Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Nagtugma ang Inaasahang Inflation sa US Habang Bumagal naman ang Retail Sales
15 May 2024 | FXGT.com

Nagtugma ang Inaasahang Inflation sa US Habang Bumagal naman ang Retail Sales

Pananaw sa Inflation sa US: Tulad ng ipinapakita ng Consumer Price Index (CPI), nitong Abril bumagal sa 3.4% year-on-year ang inflation sa US. Tugma ito sa forecast ng market, at nagmamarka ng bahagyang pagbaba mula sa 3.5% noong Marso. Sumasalamin ito sa patuloy na pagbabago sa pwersa ng consumer prices.

Pagsusuri sa Core CPI: Bumagsak din patungong 3.6% mula sa dating 3.8% ang core CPI, kung saan hindi kasama ang mga tumataas-baba na kategorya tulad ng pagkain at enerhiya, at tugma ito sa inaasahan ng market. Nagpapahiwatig ito na nagsisimulang bumagal ang kaakibat na pwersa ng inflation, bagamat nararanasan pa rin ito.

Buwanang Pagbabago sa CPI: Parehong tumaas ng 0.3% nitong buwan ang pangkalahatang CPI at core CPI. Resulta ito ng pagtaas sa presyo ng tirahan at gasolina, na magkasamang naging dahilan sa mahigit 70% ng kabuuang buwanang pagtaas ng CPI, kaya binibigyang-diin ang malaking epekto ng bahay at langis sa pangkalahatang inflation.

Retail Sales nitong Abril: Hindi nagbago ang retail sales (0.0%) nitong Abril, na lubhang malayo kaysa sa inaasahang pagtaas na 0.4%. Bumaba ang sales ng 0.1% maliban sa kotse at gas, kaya minamarkahan nito ang isa sa mga pinakamahinang performance ng taon.

Pananaw sa Kaugalian ng mga Konsyumer: Dahil hindi naabot ang inaasahang halaga, may pahiwatig na bumabagal ang aktibidad sa ekonomiya. Ang paghina ng retail sales ay sumesenyas din na maaaring nag-aalangan ang mga konsyumer dahil sa mas mataas na presyo, kaya pwede nitong baguhin ang kaugalian nila sa paggastos bilang tugon sa kasalukuyang pwersa ng inflation.

Tugon ng Market: Pagkatapos ilabas ang datos sa inflation at retail sales, nakaranas ng pagbaba ang US dollar, na sumasalamin sa tugon ng mga investor sa hindi nagbagong inflation. Samantala, binago naman ng market ang pananaw nito tungkol sa magiging aksyon ng Federal Reserve sa interest rates.

Aabangan sa Federal Reserve: Nagbago ang pananaw ng market, kung saan inaasahan na nito ngayon ang 50 basis points na rate cuts sa pagtatapos ng taon, na mas mataas kaysa sa dating inaasahan na 45 basis points. Batay ito sa nakaraang datos sa CPI at mas mahinang retail sales.

Implikasyon sa mga Risk Asset: Inaasahang tataas ang sentimyento sa risk dahil sa pagtutugma ng CPI sa forecast at ang inaasahang rate cuts. Papaboran nito ang mga risk asset tulad ng stocks, crypto, at mga currency na batay sa commodity.

Paparating na Tagapaghiwatig ng Ekonomiya: Maaaring masubok ang magandang pananaw ng market dahil sa paparating na mga datos sa ekonomiya, tulad ng jobless claims sa US na ilalabas bukas. Pwedeng makaapekto sa positibong sentimyento sa mga risk asset ang hindi inaasahang pagbabago sa naturang datos.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.