Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Kinumpirma ng Datos sa UK na Nagkaroon ng Recession noong Nakaraang Taon
28 Marso 2024 | FXGT.com

Kinumpirma ng Datos sa UK na Nagkaroon ng Recession noong Nakaraang Taon

  • Kumpirmasyon ng Recession sa UK: Iniulat ng Office for National Statistics ang 0.1% na pag-urong ng GDP sa UK noong ikatlong quarter at 0.3% na pagbaba noong ika-apat na quarter. Tumutugma ito sa mga pangunang tantya at hindi nito lubos na naapektuhan ang pound o ang mga inaasahang mangyari sa patakarang pananalapi.
  • Mas Inaasahan ang Rate Cut ng BOE dahil sa Datos ng Inflation sa UK: Pinagtibay ng mga inilabas na datos ang mas mahinang inflation ngayong Pebrero sa UK, kaya inaabangan ng market ang rate cuts ng Bank of England (BoE) na pwedeng magsimula ngayong Hunyo.
  • Inaasahang Patakaran sa Pananalapi ng BoE: Nagpapahiwatig ang futures markets ng humigit-kumulang 20% tyansa ng rate cut mula sa BoE sa pulong nito ngayong Mayo, na may 55% na posibilidad na magbawas pa sa pulong nito sa Hunyo. Nagbabago pa ang inaasahan ng traders batay sa senyales ng bangko sentral at mas malawak na pananaw sa ekonomiya.
  • Komento ng Fed Governor na si Christopher Waller: Binigyang-diin ni Waller ang maingat na pagtugon sa rate cuts, na nagpapahiwatig sa kahalagahan ng dagdag pang ebidensya sa paghina ng inflation, bago simulan ang easing, kaya sinusuportahan niya ang paghihintay sa ngayon.
  • Inaasahang Rate Cuts ng Fed: Isinasaad ng CME Fed Watch Tool na mayroon nang 63.5% probabilidad ng rate cut sa pulong ng Federal Open Market Committee ngayong Hunyo, na sumusuporta sa komento ni Waller at mga bagong trend sa datos.
  • Humaharap sa Hamon ang Pound Sterling Bago Ilabas ang Datos sa US PCE: Bumagsak ang GBPUSD sa $1.2600 habang hinihintay ng market ang datos sa core Personal Consumption Expenditure (PCE) inflation sa US ngayong Pebrero. Mahalaga ang paparating na datos dahil pwede itong magbigay ng pananaw kung kailan ipapatupad ng Federal Reserve ang rate cuts nito.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.