Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Lumitaw ang Posibilidad ng Stagflation sa US sa Gitna ng Pagbagal ng Ekonomiya at Pagpapatuloy ng Inflation
26 Abril 2024 | FXGT.com

Lumitaw ang Posibilidad ng Stagflation sa US sa Gitna ng Pagbagal ng Ekonomiya at Pagpapatuloy ng Inflation

  • Humaharap ang Ekonomiya ng US sa Risk ng Stagflation: Dahil sa inilabas na GDP ng US kahapon, naging negatibo ang pananaw ng market dahil nagpapahiwatig ito ng mas mababang paglago ng ekonomiya, at sinabayan pa ito ng mas mataas na inflation, na kadalasang tinutukoy bilang “stagflation.” Karaniwang hindi nagugustuhan ng mga investor ang kondisyong ito dahil sa magkasamang pwersa ng mas mabagal na aktibidad sa ekonomiya at tumataas na presyo, na pwedeng magdulot ng kumplikasyon sa magiging tugon sa pamamalakad.
  • Lebel ng Q1 GDP: Nagpakita ng mas mabagal na paglago ang ekonomiya ng US nitong unang quarter, kung saan tumaas ang GDP ng 1.6% kumpara noong nakaraang quarter. Mas mababa ito sa inaasahang 2.5% at di hamak na mas mababa sa 3.4% na naobserbahan noong Q4 2023. Gayunpaman, nagpapahiwatig ng mas matinding pwersa ang mga panukat sa inflation na makikita mismo sa ulat ng GDP, na pwedeng makaimpluwensya sa desisyon ng Federal Reserve sa pamamalakad nito.
  • Patuloy na Tumitindi ang Inflation: Kabaligtaran ng mas mahinang GDP, tumaas naman nitong nakaraang quarter mula 1.8% patungong 3.4% ang PCE index, isang mahalagang panukat ng inflation na masusing sinusubaybayan ng Federal Reserve. Ang core PCE, na hindi naglalaman ng tumataas-baba na presyo ng pagkain at enerhiya, ay tumaas patungong 3.7% mula sa dating 2.0%, na nagpapahiwatig na mataas pa rin ang pangamba sa inflation.
  • Implikasyon sa Pamamalakad: Dahil sa mataas na inflation, nakikita ang tuloy-tuloy na pwersa nito sa gitna ng bumabagal na ekonomiya. Noong una, ang nakakadismayang GDP ay nagpapahiwatig na magkakaroon ng rate cut para suportahan ang paglago ng ekonomiya. Pero dahil sa lubhang pagtaas ng mga PCE index, ginagawa nitong kumplikado ang sitwasyon at naging halata ang patuloy na risk sa inflation, kaya pwede itong maging dahilan para iwasan ng Federal Reserve ang agad na pagbaba ng interest rates.
  • Tugon ng Market: Pagkatapos ilabas ang datos, nakaranas ng pansamantalang paghina ang US dollar dahil sa mababang lebel ng GDP, na nagpapahiwatig ng pag-aalala sa takbo ng ekonomiya. Gayunpaman, agad itong nakabawi noong nakita ng market ang mas mataas na inflation kaysa sa inaasahan, na sumusuporta sa paninindigan ng Fed na panatilihin ang mas mataas na interest rates sa mas mahabang panahon.
  • Inaabangan ang Datos sa Core PCE: Hinihintay na ngayon ng mga investor ang ilalabas na core Personal Consumption Expenditure (PCE) Price Index para sa Marso, na kritikal para matantya ang magiging rate cut ng Fed. Kapag bumilis ang PCE, baka maging malabo na magkaroon ng maramihang rate cut, at pwedeng malimitahan ito sa iisa lang ngayong taon. Kasalukuyang inaasahan ng market na mangyayari ang unang rate cut sa Setyembre, pero depende pa ito sa mga tagapaghiwatig ng ekonomiya na ilalabas sa mga susunod na buwan.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.