Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / US Dollar strengthens following the release of PPI data & Retail Sales.
14 Marso 2024 | FXGT.com

US Dollar strengthens following the release of PPI data & Retail Sales.

  • Positibong Tugon Pagkatapos Ilabas ang Datos: Lumakas ang US Dollar at positibo itong na-trade pagkatapos ilabas ang retail sales at Producer Price Index sa US ngayong Pebrero, kung saan kasalukuyang hinahamon ng US Dollar Index (DXY) ang 103 na lebel. Dahil sa pinakabagong balita, pinag-iisipan ng traders na tiyempuhan ang inaasahang pangunang rate cut ng US Federal Reserve.
  • Tumaas ang Producer Inflation sa US: Ngayong Pebrero, nakita natin ang 1.6% na pagtaas ng producer inflation sa US kumpara sa nakaraang taon, na nangangahulugan ng pagbilis nito mula sa 1% na pagtaas noong Enero. Nalagpasan nito ang inaasahan ng market na 1.1%.
  • Nalagpasan ang Inaasahang Pangunahing PPI Ngayong Buwan: Kumpara sa halaga nito noong nakaraang buwan, nakaranas ang pangunahing PPI ng 0.3% na pagtaas, kaya nalagpasan nito ang inaasahang 0.2% ng market.
  • Mas Mababang Retail Sales sa US: Nakakita ng 0.6% na paglago ang retail sales sa US ngayong Pebrero, pero hindi nito naabot ang inaasahan ng market kahit na may malakas na demand sa mga sasakyan. Kung tatanggalin ang benta ng mga kotse, tumaas ng 0.3% ang retail sales.
  • Bahagyang Bumaba ang Jobless Claims sa US: Sa linggong natapos nitong Marso 9, bumaba ng 1,000 ang inisyal na jobless claims sa US na may kabuuang 209,000, at mas mababa ito sa inaasahan ng market na 218,000.  
  • Papalapit na Tagapaghiwatig ng Ekonomiya: Inaabangan ng mga trader ang paglabas ng datos tungkol sa Industrial Production at sentimiyento ng University of Michigan.
  • Desisyon ng Fed sa Interest Rate: Sa susunod na linggo aabangan nang husto ang US Dollar, dahil nakatutok ang lahat sa desisyon ng Federal Reserve tungkol sa interest rate. Masusing susubaybayan ng mga nasa market ang anumang indikasyon tungkol sa direksyon ng monetary policy sa hinaharap.
  • Kahalagahan ng Bagong Dot Plot: Kasabay ng desisyon sa interest rate, mahalaga ang ilalabas na bagong dot plot. Magbibigay ang dokumentong ito ng projection tungkol sa interest rate sa hinaharap at bubusisiin para sa anumang pagbabago kumpara sa huling update noong Disyembre, na nagpahiwatig ng hanggang tatlong rate cut na mangyayari ngayong taon.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.