng ekonomiya.
Noong Hulyo 2024, tumaas ng 0.3% ang personal na kita sa US, o $75.1B, habang tumaas rin patungong $54.8B ang disposable personal income. Tumaas ng 0.5% ang Personal Consumption Expenditures (PCE), na resulta ng mas mataas na paggastos sa mga produkto at serbisyo. Tumaas ng 0.2% ang PCE price index, habang tumaas rin ng 0.2% ang core inflation (hindi kasama ang pagkain at enerhiya). Umakyat ng 0.1% ang real disposable income, habang tumaas ang real PCE ng 0.4%, kung saan mas mataas ng 0.7% ang paggastos sa mga produkto at 0.2% sa mga serbisyo. Bumagsak sa 2.9% ang personal na rate ng ipon. Sa loob ng nakaraang taon, tumaas ng 2.5% ang PCE price index.
Inaasahan ng mga ekonomista ang bahagyang pagtaas na 0.2%.
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 23–27)
Huwebes, Setyembre 26: COST (Costco Wholesale Corp)
Pangkalahatan
Lubhang makakaapekto sa galaw ng market ang mga pangyayari sa ekonomiya ngayong linggo, at makakapagbigay ito ng pananaw tungkol sa kalusugan ng mahahalagang sektor tulad ng manufacturing, mga serbisyo, at inflation sa mga ekonomiya sa buong mundo. Magiging gabay ang mga naturang datos sa pagdedesisyon ng bangko sentral, at makakaapekto ito sa mga currency market, at sasalamin sa sentimyento ng mga negosyo at konsyumer. Habang nabubunyag ang antas ng manufacturing, mga serbisyo, at pwersa ng inflation, makakapagbigay ang mga naturang resulta ng kritikal na senyales kaugnay sa mga trend at katatagan ng ekonomiya, na makakaimpluwensya sa mga madiskarteng desisyon sa financial markets at mas malawak na patakaran sa ekonomiya.