Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Inaasahang Pagtaas-baba Dahil sa Datos sa US: Tinututukan ang PCE Inflation at Datos sa GDP
25 June 2024 | FXGT.com

Inaasahang Pagtaas-baba Dahil sa Datos sa US: Tinututukan ang PCE Inflation at Datos sa GDP

  • Kahalagahan ng mga Ilalabas na Datos sa US: Ngayong linggo, maaaring makaranas ang US dollar ng pagtas-baba dahil sa iba’t-ibang mahahalagang datos na ilalabas. Kabilang sa importanteng ulat ay ang durable goods orders at Michigan consumer sentiment. Kaya lang, pangunahing tututukan ang panghuling Q1 GDP sa Miyerkules at core PCE sa Biyernes. Bukod dito, inaasahang makakakuha ng malaking atensyon sa Huwebes ang unang debate ng mga tumatakbong presidente sa US.
  • Ulat sa US PCE Inflation: Kritikal ang ulat sa US PCE inflation na nakatakdang ilabas sa Biyernes, dahil pwede nitong maimpluwensyahan ang desisyon ng Federal Reserve sa interest rates. Mahalaga ang ulat na ito dahil ang Personal Consumption Expenditures (PCE) ay ang napili ng Fed bilang panukat ng inflation. Ngayong taon, hindi tuloy-tuloy ang datos sa inflation at hindi ito nagpakita ng malinaw na trend. Halimbawa, noong Abril, tumaas lang ng 0.2% MoM ang core PCE inflation, at dahil hindi nito naabot ang inaasahang halaga, may ibang nag-aabang ng potensyal na rate cuts.
  • Inflation at Policy Rates: Bagamat may kapansin-pansing pag-usad sa pagkontrol ng inflation, kailangan pa ng higit na pagsisikap para gawing matatag ang presyo nang hindi nagdudulot ng matinding pagkagambala sa ekonomiya. Sa kabila ng kamakailang positibong datos, maaaring kailanganin ng Fed na panatilihin ang mataas na interest rates kung hindi bababa ang inflation sa 2% na target. Kung mabilis na bumaba ang inflation o hindi inaasahang bumagal ang job market, pwedeng mangailangan ng rate cut. Kaya lang, kung mabagal ang pagbaba ng inflation, pwedeng magdesisyon ang Fed na panatilihing mataas ang interest rates sa mas mahabang panahon.
  • Implikasyon sa Equity Market: Maaaring gumanda ang pananaw ng market kapag mas mahina ang PCE kumpara sa inaasahan, kaya potensyal itong magresulta ng pagtaas ng mga equity dahil karaniwang tumataas ang stocks kapag mababa ang interest rates. Sa kabilang banda, kapag mas mataas ang PCE kaysa sa inaasahan, maaaring mabigo ang pag-asang magkaroon ng maagang rate cuts at pwede nitong palakasin ang US dollar habang binabago ng traders ang kanilang inaasahan kaugnay ng direksyon ng pamamalakad ng Fed.
  • Dagdag na Tagapaghiwatig sa Ekonomiya: Susuriin din ang ulat sa Biyernes kasama ng iba pang tagapaghiwatig sa ekonomiya, tulad ng personal na kita at paggastos para sa buwan ng Mayo. Makakatulong ang mga pananaw na ito para pag-aralan ang pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya at demand ng mga konsyumer, na huhubog sa paparating na galaw ng Fed tungkol sa pamamalakad nito.
  • Paghuling GDP para sa Q1: Dumadagdag pa dito ang panghuling GDP para sa Q1 na ilalabas sa Huwebes. Makakapagbigay ang ulat na ito ng komprehensibong pananaw tungkol sa paglago ng ekonomiya at pwedeng makaimpluwensya sa sentimyento ng market bago ilabas ang datos sa PCE. Inaasahan ang binagong GDP na mananatili sa 1.3%. Kapag mas malakas ang GDP, maaari itong magpahiwatig ng katatagan ng ekonomiya sa kabila ng mas mataas na interest rates, kaya magiging kumplikado pa ang pagdedesisyon ng Fed. Sa kabilang banda, kapag mas mababa ang GDP, pwedeng tumaas ang pag-asa na maging dovish ang Fed, lalo na kung mahina ang datos sa inflation.
  • Paparating na Debate ng mga Tumatakbong Presidente: Panghuli, masusing susubaybayan sa Huwebes ang unang debate sa pagitan ng mga tumatakbong presidente sa US na sina Pangulong Joe Biden at dating pangulo na si Donald Trump. Maaaring magdulot ng pagtaas-baba sa market ang debate na ‘to, kung saan tututukan ang mahahalagang isyu tulad ng kalusugan ni Biden at patakaran ni Trump sa buwis at taripa. Pwedeng magbago ang pananaw ng market kapag nagkaroon ng anumang sorpresa, na potensyal na magpataas ng demand sa USD bilang isang safe haven currency sa gitna ng hindi kasiguraduhan sa politika.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.