Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Sinusubok Ulit ng US Oil ang Support sa Nakaraang Breakout Level
22 Marso 2024 | FXGT.com

Sinusubok Ulit ng US Oil ang Support sa Nakaraang Breakout Level

  • Performance ngayong Taon at sa Buwan ng Marso: Tumaas ng 12% ang presyo ng krudo ng US ngayong taon kaya naabot nito ang bagong apat na buwan na high. May 3% pagtaas ito simula mag-umpisa ang buwan ng Marso dahil sa mga tensyon sa Gitnang Silangan na nakakaapekto sa supply.
  • Nananatiling Bullish ang Pananaw sa WTI Crude Oil: Bagamat nakaranas ito ng bagong pagbaba, nananatiling bullish ang trend ng WTI Crude Oil, na lumagpas sa itaas ng $81, at naghuhudyat sa pagpapanatili ng matatag na uptrend simula noong Enero, habang gumagalaw ang presyo sa itaas ng mahahalagang moving average.
  • Uptrend na Istraktura sa Arawang Chart: Sa arawang chart makikita ang malinaw na tops at bottoms sa loob ng pataas na trendline channel, na nagpapahiwatig ng matatag at tuloy-tuloy na uptrend na may trendline support sa $79.
  • Mas Kaunting Pagbabago-bago: Binibigyang-diin ng Average True Range (ATR) indicator ang nakaraang pagdahan-dahan ng pagtaas-baba, na kasalukuyang nasa $1.73, at mas mababa sa $2 noong Pebrero.
  • Pag-break ng Resistance at Retracement: Kulang ng momentum ang nakaraang paglagpas sa $81 na resistance, kaya nagkaroon ng top at retracement mula sa $83 na high, tulad ng ipinapakita ng evening star candlestick pattern sa arawang time frame.
  • Pagsubok sa Panandaliang Support: Kasalukuyang nasa pivotal point ang market, kung saan sinusubok nito ang panandaliang support level sa $80.50, na tumutugma sa 4 na oras na moving average channel. Kritikal ang lebel na ito para sa mga buyer na gustong pabugsuin ulit ang pataas na momentum.
  • Mahahalagang Resistance Level: Natukoy ang panandaliang resistance sa $81.80, kung saan may higit pang resistance sa kasalukuyang high na $83. Ang lakas ng trend ay umaasa sa pagpapanatili nito sa itaas ng $81 na arawang breakout point.
  • Potensyal na Correction: Ang pagbaba sa ilalim ng $80.50 na support ay maaaring sumenyas sa bumababang trend, na posibleng magsanhi ng bearish na momentum at mapalawig ng correction papunta sa $79 na lebel, na tugma sa arawang moving average channel. Isa itong mahalagang lebel sa pagsusuri sa pangmatagalang interes ng mga bumibili.
  • Lagay ng Trend: Itinuturing na matatag ang uptrend hanggang manatili sa itaas ng $79 ang presyo. Kaya lang, kapag bumaba ito sa ilalim ng $80.50, maaaring mabawasan ang momentum na kailangan para panatilihin ang kasalukuyang takbo ng uptrend, na nagpapahiwatig ng potensyal na pababang puwersa sa ilalim nitong punto.

4 na Oras na Chart ng US OIL

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.