Ang nalalapit na linggo ay punong-puno ng mahahalagang pangyayari sa ekonomiya na makakapagbigay ng pananaw tungkol sa lagay ng manufacturing sa buong mundo, kondisyon ng labor market, at trends sa inflation. Tututukan ang Manufacturing PMI ng China tungkol sa kalusugan ng buong sektor, habang inaasahan naman na makakapagpakita ng matinding pagtaas ang US Nonfarm Employment Change. Bukod dito, kritikal ang pamamalakad ng bangko sentral at datos sa inflation ng Switzerland at US para sa pagsubaybay ng galaw ng mga currency at mas malawak na katatagan ng ekonomiya.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Lunes 04:30 am (GMT+3) – China: Manufacturing PMI (CNY)
Martes 17:00 (GMT+3) – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Martes 17:00 (GMT+3) – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Miyerkules 15:15 am (GMT) +3) – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Huwebes 09:30 am (GMT+3) – Switzerland: CPI MoM (CHF)
Huwebes 15:30 (GMT+3) – USA: Unemployment Claims (USD)
Huwebes 17:00 (GMT+3) – USA: ISM Services PMI (USD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – USA: Nonfarm Employment Change (USD)
Lunes, Setyembre 30
04:30 AM – China: Manufacturing PMI (CNY)
Ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ng China ay isang buwanang ulat tungkol sa sektor ng manufacturing ng China, na inilalathala ng China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP) at National Bureau of Statistics (NBS). Nagsu-survey ito ng 3,200 kumpanya sa iba’t-ibang industriya at rehiyo, para sukatin ang mahahalagang sub-indicators tulad ng output, bagong orders, at mga trabaho. Nagpapahiwatig ng paglago ang PMI na nasa itaas ng 50, habang nagpapakita ng paghina ang numero na mas mababa sa 50.
Nagpakita na umurong ang manufacturing PMI ng China ngayong Q2 2024, kung saang bumabagal ang malalaking kumpanya at naghihikahos ang maliliit na negosyo. Humina ang paglago ng output at bumaba ang demand habang bumagsak ang mga presyo. Inaasahang dadagdagan ng gobyerno ang suporta nito, na umaasa sa 5.0% GDP growth sa Q3 2024 at katamtamang pagtaas ng PMI sa itaas ng 50, na susuportahan ng paglago ng imprastraktura at pag-export.
Inaasahan ng mga naalyst na uurong pa rin ang sektor ng manufacturing sa China sa ikalimang sunod na buwan, habang inaasahang makakapagtala ng 49.3 ang Purchasing Managers’ Index (PMI), na nagpapahiwatig ng patuloy na paghina sa industriyal na aktibidad.
Martes, Oktubre 1
17:00 – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Ang Manufacturing PMI ay isang buwanang survey tungkol sa manufacturing sa US. Kabilang dito ang composite index na nagpapahiwatig ng paglago ng sektor kung mas mataas sa 50% at pag-urong kung mas mababa dito. Sinusubaybayan ng ulat ang pagbabago sa mahahalagang indicator tulad ng bagong orders, produksyon, at trabaho, kaya nakakapagbigay ito ng pananaw sa kalusugan ng sektor ng manufacturing at mas malawak na ekonomiya.
Ngayong Agosto 2024, nasa 47.2% ang US Manufacturing PMI, na sumesenyas ng ikalimang sunod na buwan ng paghina nito. Bumaba ang bagong orders, produksyon, at mga trabaho, habang tumaas ang presyo, at humina rin ang pag-export at mga inangkat. Sa kabila ng mahinang demand, nagpakita ng pagtaas ang pagkain, inumin, produkto sa sigarilyo, at produkto sa computer at elektroniko. Nagpapatuloy ang hindi kasiguraduhan sa ekonomiya sa gitna ng maingat na pamumuhunan.
Inaasahan ng mga ekonomista ang pagbasa na 48.6, na nagpapahiwatig na malamang manatili ang pag-urong ng sektor ng manufacturing sa US.
