Bumagsak ang Brent Crude at West Texas Intermediate (WTI), dahil ng mahinang demand mula sa mga powerhouse na ekonomiya tulad ng US at China. Sa isang hindi inaasahang hakbang, binawasan ng Aramco ang mga presyo para sa Europa at US habang tinatahak ang mga ito para sa Asia, na nagpapahiwatig ng kumpiyansa sa katatagan ng rehiyon. Samantala, ang kaguluhan sa pulitika ng Libya ay nag-resulta sa pagkabawas ng produksyon ng langis. Sa gitna ng mga global equity sell-off at tumataas na pangamba sa recession, sumipa ang VIX volatility index, na sumangayon sa bagabag ng mga investor. Ayon sa technical analysis magkakaroon ng karagdagang pagbaba ng presyo, nagpapakita sa pagkakumplikado at nakakaakit na mga puwersang humuhubog sa market ng langis ngayon.
Ang Global Economic Growth Ay Nakakaapekto sa Presyo ng Langis
Ang Brent crude ay bumagsak ng mababa sa $76 bawat barrel, pinawi ang labintatlong buwang mga paglago, habang ang West Texas Intermediate (WTI) ay bumagsak nang bahagya ng mababa sa $72 bawat barrel, na minarkahan ang limang linggong sunod-sunod na pagbaba at mas mababang mga mataas. Ang pagbaba na ito ay naganap sa gitna ng lumalaking pag-aalala tungkol sa pang-ekonomiyang pananaw at mahinang demand, partikular na mula sa US at China, ang pinakamalaking importer ng Krudo sa mundo.
Sa apat na magkakasunod na linggo, ang oil market ay nakakaranas ng mga pagbaba, na nagpapakita ng humihinang demand sa parehong US at China. Sa katapusan ng linggo, inihayag ng China ang mga plano na palakasin ang domestic consumption sa pagsisikap na pasiglahin ang demand. Sa kabila ng pagbawas ng supply ng OPEC+ sa kabuuang 5.86 milyong barrel bawat araw at mga alalahanin tungkol sa mga potensyal na pagkagambala sa Middle East, nananatiling maingat ang merkado. Ang mga pangamba na ang ekonomiya ng US ay maaaring bumagal, na posibleng patungo sa isang pag-urong, ay tumitimbang din sa mga presyo.
Binago ng Saudi ang Presyo ng Langis
Ang Saudi state-owned kumpanya ng petroleum at natural gas na Aramco ay nag-adjust kamakailan ang presyo ng krudo nito. Binabaan nito ang mga presyo para sa Europa at Estados Unidos dahil sa mahinang demand. Ang pinakamalaking pagbawas ay nasa 2.75% para sa Europa at 0.75% para sa US. Sa kabilang banda, itinaas ng Aramco ang mga presyo para sa mga mamimili sa Asya sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan pagkatapos ng mga pagbabawas, na nagpapahiwatig ng kumpiyansa sa pangangailangan ng rehiyon. Ang desisyong ito ay dumating sa gitna ng mga ulat ng pagbaba ng konsumo ng diesel ng China at mahinang sektor ng pagmamanupaktura, na hinahamon ang paniwala ng malakas na demand ng gasolina ng China sa kabila ng pagsipa ng presyo ng Aramco.
Pagbawas ng Produksyon sa Libya
Ayon sa Bloomberg, inakusahan ng internasyonal na kinikilalang gobyerno ng Libya ang iba na nakikibahagi sa “political blackmail” habang ang produksyon ay nababawasan sa Sharara, ang pinakamalaking oil field ng bansa. Ang mga tao pamilyar sa sitwasyon ay nag-ulat na ang produksyon sa Sharara ay bumaba ng hindi bababa sa mga 50,000 barrel bawat araw, na sumututal na mga 210,000 barrel. Ang pagbaba na ito ay nangyari matapos makatanggap ang mga manggagawa ng patnubay noong Sabado ng gabi na bawasan ang output mula sa southern field. Ito ay isang karagdagang kadahilanan ng pag-aalala sa pandaigdigang uncertainty sa merkado ng langis.
