Humaharap ang US dollar sa matinding pwersa pagkatapos ng indikasyon ng Federal Reserve na pwede itong magpatupad ng rate cuts sa Setyembre, na humantong sa 0.83% pagbaba sa US Dollar Index noong nakaraang Biyernes. Sa kabila nito, bahagyang naginhawaan ang currency dahil sa malakas na durable goods orders sa US at humihinang sentimyento sa ekonomiya ng Germany, na nakatulong para mabawi ng dolyar ang parte ng lingguhan nitong pagkalugi. Tumugon din ang EURUSD sa mga pangyayaring ito, kung saan humina ng 0.3% ang presyo ng Euro.
Noong Hulyo 2024, sumipa ng 9.9% ang durable goods orders sa US na dulot ng lakas ng kagamitan sa transportasyon. Kabaligtaran ito ng lumalaking hamon sa ekonomiya ng Germany, kung saan bumaba ang kumpiyansa ng mga negosyo, na higit pang sumuporta sa dolyar. Bilang resulta, nagawa ng US Dollar Index na tumalbog sa isang mahalagang support level, bagamat nananatili itong marupok sa loob ng matagalang sideways na market.
Nananatiling marupok ang US Dollar Index pagkatapos ng senyales ng Fed na magpapatupad ito ng rate cut, na humantong sa 0.83% na pagbaba noong Biyernes. Kaya lang, dahil sa malakas na durable goods orders sa US na sinabayan ng hindi magandang pananaw sa ekonomiya at kondisyon ng Germany, na pinakamalaking ekonomiya sa Europa, bumaba ng 0.3% ang EURUSD kahapon. Gayunpaman, nagawa ng US Dollar Index na tumalbog sa mahalagang support level na 100.617 at mabawi ang parte ng lingguhang pagkalugi na 1.68%.
Noong Hulyo 2024, iniulat ng US Census Bureau ang matinding pagdami ng bagong orders sa mga ginawang pangmatagalang bagay, kung saan tumaas ito ng 9.9% patungong $289.6B dahil sa paglago ng kagamitang pang-transportasyon. Ito ang ikalimang pagtaas sa nakaraang anim na buwan, kasunod ng 6.9% na pagbaba noong Hunyo. Nakaranas din ang mga kargamento ng 1.1% na pagtaas patungong $291.1B, habang nakaranas ng bahagyang paglago ang hindi natugunang order at lebel ng imbentaryo. Kapansin-pansin na lumobo ng 41.9% ang nondefense capital goods orders, na nagpapahiwatig ng malakas na demand sa naturang sektor. Binibigyang-diin ng ulat ang patuloy na pagtaas-baba sa industriya ng manufacturing, kung saan malaki ang papel ng transportasyon sa kamakailangang pagtaas nito.
Bumagsak ang ifo Business Climate Index sa Germany mula 87.0 points noong Hulyo patungong 86.6 points, sa kabila ng paglagpas nito sa forecast ng mga ekonomista, na sumasalamin sa hindi gumagandang pananaw ng mga kumpanya. Nakaranas ng matinding pagbagsak ang sektor ng manufacturing, dahil maraming kumpanya ang hindi nasisiyahan sa kasalukuyan nilang sitwasyon at iniuulat nila ang humihinang backlog sa order. Nakaranas din ng paghina ang sektor ng mga serbisyo dahil sa lumalalang kalagayan. Bagamat bumuti nang kaunti ang sektor ng pangangalakal, resulta ito ng pagbabawas sa hindi magandang pananaw. Nanatiling matatag ang sektor ng konstruksyon, kung saan bahagyang tumaas ang kumpiyansa pero nabawi ng humihinang pag-asa. Sa pangkalahatan, makikita sa datos na tumataas ang hamon na nararanasan ng ekonomiya ng Germany, kung saan humihina ang sentimyento sa loob ng magkakaibang sektor.
Nakakulong na ang US Dollar Index sa sideways na market mula pa noong 2023, kung saan may itaas na hangganan sa 107.348 at tumutugmang ibabang hangganan na 99.578. Kung magagawa ng bulls na kontrolin ang market at alisin ang presyo mula sa lows nito, may tatlong potensyal na upside targets na pwedeng matukoy: 101.625, 101.799, at 102.945. Sa kabilang banda, kung patuloy na mapapanatili ng bears ang kontrol, maaaring bigyang-pansin ang mga sumusunod na downside targets: 99.945, 99.578, at 98.398.
Sa pangkalahatan, sensitibo ang posisyon ng US Dollar dahil nagigipit ito mula sa potensyal na rate cuts ng Federal Reserve pero sinusuportahan ng malakas na datos sa lokal na ekonomiya at humihinang sentimyento sa Europa. Bagamat nakapagbigay ng pansamantalang pagtaas ang pagsipa ng durable goods orders noong Hulyo, nananatiling hindi sigurado ang pangkalahatang pananaw ng market sa dolyar. Habang patuloy na nagti-trade ang US Dollar Index sa isang malinaw na range, susubaybayang mabuti ng mga nasa market ang mahahalagang technical na lebel para pakiramdaman ang direksyon ng currency sa hinaharap sa gitna ng mga magkahalong senyales sa ekonomiya.