4 July 2024 | FXGT.com
Nagigipit ang US Dollar Dahil sa Paghina ng mga Trabaho at Senyales ng Pagbagal ng Ekonomiya sa Ayon sa Ulat ng ISM
- Nagpapahiwatig ng Bumabagal na Labor Market ang Datos sa Trabaho: Nagpakita ng bumabagal na kondisyon ng market ang parehong ADP Employment report at lingguhang datos sa jobless claims. Nagdagdag ng 150K na indibidwal ang mga pribadong employer nitong Hunyo, na mas mababa sa inaasahang 160K. Tumaas ang apat na linggong moving average ng pangunang jobless claims patungong 238.5K, na nagpapahiwatig ng potensyal na negatibong pagbaliktad ng mga trabaho bago ilabas ang Non-Farm Payrolls sa Biyernes.
- Pagbaba ng ISM Services PMI: Bumaba ng 48.8 nitong Hunyo ang ISM Services PMI, mula sa 53.8 noong Mayo, at ito na ang pinakamababang pagbasa simula noong Mayo 2020. Nagpapahiwatig ito ng pagbagal sa sektor ng mga serbisyo, na sumesenyas ng mas mahinang aktibidad sa ekonomiya.
- Highlights mula sa Ulat ng ISM: Kabilang sa mahahalagang punto mula sa ISM ay ang headline na numero na umabot sa bagong siklo ng low at ang New Orders Index na bumagsak sa kauna-unahang pagkakataon simula 2022. Sa kabila nito, hindi nagpapahiwatig ng trend ang isang mahinang datos, at nagpakita ng pagtaas-baba ang ISM Services PMI, na bumagsak patungong 49.4 noong Abril bago makabawi sa 53.8 noong Mayo. Kaya lang, nakakaalarma ang mahinang datos at pinapalakas nito ang kaso ng pagluluwag ng patakaran at higit pang pwersa sa US dollar.
- Pananaw mula sa Minutes ng FOMC: Nabunyag sa inilabas na minutes ng FOMC na maraming opisyal ng Fed ang naglabas ng hinaing tungkol sa bumabagal na paglago ng ekonomiya at potensyal na risk nito sa labor market. Mas tinataya na ngayon ng investors ang pagkakaroon ng dovish na pananaw mula sa Fed, at marami ang nag-aabang ng dalawang rate cuts sa katapusan ng taon. Binigyang-diin din ng minutes ang pag-aalala tungkol sa patuloy na inflation, pero nagpapahiwatig ang pangkalahatang tono na handa nitong luwagan ang patakaran kung kinakailangan.
- Epekto sa US Dollar: Nakapagpahina sa US dollar ang mahinang labor market na sumesenyas ng pinaghalong nakakadismayang datos ng ISM, na humantong sa pangalawang magkasunod na araw ng paghina na umabot sa dalawang linggong low. Ayon sa pinakabagong datos, tumaas ang tyansa na magpatupad ng rate cut, at ipinapakita na ngayon FedWatch tool ang 72% tyansa ng rate cut sa Setyembre, na mas mataas mula sa 59% noong nakaraang buwan.
- Epekto sa US Stocks: Tumaas nitong Miyerkules ang mga US stock index sa gitna ng pinaikling trading session dahil sa pista opisyal, na nagpataas sa prospektibo ng mas mababang interest rates. Nakapagtala ang S&P 500 at Nasdaq ng paglago habang inaabangan ng mga investor ang pagluluwag sa pananalapi na susuporta sa paglago ng ekonomiya. Sarado ngayon ang mga market sa US dahil sa Araw ng Kalayaan.
- Mga Nalalapit na Mahahalagang Datos: Tinututukan na ngayon ang nalalapit na Non-Farm Payrolls report, na inaasahang magpapakita ng pagtaas ng 190,000 trabaho nitong Hunyo. Kritikal ang ulat na ito sa pagtukoy ng direksyon ng dolyar at pagkakaroon ng rate cut sa hinaharap.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .