Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Bumaba ang US Dollar Dahil sa mas Mababang CPI, Nakabawi Pagkatapos ng Press Conference ng Fed
13 June 2024 | FXGT.com

Bumaba ang US Dollar Dahil sa mas Mababang CPI, Nakabawi Pagkatapos ng Press Conference ng Fed

  • Nakaranas ng Pagtaas-baba ang US Dollar sa Gitna ng mga Anunsyo: Nakaranas ng magulong araw ang US dollar kahapon, na naimpluwensyahan ng mahahalagang kaganapan sa balita. Sa maagang American session, lubhang bumagsak ang dollar pagkatapos ng mas mababang datos sa CPI kaysa sa inaasahan. Nagpaigting ito ng pag-asa sa mas dovish na pananaw mula sa Federal Reserve. Kaya lang, pagkatapos ng press conference ng Fed at komento mula sa Chairman na si Jerome Powell, nakabawi ang dollar, kaya nabaliktad ang ilang bahagi ng una nitong pagkalugi.
  • Walang Buwanang Pagtaas ang datos sa CPI: Nitong Mayo, hindi nagbago buwan-buwan ang US Consumer Price Index (CPI), na nagpapahiwatig ng bahagyang pagbagal ng inflation. Taon-taon naman, tumaas ito ng 3.3%, na mas mababa nang kaunti kumpara sa hula ng mga ekonomista na taunang pagtaas na 3.4%. Ang core CPI, na hindi nagtataglay ng presyo ang pagkain at enerhiya, ay tumaas ng 0.2% buwan-buwan at 3.4% taon-taon. Ang parehong datos ay mas mababa kumpara sa inaasahan.
  • Hindi Binago ng Federal Reserve ang Interest Rates, Sumesenyas ng Limitadong Pagbaba: Nagdesisyon ang Federal Reserve na wag baguhin ang interest rate nito tulad ng inaasahan, at isinaad nito na isang rate cut lang ang inaasahan bago magtapos ang taon.
  • Binago ng FOMC ang Projection sa Rate Cut: Pagkatapos ng dalawang araw na pulong, tinanggal ng Federal Open Market Committee (FOMC) ang dalawa sa tatlong rate cuts na dati nitong inaasahan noong Marso. Sumenyas din ang komite ng mas mataas na interest rate sa mas mahabang panahon kumpara sa dating inaasahan.
  • Pag-aalala sa Inflation: Kinilala ng Fed na bagamat bumagal ang inflation, nananatili pa rin itong mataas. May kaunting pag-usad tungo sa layunin ng Fed na 2% inflation nitong mga nakaraang buwan. Ayon sa bagong projection, maganda ang pananaw na babalik ang inflation sa target na halaga, kaya nagpapahiwatig na maaaring lumawag ang pamamalakad sa katapusan ng taon.
  • Bagong Pananaw sa Inflation: Tinaas ng FOMC ang tingin nitong inflation ngayong 2024 patungong 2.6%, o 2.8% kapag hindi kasama ang pagkain at enerhiya – na parehong mas mataas ng 0.2% mula noong Marso. Ang napiling panukat ng inflation ng Fed na Personal Consumption Expenditures price index ay nagtala ng 2.7% at 2.8% noong Abril. Ayon sa forecast ng Summary of Economic Projections (SEP), babalik ang inflation sa 2% target pagdating ng 2026.
  • Komento ng Fed Chairman na si Powell: Sa kanyang press conference, iginiit ni Chairman Jerome Powell ang maingat na pagkilos ng Fed, kung saan sabi niya na kailangan ng higit pang positibong datos para masigurado na gagalaw tungo sa 2% target ang inflation. Binigyang-diin ni Powell na malamang panatilihin ng Fed ang mas mataas na interest rates para makamit ang tuloy-tuloy na pag-usad tungo sa target nitong inflation.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.