Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sunod-sunod na Tumaas ang US Stocks Habang Bumaba ang Dolyar Pagkatapos Sumenyas ang Fed ng Dovish na Pananaw
21 Marso 2024 | FXGT.com

Sunod-sunod na Tumaas ang US Stocks Habang Bumaba ang Dolyar Pagkatapos Sumenyas ang Fed ng Dovish na Pananaw

  • Humina ang Dolyar Pagkatapos ng Pulong ng Fed: Nakaranas ng malawak na pagbaba ang dolyar pagkatapos panindigan ng US Federal Reserve ang projection nito sa rate cuts ngayong taon, bagamat hindi inaasahan ang mataas na inflation. Hindi masyadong hawkish ang pananaw ng Fed kumpara sa inaasahan ng iba.
  • Lubhang Tumaas ang Wall Street Dahil sa Desisyon ng Fed sa Rate: Nakaranas ng matinding pagtaas ang mga pangunahing stock index ng Wall Street dahil sa komento ng Fed Chair na si Jerome Powell. Kinilala niya ang mataas na inflation pero sinigurado niya na hindi magbabago ang landas ng bangko sentral tungo sa dahan-dahang pagbaba ng inflation, kaya napanatag nito ang pag-aalala ng mga investor na bumaliktad ito sa dovish nitong paninindigan mula noong Disyembre.
  • Pananaw sa Rate Cut ng Fed: Dahil sa komento ng Fed Chair na si Jerome Powell, nabigyang-diin ang inaasahang dahan-dahang pagbaba ng presyo sa US, kung saan papanatilihin nito ang forecast na tatlong rate cuts ngayong taon. Dahil dito, tinaasan ng traders ang taya nito sa rate cut ng Fed ngayong Hunyo, kung saan sumipa na sa 74% ang odds sa market.
  • Bagong Forecast sa Inflation: Sa bagong forecast ng Fed, may bahagyang pagtaas sa core Personal Consumption Expenditures (PCE) price index patungong 2.6% sa katupasan ng taon, na mas mataas kaysa sa prediksyon noong Disyembre na 2.4%.
  • Pagbabago sa Pananaw sa Ekonomiya: Binago ng Fed ang projection nito sa ekonomiya, na sumesenyas ng mas magandang paglago ngayong taon at bahagyang pagbaba sa inaasahang unemployment rate kumpara sa tinatayang halaga noong Disyembre.
  • Pangmatagalang Rate na Inaasahan ng Fed: Dahil sa projection ng Fed, inaasahan ang kaunting pagtaas ng pangmatagalang rate, kung saan ang tinatayang median ay magiging 2.5% hanggang 2.6%. Kapansin-pansin na dumami ang policymakers na nagpo-project ng pangmatagalang rate na 3% o mas mataas pa.
  • Tinalo ng Dovish na Interpretasyon ng Market ang Hawkish na Pahiwatig: Bagamat may ilang hawkish na pahiwatig mula sa Fed, kabilang ang pataas na pagbabago ng pangmatagalang equilibrium rate, nakatutok ang market sa panandaliang dovish na senyales. Ilan sa mga binigyang-diin ang inaasahang mas mahinahon na siklo at pagpunta tungo sa pagpapabagal ng quantitative tightening.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.