Noong Hulyo, bumagsak ang job openings sa US sa pinakamababa nitong lebel sa loob ng 3.5 na taon, na nagpapahiwatig ng humihinang labor market. Dahil sa pagbaba ng job openings at magkahalong senyales mula sa ibang indicator sa market, maaaring isaalang-alang ng Federal Reserve ang pagbabawas ng interest rates sa nalalapit nitong pulong. Kasabay ng humihinang datos sa ekonomiya at tumataas na pag-asa ng market, may potensyal na bumaliktad ang pamamalakad sa pananalapi para balansehin ang pagkontrol ng inflation at pagsuporta sa ekonomiya.
Humihina ang Labor Market Ayon sa Lebel ng Job Openings sa US sa Loob ng 3.5 na Taon
Ayon sa Job Openings and Labor Turnover Survey (JOLTS) ng Labor Department, bumagsak ang job openings sa US patungong 7.67 milyon, ang pinakamababa nitong lebel simula Abril 2021. Kinakatawan nito ang pagbabawas ng 237,000 na trabaho mula Hunyo at mas malala ito kumpara sa inaasahan ng mga ekonomista na 8.1 milyon. Bumaba rin ang ratio ng job openings kumpara sa mga available na manggagawa patungong 1.1, na nagpapahiwatig ng humihinang labor market. Tumaas ng 202,000 patungong 1.76 milyon ang mga nasisante, habang 273,000 naman ang nagkaroon ng trabaho, na sumasalamin sa magkahalong senyales tungkol sa kondisyon ng labor market.
Dahil sa datos na ito, pwedeng pag-aralan ng Federal Reserve ang pagbabawas ng interest rates sa pulong nito sa kalagitnaan ng Setyembre. Bagamat dumami ang job openings sa ibang sektor tulad ng propesyonal at pang-negosyong serbisyo, nakaranas naman ng pagbaba ang ilan, tulad ng pribadong edukasyon, serbisyo sa kalusugan, at gobyerno. Sa kabila ng pag-aalala tungkol sa bumabagal na ekonomiya, sinasabi ng mga eksperto na hindi naman mabilis ang pagbagal ng labor market. Inilabas ang ulat na ‘to bago ang Nonfarm Payrolls nitong Agosto, na inaasahang magpapakita ng katamtamang paglago sa mga trabaho.
Sumenyas ang Isang Miyembro ng Fed na Handa nang Bawasan ang Interest Rate sa Gitna ng Humihinang Labor Market
Isinaad ng Pangulo ng Fed sa Atlanta na si Raphael Bostic na handa na siyang simulan ang pagbabawas ng interest rates, kahit na mas mataas pa rin ang inflation kumpara sa target na 2% ng bangko sentral. Bagamat kilala siya sa hawkish na pananaw pagdating sa paglaban sa inflation, nilipat ni Bostic ang atensyon niya sa humihinang labor market. Iginiit niya ang kahalagahan ng pagkilos bago maabot ang inflation na 2% para maiwsan ang anumang kaguluhan sa labor market. Kasabay ng inflation na 2.5% noong Hulyo, tugma ang pahayag ni Bostic sa inaasahan ng market na pwedeng magpatupad ng rate cut ang Federal Reserve sa pulong nito ngayong Setyembre 17–18. Bilang bumobotong miyembro ng FOMC, pinapatibay ng kanyang pananaw ang tyansa na luluwag ang pamamalakad sa kabila ng senyales ng mas mahinang ekonomiya at mas mababang inflation.
Bumaba ang Dollar Dahil sa Mahinang Labor Data Habang Hinihintay ang Rate Cut ng Fed, Tumaas naman ang Euro at Yen
Bumagsak ng 0.8% ang US Dollar Index (DXY) kumpara noong nakaraang linggo, na resulta ng lumalawak na trade deficit sa US, mas mababang Treasury yields, at mas mabilis na pagbaba ng JOLTS job openings noong Hulyo kumpara sa inaasahan, na nagpahiwatig ng mas mahinang labor market. Nakadagdag ng kagipitan sa dolyar ang dovish na Beige Book ng Fed at mas mataas na pag-asa na magpapatupad ito ng rate cut. Samantala, tumaas naman ang EURUSD dahil sa paghina ng dolyar, bagamat nalimitahan ito dahil sa mahinang producer prices sa Eurozone at dovish na komento mula sa mga opisyal ng ECB. Bumaba ng 2.6% ang USDJPY, na sinusuportahan ng demand sa safe-haven na yen sa gitna ng pagbagsak ng Nikkei Stock Index sa Japan.
Payrolls sa Setyembre: Ang Susi sa Magiging Desisyon ng Fed Kaugnay ng Rate Cut
Kung magpapakita ng positibong resulta ang Nonfarm Payrolls ngayong Setyembre 2024, bababa ang tyansa na magpatupad ng 50 basis points rate cut ang Federal Reserve. Magpapahiwatig ng malusog na ekonomiya ang pagdami ng mga trabaho, na pwedeng makadagdag sa inflation. Sa kabilang banda, kung negatibo ang Nonfarm Payrolls, tataas ang tyansa na magkaroon ng 50 bps rate cut. Nangangahulugan ng paghina ng ekonomiya ang hindi magandang datos sa mga trabaho, kaya babawasan ng Fed ang rates para hikayatin ang paglago. Depende ang magiging desisyon ng Fed sa pagbabalanse ng inflation at pagbibigay ng suporta sa ekonomiya.
Mga Potensyal na Support Levels sa Gitna ng Nakaambang Rate Cut ng Fed
Nakaranas ang US Dollar Index ng limang magkasunod na linggo ng mas mababang lows, na resulta ng pag-asa na magpapatupad ang Fed ng rate cut sa Setyembre dahil sa bumabagal na ekonomiya at humihinang labor market. Kung bumagsak nang husto ang index sa ilalim 100.617, na matatag mula pa noong 2023, pwede nitong i-target ang tatlong potensyal na support levels. Ang unang support level ay nasa 99.578, o ang arawang low na namataan noong Hulyo 23. Kung magpapatuloy ang bearish na pwersa, maaaring bumagsak sa 98.196 ang US Dollar Index. Ang ikatlong support level ay natantya sa 96.350. Sinusubaybayang mabuti ng mga trader ang takbo ng index sa mga naturang support level, dahil pwedeng magpahiwatig ng mas mahabang bearish na trend para sa dolyar ang matagumpay na pagbagsak kaysa dito.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, dahil sa kamakailang pagbaba ng job openings sa US at magkahalong senyales sa labor market, tumataas ang tyansa na magpatupad ng interest rate cut ang Federal Reserve sa Setyembre. Habang humihina ang labor market at bumabagal ang ekonomiya, napupwersa ang Fed na balansehin ang pagkontrol ng inflation kasabay ng pagsuporta sa ekonomiya. Kritikal ang ilalabas na Nonfarm Payrolls sa paghubog ng magiging pamamalakad ng Fed sa nalalapit na panahon.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.