17:00 – USA: JOLTS Job Openings
Ang Job Openings and Labor Turnover Survey ay isang buwanang ulat batay sa survey ng mga employer, na nagpapakita ng mga bakanteng trabaho sa sektor ng komersyal, industriyal at opisina sa US, maliban sa industriya ng agrikultura.
Ang paglago nito ay pwedeng magkaroon ng positibong epekto sa US dollar.
Noong Hulyo 2024, hindi nagbago sa 7.7 milyon ang US job openings, kung saan 5.5 milyon ang nagkaroon ng bagong trabaho at 5.4 milyon ang nawalan nito. Nanatili sa 3.3 milyon ang mga umalis, habang nanatili rin sa 1.8 milyon ang mga nasisante. Bumaba ang mga bagong trabahon sa sektor ng kalusugan at gobyerno, pero tumaas ito sa propesyonal na serbisyo at pederal na gobyerno. Dumami ang trabaho sa accommodation at serbisyo sa pagkain, habang tumaas rin ang sa kalusugan. Sa inilabas na pagbabago ng numero para sa Hunyo 2024, bahagyang bumagsak ang mga bakanteng trabaho at mga nagkaroon ng bagong trabaho.
Inaasahan ng mga analyst ang kaunting pagtaas, kung saan inaasahan nito ang paglago na humigit-kumulang 50,000.
Miyerkules, Oktubre 2
15:15 AM – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Sinusubaybayan ng ADP Nonfarm Employment Change ang buwanang pagbabago sa mga trabaho sa 19 na sektor ng manufacturing sa US, maliban sa agrikultura at gobyerno.
Ang paglago ng mga trabaho ay may positibong epekto sa US dollar.
Nitong Agosto, dumami ng 99,000 trabaho ang pribadong sektor, habang tumaas rin ng 4.8% YoY ang taunang sweldo. Halos nasa sektor ng mga serbisyo ang mga bagong trabaho, na may kapansin-pansing pagtaas sa konstruksyon, pinansyal na aktibidad, at edukasyon/kalusugan. Tumaas ang mga trabaho sa katamtaman at malalaking negosyo, habang bahagyang bumaba ang mga maliliit na negosyo. Hindi nagbago ang paglago ng sahod, kung saan nakaranas ng 7.3% na pagtaas ang mga palipat-lipat ng trabaho.
Inaasahan ng mga analyst at katamtamang paglago sa pribadong sektor.
Huwebes, Oktubre 3
09:30 AM – Switzerland: CPI m/m (CHF)
Sinusubaybayan ng Consumer Price Index (CPI) ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo na sumasalamin sa paggastos ng mga tahanan sa Switzerland. Ipinapakita nito kung paano dapat babaguhin ng mga konsyumer ang paggastos nila para mapanatili ang parehong lebel ng pagkonsumo sa kabila ng pagtaas-baba ng presyo.
Nitong Agsoto 2024, hindi nagbago ang Consumer Price Index (CPI) ng Switzerland sa 107.5 points, kung saan nasa 1.1% ang taunang inflation rate. Bagamat tumaas ang presyo ng renta sa bahay at damit, humina naman ang bayad sa transportasyon, heating oil, at internasyonal na bakasyon. Nakaranas ng 2.0% na pagtaas sa presyo ng lokal na produkto, habang buamgsak ng 1.9% ang mga inangkat na produkto. Tumaas ng 1.1% ang core inflation, maliban sa mga tumataas-baba na bagay tulad ng enerhiya.
Inaasahan ng mga analyst ang katamtamang pagbaba na 0.2%.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Ang pangunang claim ay pina-file ng isang indibidwal na walang trabaho at naghahanap ng unemployment insurance pagkatapos umalis ng trabaho. Nagsisilbi ito bilang nangungunang tagapaghiwatig ng ekonomiya, na sumasalamin sa kondisyon ng labor market. Kaya lang, dahil isa itong lingguhang administratibong datos, pwede itong tumaas-baba at mahirap ito baguhin ayon sa panahon.
