Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Humaharap ang US Oil sa Pag-retest ng Mahalagang Support sa $81 sa Gitna ng Pag-aalala sa Demand ng China
16 July 2024 | FXGT.com

Humaharap ang US Oil sa Pag-retest ng Mahalagang Support sa $81 sa Gitna ng Pag-aalala sa Demand ng China

  • Bumagal ang Sunod-sunod na Pagtaas ng Langis: Ang sunod-sunod na pagtaas ng langis ay nakaranas ng malaking resistance sa $85 ngayong unang bahagi ng Hulyo, bago mag-retrace pabalik ng support sa $81. Ayon sa double top formation sa 4 na oras chart, may potensyal na top pattern sa arawang timeframe, na nananatiling makikita sa ilalim ng $85 na lebel.
  • Pag-aalala sa Demand ng China: Nagigipit ang presyo ng langis dahil sa pag-aalala kaugnay sa pananaw tungkol sa demand ng China. Dahil sa mas mahinang ekonomiya ng China ngayong Hunyo kumpara sa inaasahan at mas kaunting pag-import ng langis, bumabaliktad ang sentimyento ng market.
  • Pag-abang sa Stimulus ng China: Ayon sa bagong datos, bumagal ang pagtaas ng GDP ng China ngayong quarter, kaya umigting ang pangamba tungkol sa bumababang demand sa langis. Inaasahan ng mga investor na magpapatupad ang mga awtoridad sa China ng bagong patakaran para pasiglahin ang ekonomiya at pataasin ang demand.Top of FormBottom of FormTop of Form
  • Tinututukan ang Mahalagang Support sa $81: Papalapit na ang market sa kritikal na pag-retest sa $81 support level, na dating sumuporta sa sunod-sunod na pagtaas noong Hulyo 10, at nagtulak sa presyo sa ilalim ng $84. Mahalaga ang magiging tugon ng market sa lebel na ‘to para mapanatili ang bullish na momentum.
  • Arawang Katangian ng Trend: Sa kabila ng retracement, nananatiling bullish ang arawang trend. Sinusubok ng market ang 45-araw na EMA channel, na tumutugma sa 200 EMA channel sa 4 na oras na chart, at parehong mahalagang lugar ng support. Kapag tinanggihan ang itaas ng $81, pwedeng magpatuloy ang pataas na momentum, kaya pahihintulutan ang pag-trade sa loob ng $81 hanggang $85 na range na nabuo sa loob ng nakaraang tatlong linggo.
  • Bullish na Pananaw: Masusing susubaybayan ng bullish traders ang tugon ng market sa $81 na lebel. Ang anumang senyales ng pagkabigo dito ay pwedeng magbukas ng oportunidad para simulan ang bagong bullish na positions, na potensyal na tututok sa sunod-sunod na pagtaas at pag-retest ng $84 na highs.
  • Eksena sa Bearish na Paglagpas: Kapag nalagpasan pababa ang $81, babaliktad ang technical na pananaw patungong bearish sa arawang timeframe, na may pangunang target na $80 at pinalawig na target na $77. Sinusubaybayan ng bearish traders ang paglagpas pababa ng $81 na susundan ng pag-retest sa lebel na ‘to bilang resistance. Ang ganitong galaw ay sesenyas ng bagong bearish swing pattern at magbubukas ng oportunidad para sa mga short position.

4 na Oras na Chart ng US Oil

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.