Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Humaharap sa Pagsubok ang Housing Market sa US: Bumagsak ng 11% nitong Mayo ang mga Nabentang Bagong Bahay
27 June 2024 | FXGT.com

Humaharap sa Pagsubok ang Housing Market sa US: Bumagsak ng 11% nitong Mayo ang mga Nabentang Bagong Bahay

  • Bumagsak nang Husto ang mga Nabentang Bagong Bahay sa US: Bumagsak ng 11.3% ang mga nabentang bagong bahay patungo sa in-adjust na taunang rate na 619,000 nitong Mayo, na mas mababa mula sa 698,000 noong Abril. Nagbibigay-diin ang pagbagsak na ito sa patuloy na hamon sa US housing market, na nakakapagdagdag ng pwersa sa Fed para agad na babaan ang rates sa gitna ng mas malawak na pag-aalala sa ekonomiya.
  • Pagbabago sa Nakaraang Bilang: Binago pataas mula 634,000 patungong 698,000 ang mga nabentang bagong bahay nitong Abril. Malaki ang papel nitong matinding pagbabago sa naiulat na 11.3% pagbaba noong Mayo.
  • Mahinang Halaga ng Bentahan: Sa kabila ng pagbabago, nananatiling mahina ang halaga ng mga nabentang bagong bahay. Nakakaapekto nang husto sa sektor na ito ang bumababang presyo ng kahoy at lumalaking interest rates. Dahil sa tumataas na mortgage rates at dumaraming bilang ng mga naitayong bahay, inaasahan na mananatiling gipit ang market sa gitna ng mas mabagal na paglago ng ekonomiya.
  • Pagdami ng Supply: Dumami ang supply ng mga bagong bahay patungo sa 9.3 buwan noong Mayo, na mas mataas kumpara sa 8.1 buwan noong Abril. Sumasalamin ang pagtaas na ito sa bumabagal na market dahil nawawalan ng gana ang mga bumibili dahil sa mataas na mortgage rates. Lumalabas na nabago ang takbo ng market dahil sa dumaraming imbentaryo ng mga bago at naitayong bahay, kung saan maaaring magkaroon ng kapangyarihang tumawad ang mga bumibili nito.
  • Epekto ng Mataas na Interest Rates: Nakaapekto nang husto sa housing market ang tumataas na interest rates, dahil mas nagiging mahal ang mortgage at hindi ito kayang bayaran ng mga gustong bumili ng bahay, na nakakaapekto sa pagbaba ng bentahan nito.
  • Lakas ng US Dollar: Patuloy na nauungusan ng US dollar ang iba pang mga currency, kung saan sinusuportahan ito ng nakaraang hawkish na komento ng mga opisyal ng US Federal Reserve. Patuloy na lumalakas ang US Dollar Index (DXY) at nakaalis ito sa nakaraang sideways na pattern at nagti-trade sa ilalim ng tatlong-buwang high. Inaasahan ng financial markets ang pagpapatupad ng potensyal na rate cuts ng Federal Reserve simula Setyembre, na maaaring makapagpataas sa bentahan ng mga bahay sa ikalawang bahagi nitong taon.
  • Nalalapit na Datos sa Ekonomiya: Tinututukan ng traders ang mahahalagang ulat sa ekonomiya, kabilang ang panghuling tantya sa GDP na ilalabas mamaya, at ang PCE Price Index na iuulat bukas. Kasabay ng resulta ng stress test ng Fed, makakapagbigay ng higit pang pananaw ang mga ulat na ito tungkol sa takbo ng ekonomiya.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.