Global Equity Sell-off
Nagigipit ang mga pandaigdigang stock market, na humantong sa isang sell-off sa mga equity market, kasama ang mga nakakadismaya na kita at takot sa isang potensyal na recession. Dahil dito inaasahan na ang mga presyo ng langis ay maaaring higit pang bumaba sa maikling panahon. Sa partikular, ang mga crude oil future ng US ay umabot sa pinakamababa sa loob ng anim na buwan noong Lunes dahil ang pangamba sa nalalapit na recession ay nagdulot ng sell-off sa mga equity market.
Tumaas ang Pangamba Mula Noong 2020
Ang VIX, na inassess ang inaasahang pagkabago ng stock market batay sa S&P 500 option pricing, ay humigit ng taas sa 65 noong Lunes ng umaga, na nagbibigay kawalan ng katiyakan sa mga investor at nagpapahiwatig ng paghina ng pandaigdigang paglago. Dahil sa pagbaba ng demand ng Langis, bumagsak ang presyo ng Langis ng higit sa 8% kumpara sa nakaraang buwan.
Sa nakaraan, ang mga ganitong pagtaas sa VIX ay madalas na kasabay ng makabuluhang pagbaba ng merkado, ngunit maaaring panandalian lang ito at maaaring mangyari bago ang muling pagbangon ng merkado.
Mga Technical Price Target
Ang Crude Oil ay nasa downtrend mula noong Hulyo 5, nang ang price action ay bumuo ng isang Shooting Star Japanese candlestick bearish reversal pattern. Gaya ng inaasahan, ang mga presyo ay nanitili sa magkakasunod na mas mababang peak at trough, habang nagrehistro ng mas mababa sa 100 baseline ang Momentum oscillator at ang Relative Strength Index (RSI) sa 50 baseline. Ang paggamit ng Fibonacci Retracement tool sa pinakabagong swing, dalawang potensyal support level ang maaaring makuha. Ang una ay makikita sa $68.26 bawat barrel, kasabay ng nabuong trough noong Disyembre 12, 2023, at ang 261.8% ng Fibonacci Extension. Tinutukoy nitong senaryo ang isang pababang target sa 61.82, na kumakatawan sa 423.6% Fibonacci Extension ng pinakabagong swing.
Pangkalahatan
Ang pandaigdigang pang-ekonomiyang pananaw ay nagtulak sa pagbaba ng mga presyo ng langis, kung saan ang Brent crude ay mas bumaba sa $76 kada barrel at West Texas Intermediate (WTI) sa $72 kada barrel. Ang mahinang demand mula sa US at China, sa kabila ng mga pagbawas sa supply ng OPEC+, ay nagpapalakas sa mga pagbabang ito. Tumugon ang Aramco sa pamamagitan ng pagbaba ng mga presyo para sa Europa at US ngunit itinaas ang mga ito para sa Asya, na nagpapakita ng kumpiyansa sa pangangailangan ng Asya sa kabila ng humihinang pagkonsumo ng diesel at sektor ng pagmamanupaktura ng China.
Ang pinakamalaking oil field sa Libya, ang Sharara, ay nagbawas ng produksyon ng mga 50,000 barrel kada araw dahil sa mga isyung pampulitika, na nagdaragdag sa kawalan ng katiyakan sa merkado. Nagigipit rin ang mga pandaigdigang equity market, na meron mga malaking sell-off at takot sa recession na nagtutulak sa mga US crude oil future na umabot sa pinakamababa sa loob ng anim na buwan. Ang VIX volatility index ay pumalo, na nagpapahiwatig ng pagtaas ng kawalan ng katiyakan ng investor at mas mahinang pandaigdigang na paglago. Tinutukoy ng technical analysis ang higit pang mga potensyal na pagbaba, na may mga support level sa $68.26 at isang pessimistic na target sa $61.82 bawat barrel.