Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Bumaba ang US Dollar sa Gitna ng Pagbabago ng GDP, Tinututukan ang Paparating na Datos sa PCE
30 May 2024 | FXGT.com

Bumaba ang US Dollar sa Gitna ng Pagbabago ng GDP, Tinututukan ang Paparating na Datos sa PCE

Bumaba ang US Dollar Dahil sa mas Mahinang GDP at Core PCE: Bumagsak ang US dollar laban sa maraming pangunahing currency at bumaba ang yield ng government bonds sa umpisa ng American session noong Huwebes, pagkatapos babaan mula 1.6% patungong 1.3% ang tinatayang paglago ng GDP nitong Q1.

Binago ang Tantyang GDP at Paggastos: Naabot ng headline GDP ang inaasahang halaga, pero nakasama dito ang pababang pagbabago sa paggastos ng mga konsyumer, investment sa pribadong imbentaryo, at tinatayang gastos ng pederal na gobyerno.

Pangalawang Tantya na GDP nitong Q1: Binabaan ang headline GDP mula 1.6% patungong 1.3%. Nanatiling matatag ang price index sa 3.1%. Humina ang headline PCE mula 3.4% patungong 3.3%, at bumagsak ang core PCE mula 3.7% patungong 3.6%.

Lingguhang Jobless Claims: Tumaas mula 216,000 patungong 219,000 ang pangunang claims, habang dumami naman nang kaunti patungong 1.791M ang mga nagpapatuloy na claims, na mas mababa kaysa sa inaasahang halaga.

Implikasyon sa Magiging Pagbasa ng PCE: Maaaring baguhin pababa ang naunang iniulat na core PCE price index kapag inilabas sa Biyernes ang datos para sa Abril. Inaasahang tataas ang index ng 0.3% MoM at 2.8% YoY nitong Abril.

Nalalapit na Mahahalagang Datos sa Inflation: Pangunahing mangyayari ngayong linggo ay ang ulat sa core Personal Consumption Expenditures (PCE) price index sa US na ilalabas sa Biyernes, na siyang napiling paraan ng Fed para sukatin ang inflation. Kapag mas mahina ang PCE kumpara sa inaasahang halaga, isa itong magandang sorpresa, pero kapag tumaas pa ang inflation, maaaring bumaba ang tatahaking risk.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.