Sa linggong nagtapos noong Setyembre 14, 2024, bumagsak ng 12,000 patungong 219,000 ang claims para sa unemployment insurance, kung saan bumaba ng 227,500 ang 4 na linggong moving average. Nanatili sa 1.2% ang insured unemployment rate, habang bumaba ng 14,000 patungong 1.83 milyon ang bilang ng insured na walang trabaho. Sa hindi na-adjust na datos, bahagyang tumaas ng 6,436 patungong 184,845 ang aktwal na pangunang claims.
Inaasahan ng mga analyst na maitatala sa 224,500 ang pangunang jobless claims, na sumasalamin sa matatag na labor market.
17:00 – USA: ISM Services PMI (USD)
Sinusukat ng ISM Services PMI ang aktibidad sa sektor ng mga serbisyo sa US para sa iniuulat na buwan. Nakuha ito mula sa survey ng mga executive sa sektor ng serbisyo. Ang pagbasa na mas mataas sa 50 ay pwedeng magkaroon ng positibong epekto para sa US dollar.
Nitong Agosto 2024, nasa 51.5% ang Services PMI, na nagpapahiwatig ng katamtamang paglago sa sektor ng serbisyo sa ikalawang sunod na buwan. Nanatiling tumaas ang mga negosyo at bagong orders, habang bumagal pero tumaas pa rin ang mga trabaho. Gumanda ang pag-deliver ng mga supplier dahil sa mas mabilis na paghahatid. Bahagyang tumaas ang presyo, at tumaas ang imbentaryo pagkatapos ng dalawang buwan na pag-urong nito. Nakapagtala ng paglago ang sampung sektor, at tumaas rin ang pangkalahatang sektor ng serbisyo sa loob ng nakaraang 18 sa 20 buwan.
Inaasahan ng mga analyst ang katamtamang paglago sa sektor ng mga serbisyo sa ikatlong sunod na buwan, na sumesenyas ng tuloy-tuloy na pagbawi nitong sektor.
Biyernes, Oktubre 4
15:30 – USA: Nonfarm Employment Change (USD)
Ipinapakita ng Nonfarm Payrolls ang bilang ng mga bagong trabaho na naidagdag sa US para sa mga sektor na wala sa agrikultura. Ang pagtaas nito ay pwedeng magkaroon ng positibong epekto sa halaga ng dolyar.
Nitong Agosto 2024, tumaas ng 142,000 ang kabuuang nonfarm payroll employment, na may kapansin-pansing paglago sa konstruksyon (+34,000) at kalusugan (+31,000). Hindi nagbago sa 4.2% ang unemployment rate, kung saan 7.1 milyon ang walang trabaho. Tumaas ng 0.4% patungong $35.21 ang average na sahod kada oras, habang bahagya rin gtumaas sa 34.3 na oras ang average na workweek.
Inaasahan ng mga analyst ang 267,000 bagong trabaho sa nalalapit na nonfarm employment report.
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 30–Oktubre 4)
Huwebes, Oktubre 1: NKE (NIKE, Inc.)
Pangkalahatan
Tampok sa nalalapit na linggo ang iba’t-ibang malalaking pangyayari sa ekonomiya na inaasahang magbibigay ng kritikal na pananaw tungkol sa takbo ng manufacturing sa buong mundo, kondisyon ng labor market, at trends sa inflation. Sa partikular, papakiramdaman ng Manufacturing PMI ng China ang lagay ng sektor ng mga industriya sa bansa, habang inaasahan naman ang US Nonfarm Employment Change na magpakita ng matinding pagdami ng mga trabaho. Bukod dito, mahalaga ang papel ng datos sa inflation at pamamalakad ng mga bangko sentral sa Switzerland at US kaugnay sa pagsubaybay ng pagtaas-baba ng currency at pangkalahatang takbo ng ekonomiya.