Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sumipa ang US Stocks dahil sa Pagtaas ng Jobless Claims, kaya Lumaki ang Tyansa ng Fed Rate Cuts
10 May 2024 | FXGT.com

Sumipa ang US Stocks dahil sa Pagtaas ng Jobless Claims, kaya Lumaki ang Tyansa ng Fed Rate Cuts

  • Takbo ng mga US Stock Index: Nadugtungan pa ang sunod-sunod na pagtaas ng Dow sa ikapitong sunod na araw, kung saan umakyat ito ng 0.90% nitong Huwebes patungo sa 5-linggong high. Ito na ang pinakamalaking pagtaas simula noong Disyembre, na resulta ng mas mahinang job market at pag-abang sa posibleng rate cuts ng Federal Reserve sa pagtatapos nitong taon.
  • Datos sa Jobless Claims: Sunod-sunod na tumaas ang stocks pagkatapos ng ulat tungkol sa mas mataas kaysa sa inaasahang US jobless claims, na pwedeng magpabagal sa pwersa ng inflation at maging suporta sa pagkakaroon ng rate cuts ng Federal Reserve sa hinaharap. Tumaas ang jobless claims sa 231,000 noong nakaraang linggo, na lagpas sa inaasahan ng mga ekonomista na 215,000.
  • Datos tungkol sa mga Trabaho nitong Abril: Hindi naabot ang forecast tungkol sa Non-Farm Payrolls na inilabas noong nakaraang linggo, kung saan nakapagdagdag lamang ang US ng 175,000 trabaho noong Abril, na mas mababa kaysa sa inaasahang 240,000. Pwedeng senyales ito ng pagbagal ng labor market.
  • Pananaw ng Federal Reserve: Bagamat tumaas kamakailan ang jobless claims, pinanatili ng mga opisyal ng Federal Reserve ang maingat na pananaw nito tungkol sa rate cuts. Binigyang-diin nila na kailangan pa ng mas matinding galaw tungo sa 2% inflation target ng Fed pati ng mas malinaw na senyas ng humihinang job market bago magpatupad ng anumang pagluluwag sa patakaran.
  • Inaasahang Interest Rate: Pagkatapos ng ulat sa jobless claims, tinataya ng Fed Funds Futures ng posibleng magkaroon ng 25 basis point na rate cuts ngayong taon, na magkaiba sa dating inaasahan na isa lang, kung saan inaabangan ang pinakaunang pagbabawas sa Setyembre o Nobyembre.
  • Paparating na Datos sa Ekonomiya: Tumututok na ngayon ang market sa susunod na ulat tungkol sa producer at consumer price index, na mahalaga para magkaroon ng higit pang pag-unawa tungkol sa mga trend sa inflation at potensyal na kilos ng Fed.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.