Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Sa Linggong Ito – GDP ng US at PCE Price Index
27 May 2024 | FXGT.com

Sa Linggong Ito – GDP ng US at PCE Price Index

Mga Papalapit na Mahahalagang Pangyayari:

  • US Ika-2 Pagtantya ng GDP Growth Rate nitong Q1 15:30 (GMT+3) Huwebes, Mayo 30
  • EU Inflation Rate Flash 12:00 (GMT+3) Biyernes, Mayo 31
  • US PCE Price Index 15:30 (GMT+3) Biyernes, Mayo 31

Anong Aabangan sa US: Sa mas maikling linggo na resulta ng pista opisyal na Memorial Day, kasama sa mga ilalabas na datos ang pangalawang pagtatantya ng Q1 GDP sa Huwebes, at core PCE price index nitong Abril sa Biyernes. Kapag mas mababa ang PCE at humina ang datos sa kita/paggastos, maaaring umusbong ulit ang pag-asang magkaroon ng rate cut, na makakaapekto sa dolyar. Masusi ring babantayan ang komento ng mga opisyal ng Fed para sa anumang pahiwatig sa pamamalakad, bago nito ilabas sa Hunyo 12 ang desisyon sa interest rate.

Datos sa Inflation ng Eurozone: Kabilang sa mahahalagang balita ay ang pangunang CPI nitong Mayo na ilalabas sa Biyernes, na mahalaga sa magiging desisyon ng ECB sa interest rates sa darating na Hunyo 6. Sa umpisa ng linggo, magpapahiwatig ng pangkalahatang inflation sa Eurozone ang CPI ng Germany na ilalabas sa Miyerkules. Bagamat inaasahan ang rate cut sa Hunyo, maaaring hindi ito matuloy kapag sorpresang tumaas ang CPI sa Europa, na siyang susuporta sa euro.

Mga Tagapaghiwatig sa Ekonomiya ng Japan: Humaharap ang Japan sa umuurong na ekonomiya at bumabagal na inflation ngayong Q1, kaya may pag-aalinlangan sa ipatutupad na rate hike ng BOJ ngayong tag-init. Kritikal ang CPI ng Tokyo ngayong Mayo, pati na ang industriyal na produksyon at datos sa retail sales, para malaman kung anong aasahan ng market at matukoy kung papanatilihin ng BOJ ang kasalukuyan nitong pamamalakad o isaalang-alang ang pagbabago ng patakaran.

CPI ng Australia at PMI ng China: Nakatakdang ilabas sa Miyerkules ang buwanang CPI ng Australia, na magiging kritikal para sa magiging desisyon ng RBA sa interest rates nito. Maaaring tumagal ang pagbangon ng Aussie kung magpapatuloy pa ang inflation. Bukod dito, maiimpluwensyahan ang AUD ng retail sales sa Australia at PMI ng China ngayong Mayo. Kapag nakakadismaya ang retail sales, maaaring mahikayat ang RBA na magpatupad ng rate cut, lalo na kung ipinapakita ng datos na bumaba ang inflation.

Ngayong linggo, masusing susubaybayan ng mga market ang mga sumusunod na datos sa ekonomiya at ulat sa kita tulad ng:

Lunes:

  • US Pista Opisyal – Memorial Day
  • UK Pista Opisyal – Spring Bank Holiday
  • DE Ifo Business Climate ngayong Mayo

Martes:

  • AU Pangunang Retail Sales MoM nitong Abril
  • US CB Consumer Confidence ngayong Mayo
  • US Dallas Fed Manufacturing Index ngayong Mayo

Miyerkules:

  • AU Buwanang Tagapaghiwatig ng CPI nitong Abril
  • JP Consumer Confidence ngayong Mayo          
  • DE GfK Consumer Confidence sa Hunyo
  • DE Pangunang Inflation Rate ngayong Mayo    
  • Ulat sa Kita:
    • Salesforce, Inc.
    • Agilent Technologies, Inc.

Huwebes:

  • EU Sentimyento ng Ekonomiya ngayong Mayo
  • EU Unemployment Rate nitong Abril
  • US Ika-2 Pagtantya ng GDP Growth Rate nitong Q1      
  • US Nakabinbin na Bentahan ng Bahay nitong Abril
  • Ulat sa Kita:
    • Costco Wholesale Corporation
    • Dell Technologies Inc.
    • Marvell Technology, Inc.
    • Veeva Systems Inc.

Biyernes:

  • JP Unemployment Rate nitong Abril
  • JP Tokyo CPI ngayong Mayo
  • JP Retail Sales nitong Abril
  • CN NBS Manufacturing PMI ngayong Mayo
  • EU Inflation Rate Flash ngayong Mayo
  • CA GDP Growth Rate nitong Q1
  • US PCE Price Index ngayong Abril         
  • US Personal na Kita nitong Abril
  • US Personal na Paggastos nitong Abril
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.